Marian
"Marian, bumalik ka nga sa pampang. Hindi pa... hindi pa naayos ang panangga!"
Binti ko lang ang nakalusong sa dagat ngunit nanggagaliiti na ang matanda. Hindi ako nakatiis na hindi lumusong nang makita ko ang mga sigay sa dalampasigan.
Mabilis na pumunta sa tabi ko si Lola at hinila ako papuntang buhangin. "'Di ba sinabi—"
"Ang ganda hindi ba?" tanong ko sa kanya at ipinakita ang mga sigay at kabibe na nasa lalagyan ko.
"Ang tagal ka naming inalagaan, iyon man lang sanang sumunod ka ang iganti mo sa amin," may galit na sagot ni Lola. Napayuko ako ng ulo.
"Wala ang iyong ama—"
"Huwag na nating pag-usapan. Matagal na silang wala, sanay na ako."
Iniwan ko sa pampang si Lola. Naglakad ako palayo sa dagat, papunta sa kubo namin. Bago ako pumasok ay ibinilad ko muna ang mga nakuha ko. Nilagay ko sa bilao at ipinatong sa bubong ng kulungan ng aking aso na si Pulgoso.
"Pulgoso, kuhhh," tawag ko sa asong tamad. Inismiran lang ako nito at nahiga sa buhanginan. Ipinatong ang dalang kamay sa mata.
"Hindi kita pakakainin," wika ko. Inalis nito ang nakatabing na kamay sa mata at tumingin sa akin ng patagilid. "Lumapit ka kung ayaw mong iitsa muli kita sa dagat."
Nagmamadaling lumapit ang aso sa akin. Mukha itong napipilitan na tumingin.
"Tara, doon tayo sa batis," yaya ko. Sumunod naman si Pulgoso.
Naupo ako sa batuhan at nangalumbaba.
Nayayamot akong nagbubuntong hininga ng malalim habang hinihimas ang aso na mukhang nakatulog na. Tagpi-tagpi ang kulay ni Pulgoso. Tagpi nga ang nais ipangalan ni Lolo rito ngunit narinig ko noon sa kabilang dako ang pangalang Pulgoso. Natimo ito sa aking isipan kaya ito ang ipinangalan ko sa aso na napulot ko sa dalampasigan noon.
"Wala akong magawa. Tapos na akong magsibak ng kahoy—"
Tumingin si Pulgoso sa akin. Parang hindi pa rin siya nasasanay na ako ang nagsisibak ng kahoy. Magaling ako roon; kaysa naman panoorin ko ang dalawang matanda na mahirapan.
May narinig akong sumigaw na umalingawngaw sa may bandang gubat. Napaangat din ang ulo ni Pulgoso at alam kong hindi ako nagkakamali.
Sabay kaming tumayo ng aso at tumakbo papuntang gubat. Nag-uunahan kaming makaakyat sa bundok. Ang lamang lamang ng aso sa akin ay ang kanyang pang-amoy. Naamoy niya ang babaeng sumigaw kaya sinundan ko si Pulgoso kung saan siya dadaan. Hinayaan ko na siyang manalo.
"Dodong... Dodong..." May isang babae na sumisigaw hindi kalayuan sa amin. "Saan na naman ako napunta? Dodong!"
Bumali ako ng isang sanga na papasa ng isang sibat dahil sat aba nito. Si Pulgoso naman ay umaangil.
"Sino ka?" tanong ko sa babae. Humarap siya sa akin at napabuga ng hininga ngunit napasinghap muli nang makita nito ang sang ana hawak ko.
"Teka, sandali Miss. Naligaw lang ako. Hindi ko alam—"
"Paano kang maliligaw sa isla? Saan ka dumaan? Saan ka nagmula?"
"Miss, kapag kinakabahan ako nadidisgrasya ang kaharap ko—"
"Huwag mo akong tinatakot!" sigaw ko rito.
"Hindi kita tinatakot. Shit... kalma, Jelie! Kalma lang." Para siyang baliw na kinakausap ang sarili. Mag-isa nga ako rito ngunit kinakausap ko naman ang aso at hindi ang sarili ko.
"Galing ako sa taas," ani niya.
"Hindi ako mang-mang. Hindi ka mukhang anghel na pinadala sa lupa upang maniwala ako sa iyo."
"Ugh!" Napabuga ito ng hininga. "Tangina, simpleng bumanat 'to a," bulong nito.
"Narinig ko iyon."
"Hindi ako anghel, okay. Hindi na kailangan ipagsigawan. Naligaw nga ako. Akala ko pintuan ang dinaanan ko, portal pala."
Sa tabi ko ay patuloy sa pag-angil si Pulgoso.
"Easy doggie... Easy, kuhhh... kuhhh."
"Pangalan mo? Espiya ka ano?" tanong ko rito.
"Hindi ako espiya, naligaw nga lang ako. Jelie ang pangalan ko. Ugh Jelie... wala akong apelyido. Ikaw, ano pangalan mo?" Naupo si Jelie sa lupa ngunit hindi nagbitaw ng tingin.
"Marian."
"Rivera?" tanong niya sabay tawa. "Dantes na pala." Umikot ang mga mata nito.
"Wala rin akong apelyido."
"Oh gosh, same, girl. Same. Halika, umupo ka. Lilitaw ang asawa ko ano mang oras, baka magulat ka. Hahanapin ako no'n."
"May asawa ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nawala ang ngiti ni Jelie. "Mukha ba akong hindi desirable para hindi magkaasawa? Kanina ka pa namimintas a."
"Nagtatanong ako ng maayos," naiiritang sagot ko.
"Umupo ka nga. Ibaba mo 'yang sandata mo, Pocahontas."
Hindi ko binaba ang hawak kong sanga lalo na at may itim na usok na biglang bumalot sa pangahas na babae. Bigla ay may lumabas na lalaki mula sa kawalan at hindi nagtagal ay dumami sila.
"Oh, there you are dear. Naligaw ako," wika ni Jelie.
Si Pulgoso ay mas lalong umangil. Hindi maganda ito.
"Sino kayo?" tanong ko sa mga bagong dating.
"Sidapa," sagot ng unang lalaking lumitaw.
Diyos ng kamatayan.
Biglang sumugod si Pulgoso sa kanila na parang nauulol. Hindi ko nawalayan na naihagis ko na rin sa kanila ang sang ana agad nilang nasangga.
Parang naghalo ang balat sa tinalupan. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikipaglaban sa kanila at hinahagisan sila ng mga tipak ng bato.
BINABASA MO ANG
The Book of the Lost Love
FantasyAng pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa p...