He's twenty two
Naging usap usapan sa buong university ang litratong iyon. Ikatlong araw mula nang kumalat ang litrato nilang dalawa. Kaliwa't kanan media na nais makuha ang pahayag ng binata, ang kompirmasyon nito kung totoo ba ang nasa litrato. Ngunit wala itong pinaunlakan ni isa sa mga nais makuha ang pahayag nito. Tatlong araw na ang nakalipas pero mainit parin ang issue, mukhang hindi sila titigil hanggat hindi nagbibigay ng pahayag si Travis. Hindi dapat, hindi na dapat s'ya naglalalapit pa sa binata. Alam nya sa sariling wala silang ginagawang masama o nilalabag. They aren't in a relationship, they aren't dating. Pero sa mapanghusgang mata ng tao lahat may malisya.
They'll judge you, accuse and blame you without knowing your own point of view.
Iyan ang reyalidad.
Tatlong araw narin nyang pinipigilan ang sariling mag alala para sa binata. Palagi kasi itong dinudumog ng mga reporters. Kahit na hindi naman nakakalapit sa binata ang mga reporters dahil sa sandamakmak nitong guards. Nagkasya nalang s'ya sa pagtanaw mula sa malayo. Dahil tatlong araw narin nyang iniiwasang magkrus ang kanilang mga landas.
Tatlong araw narin syang sinusubukang lapitan ng binata pero pursigido na syang iwasan ito.
Mabilis nyang tinahak ang ibang direksyon ng matanaw na makakasalubong si Travis. Palaging ganito ang tagpo kung makikita nya ito. Kung hindi nya iibahain ang daan nya ay babalik nalang s'ya sa kung saan man s'ya nanggaling. Pasimple syang lumingon sa likuran kung nakaalis na ba ito. Nang makitang wala na ito ay kaagad rin syang bumalik sa dapat na daraanan nya papuntang susunod na subject. She sighed as she continue walking toward her next classroom.
Nakahinga s'ya ng maluwag nang marating ang susunod nyang klase. Umupo na s'ya at tumulala sa kawalan. Bakit, bakit parang ang bigat ng pakiramdaman nya na iniiwasan ito. Pero hindi ba iyon naman ang tama, ang iwasan ang binata, pero bakit pakiramdam nya nasasaktan s'ya. Gagawin nya kung ano ang tama, at iyon ay ang iwasan ito para hindi maulit pa ang nangyari at hindi na lumaki pa ang issue. Naihilamos nya ang palad sa mukha.
Wala sa sariling nailabas nalang nya ang cellphone dahil wala pa naman si Mr. Baldemor. Napahugot s'ya ng hininga ng makitang may natanggap syang message. Ang una ay galing kay Ryde, dahil ini-unblocked na nya ang numero nito at ang pangalawa naman ay galing kay Travis. Inuna nyang binuksan ang galing kay Ryde,
'Let's have a lunch together.' From Ryde. She replied yes to Ryde's message. Pagkatapos nun ay tinitigan nalang nya ang message na galing kay Travis, nagdalawang isip kung bubuksan ba iyon. Nakailang hugot pa s'ya ng malalim na hininga bago napagpasyahang buksan nalang.
'You're avoiding me.' Ramdam nya ang lamig sa mensahe. Madalas rin kasi itong magtext sa kanya pero hindi nya sinasagot at hinahayaan nalang nya. Pinatay na nya ang cellphone at ibinalik na sa bag.
"Hayy sino ba naman kasing tatanggi kay Mr. Salazar right?" Rinig nyang usapan sa kabilang row.
"Matinik rin itong si girl ha, eh ang sungit sungit ni sir, 'di ba? Hindi nga gumingiti iyon. Palaging seryoso at snob."
"Sino kaya iyong babae sa picture, ano?" Singit ng isa.
"Alam nyo na baka magaling mag seduce at nabilog si sir, alam nyo na yung mga babaeng ano." Pambibitin ng isa sa sasabihin kaya nagtawan sila.
"Baka magaling sa kama?" At saka sila nagtawanan ulit.
"Pero bawal parin 'yon 'di ba? Naku kawawa si girl kapag nabunyag ang identity n'yan haha!"
"Syempre, baka nga ma-expell o ma-kick out, alam na nga kasing bawal ang relasyong ganyan, lalo na at anak pa ng may-ari si sir."
"Isa pa, hindi ba may inaalagaan s'yang imahe, baka talagang nabilog lang ni girl kaya bumigay haha!"
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO
RomanceHot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he walks like a Ruler full of might and audacity. Showcasing his perfectly-groomed dark brown hair, his...