"Paano mo ako nahanap? "Tanong ng kanyang ama matapos na ibuhos ni Guanyin si Mia ng tsaa at nawala sa pangalawang pagkakataon.
''Mahirap ipaliwanag,'' sagot ni Mia. "Ako ay nasa makati ng higit sa tatlong buwan na po ako dito tay."
''Ano ginagawa mo sa Makati? '' Tanong bigla ni caloy na biglang kinabahan. ''Hindi ko inaasahan na mahanap mo ako dito''
''Madalas, iniisip po kita at hinahanap kong saan-saan,''pag-amin ni Mia. Paano niya ipinaliwanag kay Caloy na si Ethan Murano at ang kanyang mga kakaibang trabaho sa isang rich young man employer at kinabahan siya sa maaring reaksyon ng kanyang ama, kapag nalaman nito ang kanyang pagkukunwari bilang fiance.
Ang pagpapasya ng magandang disisyon sa paraan upang hindi ikabahala ng kanyang ama, ay pinili nalang niya na wag itong sasabihin ng totoo ang lahat ng kalagayan niya ngayon. Ngunit bago siya magsalita inayos ang mga balikat ni Mia at ngumiti.
''Nakakuha ako ng trabaho, "nagsimula siya. '' Nagsisilbi ako sa isang matanda sa Slate mansion.'' Hindi lahat ay kasinungalingan. Naging close at lagi silang nagkasama ni Don Fedel.
''Sinulat ko sa iyo na pupunta ako pagkatapos namatay ni Ginang Willet. Ngunit pagdating ko wala ka sa istasyon ng barko. Nagrenta ako ng isang silid sa isang boarding house, ngunit ang aking mga pondong pera ay dahan dahan naubos at kailangan ko ng trabaho.''Ang paliwanag ay tila nabawasan ang pag-aalala ng kanyang ama para sa pansamantala. Inabot niya sa loob ang isang maliit na kahon at naglabas ng isang bote ng wiski. Matapos inubuhos sa kanyang tasa na kalahati na puno ng amber na alak, nagdagdag siya ng tsaa mula sa puting porselana na palayok.
''Wala akong natanggap na sulat galing sayo,'' inamin niya pagkatapos sumipsip ng ilang elixir na nilikha niya. ''Wala akong ideya na iiwan mo ang Camiguin. Ito ang iyong tahanan. "''Hindi ito matatawag magkaroon ng isang tahanan nang walang pamilya,'' sinabi sa kanya ni Mia. ''Matapos mamatay si Mama, pinalaki mo ako mag-isa. Alam ko mahirap para sayo, lalo na nang akoy nagka-sakit, kaya ka nagpasya na umalis sa ating lugar para mas malaki ang kinikita mo. Kaya kahit masakit na iniwan mo ako ay tinatanggap ko at hindi ko alam kong kailan ka babalik. Kaya nag disisyon ako na iwan ang bahay kay Aling Tonya. Sinulat ko ito at sinabi sa iyo ng ganon. Matapos mamatay si Ginang Willet, walang dahilan upang manatili sa atin. Nasa Manila ka, kaya't naisipan ko rin sumunod sayo.''
Biglang bumigat ang pakiramdam ng kanyang ama .''Bakit ka naglalakad na may tungkod?'' Nag-aalalang tanong nito.
''Nasagi ko po ang isang malaking kahoy,'' sabi niya. "Hindi ito seryoso. Sa katunayan nga medjo magaling na siya" Hindi siya nagsisingungaling.
Sumunod ang isang mahabang, tensyonadong katahimikan habang hinihigop ni Mia ang kanyang tsaa at sinubukang isipin kung ano ang sasabihin sa kanyang ama.
Tila may kakaibang reaksyon ang kanyang ama nang makita siya at nagsimula siyang nag-isip na baka may katotohanan nga ang report ni Jason kay Ethan.
Sa gayon, mayroon lamang isang paraan upang malaman.
Medjo nahalata na niya ang kanyang ama ay hindi magboboluntaryo ng anumang impormasyon tungkol sa kanyang kasalukuyang katayuan. At napansin din niya ang pagkabalisa nito at tila nag-iba ang ugali nito.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Offer
RomanceLahat tayo may ibat-ibang katayuan ng buhay. May mga taong lumaki sa fortune at may mga taong lumaking unfortunate. Ngunit napabilang sa unfortunate ang isang dalagita na lumaki sa hirap, ang naging mindset nya lagi ay wala nang pag-asa na yumaman...