Amanikable
Naging tahimik si Marian na kahit magsungit ay hindi na ginagawa.
Gaano niya ba kagustong makita ang Ama?
Wala namang pakialam sa kanya iyon, maliban sa sarili niya. Kung ipipilit niya ay pagbibigyan ko ba? Ako lamang yata ang nakakaalam kung saan ikinulong ni Aman Sinaya si Malakas. At hindi ko kayang buksan ang kulungan niya ng mag-isa.
Kung bakit kinulong ni Aman Sinaya si Malakas ay hindi ko alam. Ang bilin niya lamang sa akin ay huwag pakawalan. Naalala ko pa ang galit sa mukha ng diyosa noon. Sino ba naman ako para tanggihan ang hiling niya? Tutal, wala naman halaga sa akin si Malakas.
Ang ipinagpapasalamat ko, na kahit malungkot si Marian ay hindi nabawasana ng gana sa pagkain. Mauubos na yata ang mga hayop sa gubat sa dami niyang kumain. Marahil ay nakakagutom ang mag-isip ng mga bagay-bagay.
"May desisyon ka na?" tanong ko sa kanya nang umahon ako sa dagat. Nakaupo siya sa pampang at nilalaro ng alon ang mga paa.
"Ano ang kapalit?" tanong ni Marian.
"Ikaw—"
"Tinatanong ng akita. Huwag mong ibalik sa akin ang tanong."
"Ikaw nga ang kapalit. Nagagalit ka kasi agad, hindi ka muna making."
"Ako?" gulat pa na tanong niya. "Bakit ako? Ano ang gagawin mo sa akin?"
Nagkibit ako ng balikat. "Malungkot ang mag-isa."
"Walang bang sirena sa dagat?"
Natawa ako. "Malalansa sila."
"Totoo?" Namilog ang mga mata ni Marian.
"Hindi ka pa nakakita?"
Umiling si Marian.
"Huwag mo ng pangarapin. Masyaso silang tuso. Akala mo kay gaganda. May hasang naman."
Biglang tumaya si Marian. Nagliwanag na ang mukha. "Ang sama mo talaga. Wala ka bang hasang?"
Umiling ako. "Hindi naman talaga ako nararapat sa dagat. Itong si Aman Sinaya, bigla na lang akong iniwan."
"Kapatid mo?"
"Hindi ah," mabilis na tanggi ko. "Matagal ko na ngang hindi nakikita iyon. May utang pa sa akin na hindi ko pa nasisingil."
"Lahat sa iyo ay may kapalit," sumbat ni Marian.
"Nakakapagod kasing tumulong tapos sa huli ay magiging kasalanan mo. Kita mo ang ginawa mo. Hindi ba, sa huli ay ikaw din ang talo. Iniwan ka nila sa paghahanap sa Ama mo."
"Huwag mo ng ipaalala," may hinanakit na wika ni Marian. "Sumasama lang ang loob ko."
"Pag-isipan mo pa." Tumayo ako at pinagpagan ang mga buhangin na kumapit sa akin nang pigilan ni Marian ang braso ko.
"May pasya na ako. Ang nais ko lamang malaman ay ano ang gagawin ko? Magiging alipin mo ako?"
Naupo muli ako sa buhangin katabi niya. Marahil ay kailangan ko ng ilatag sa kanya ang mga nais ko.
"Hindi ka magiging alipin. Ako lamang ang tangi mong pagsisilbihan... sa lahat ng antas; sa lahat ng bagay."
"Alipin nga," bulong niya.
"Alipin ba ang tawag ng mga tao sa kabiyak?"
Napanganga si Marian at mabagal na tumingin sa akin. "Hibang ka ba? Kung inaakala mo na magiging kapalit ako ng aking Ina—"
Sumingasing ako at pinigilang matawa. "Malayo ka sa iyong Ina."
"Talagang malayo!" sigaw ni Marian. "Ayaw ko na."
Nagkibit ako ng balikat at muling tumayo. Muli rin akong pinigilan ni Marian at pilit na pinaupo.
Medyo masakit ang paghila sa braso ko.
"Wala bang ibang paraan?" naiinis na tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Wala naman akong ibang gusto pa sa mundo na ito. Kaya nga sabi ko sa iyo ay pag-isipan mo."
Hindi kumibo si Marian. Lumalapit na ang alon sa amin. Ang kaninang pa na nadadampian sa kanya ay umabot na sa kanyang mga binti.
"Kailan ko makikita si Ama?"
Napamulagat ako bigla nang magsalita si Marian. Ako naman ang hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Pumapayag ka na?"
"Basta huwag mo akong ikukumpara sa aking Ina sa oras na magkasama tayo kung hindi ay ibabaon kita."
Natawa ako sa banta niya. "Alam mo ang pinapasok mo ha?"
"Alam ko. Hindi ako mangmang. Magiging kabiyak kita. Basta hindi ako kumakain ng lamang dagat."
"Mabuti na lang ay diyos ako ng pangangaso, ano?" biro ko rito upang gumaan ang usapan. Inirapan ako ni Marian at niyakap ang basing binti.
"Marunong kang lumangoy?"
Umiling si Marian. "Kaunti lang. Natatakot ako sa malalim."
"Hindi ka naman malulunod. Kasama moa ko. Kailan nating sumisid sa dagat upang makita mo ang iyong Ama."
Biglang tumalim ang mata ni Marian ni nakatitig sa akin.
"Hindi ako ang nagkulong sa kanya." May kaunti akong hinanakit na naramdaman. Ganoon pa man, inizip ko na lang na nabulagan na siya ng mga sinabi ng ibang diyos at diyosa tungkol sa akin. Kailangan niyang magtiwala sa akin kung magiging kabiyak ko siya.
"Sino?"
"Si Aman Sinaya."
"Bakit?"
Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam. Hindi ko na inalam. Wala naman kasi akong pakialam."
Namawala ang matalim na pagtitig ni marian at napalitan ng pagkunot ng noon.
"Hindi ka naniniwala," saad ko.
"Hindi naman. Nakakapagtaka ng ana naniniwala agada ko sa iyo. Sa kaibuturan ng puso ko, alam kong hindi ikaw ang may gawa. 'Yon nga lang, wala ka ring ginawa para pakawalan siya."
"Mabigat ang bato na tumatakip sa kulungan niya. Baka ikaw ang hinihintay na magbukas niyon."
"Hindi nga ako marunong lumangoy," katwiran ni Marian.
"Kailan ba kita pinabayaan? Kahit na ang tingin mo sa akin ay kalaban, hinayaan na ba kitang mapahamak?"
Mabilis na umiling si Marian. Napaisip saglit.
"May isa lamang tayong kailangang gawin upang hindi ka mapahawak sa ilalim ng dagat?"
Nalukot muli ang magandang mukha nito. "Ano na naman iyon?"
"Kailangan na tayong mag-isang dibdib."
"Agad-agad?" naiinis na tanong nito. "Wala pa nga ang aking Ama."
"Kailangan mo ang aking proteksyon upang hindi ka kainin at lapitan ng mga pating."
"Kailangan na ring magtalik?"
Nangisi ako. "Kung nais mo."
"Gago," mabilis na wika nito ay nag-iwas ng tingin sa akin.
Siya kaya ang nagsabi no'n. Ako pa ang may kasalanan ngayon?
BINABASA MO ANG
The Book of the Lost Love
FantasyAng pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa p...