Ago Fourty Four

51 1 2
                                    

Napa-mura si Caloy ng isang sumpa, pagkatapos ay pinilit maging relax, alam na may kalamangan si Ethan. '' Okay fine, bitawan mo ako at mag-usap tayo." Sabi nya. Habang si Gino nakikipag-usap ng Chinese language sa kinakasama ni Caloy na si Guanyin.
Bawat ilang segundo, titingnan ni Caloy ang kanyang live in partner na para bang sasabihin sa kanya na huwag sabihin ang anumang bagay na masyadong mahalaga.

"Sigurado ka bang hindi dumating si Mia dito kaninang umaga?" Mahigpit na tanong ni Ethan.

"Sigurado akong hindi nagpunta ang anak ko dito sa apartment ko, '' frustrated na sagot ni Caloy at tiningnan si Ethan ng masama. " Sa palagay ko, oras na para sabihin sa akin ang isa o dalawa, Murano. Bakit tumakas si Mia sa bahay mo?"

"Binalaan ko siya na huwag makipag-kita ulit sayo," Matapat na sagot ni Ethan. "Hindi ako tulad ng iyong anak, hindi ako Isang tanga madaling maloko upang maniwala na ang kanyang ama ay gumagawa na parang isang Santo" 

Napangiwi si Caloy sa maayos na pakay na panlalait sa kanya ni Ethan, saka nagkibit balikat. "Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap."

"Hindi niya talaga alam nong una," sinabi sa kanya ni Ethan. "Ako ang nakaalam. O sasabihin nalang natin, natagpuan ka ng isang mahusay na binayaran ko na investigator."

Nagpakawala ng isang nabigong buntong hininga, naupo si Caloy sa kupas na sofa at sinabi kay Guanyin na gawin abala ang sarili sa ibang lugar. Ang ginang na Intsik ay agad naman umalis at nawala sa likod ng isang sutla na naghihiwalay sa makitid na silid sa harap ng bahay mula sa natitirang tirahan.

"Sinabi sa akin ni Mia na binabayaran siya upang maging taga-alaga ng iyong lolo. "

"Ganun nagsimula ang aming orihinal na relasyon, "pag-amin ni Ethan. '' Simula noon, nag-bago ang lahat. May balak po akong pakasalan ang iyong matigas na anak na babae kapag nakita ko siya."

Ngumiti si Caloy, pagkatapos ay nagngangalit habang pinapaalala ng kanyang labi na si Ethan ay may talento sa kanyang mga kamao tulad ng kanyang pagpatakbo ng negosyo. '' Hindi ko na maalala na nagmamatigas si Mia. Palagi siyang masayahin at malambing na anak."

"Binabago ng panahon ang mga tao, "sarcastic na puna ni Ethan." Tulad ng alam mo, Mr. Salazar. Ilang taon na ang nakalilipas ikaw ay isang mabait na empleyado ng Dutche Company Contraction.

"Ako pa rin ito," sagot ni Caloy. "Syempre, walang dapat makaalam. At ang tungkol naman kay Mr. Chang Feng, walang puwdeng nakaalam sa kanya."

Si Gino ay naka-taas ang makapal na kilay at tumingin sa kaibigan." Sa palagay ko nakahanap tayo ng isang misteryo. "

"Walang misteryo dito, "sinabi ni Caloy sa kanila. "At hindi talaga ako magsasalita kung naisip ko ang alinman sa inyo ay may kinalaman sa chinaman. Anuman ang malinaw na opinyon ng mayaman mong kaibigan, si Mia ay aking anak at mahal na mahal ko siya. "

"Bakit hindi mo siya sinundo sa istasyon ng barko nang dumating siya sa Maynila? "Tanong ni Ethan.

"Dahil hindi ko alam na darating siya sa lungsod na ito." sagot ng kanyang ama. "Palipat-lipat ako ng tirahan, palit-palit sa isang kakaibang trabaho patungo sa isa pa hanggang nagmukhang desperado ako para sa isang magandang buhay para sa kinabukasan sa iniwan kong kaisa-isang babaeng anak ko. At hindi ko natanggap ang sulat na ipinadala niya sa akin."

Sinimulan ni Ethan na sama-samahin ang mga piraso ng puzzle. "Iyan ang nagpaliwanag kung bakit kailangan mong magtrabaho sa ilalim ni Mr Chang feng."

"Iyon ang nag-lagay sa akin sa mala-empernong buhay, na inakala ko sa una ay makawala ako sa kanya ng mabilis. "Aminado si Caloy. Binigyan niya ng matigas na tingin si Ethan, saka inilipat ang atensyon kay Gino.  "Nagtatrabaho ako sa proyektong ito nang higit kalahating isang taon. Ang mga kabayaran ko  mula sa kaso na hindi ko ginawa sa dating employer ko ay bahagi ng isang plano. Natanggal ako sa trabaho at may malaki akong bayaran para kasalanan na hindi ko ginawa. Sa madaling sabihin, nasa bingit ako sa kahirapan at kailangan kong tanggapin ang inaalok sa akin ni Mr Chang feng,"pag-amin niya.  "Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko ginusto si Mia na tumatambay dito sa apartment ko kahapon. Walang tiwala si Mr. Chang feng sa kanyang sariling anino.

A Gentleman's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon