Kabanata 36- PARAISO SA ILALIM NG DAGAT

835 92 19
                                    

Amanikable

Bahala siya sa buhay niya. Ayaw niyang makining. Para siyang babae na mahirap kausap. Parang ang inutusan kong magbantay sa kanya noon, sa huli ay naging mahirap kausap.

Ganoon yata talaga ang lahi ng mga babae. Ang hindi ay oo sa kanila, ang ewan ay hindi. Ang oo ay hindi at oo sa magkaibang pagkakataon. Ang bahala ka ay huwag mong tangkain. Ano ba ang mahirap sa pagsasabi ng tapat?

At bakit ba nililigalig ako ni Marian? Kung ayaw niya, 'di huwag!

Mananatili ako sa ilalim ng dagat kung saan hindi niya ako tatangkaing sundan.

Na parang susundan ka nga niya, tukso ng isip ko.

Hindi natin masasabi sa babae. Kapag tapos ka na sa kanila ay saka sila natatauhan at humahabol.

Nilibot ko ang karagatan, pinuntahan ang bahagi na hindi ko pa napupuntahan noon. Sa ilalim na wala ni liwanag na matatanaw, wala ni bakas ng tao sa pinaka pusod ng karagatan. Tahimik ako naupo sa isang batuhan at... nagmukmok.

Hindi... hindi ako nagmumukkmok. Nagpapahinga ako. Ipinahinga ko ang isip ko at ang umasang damdamin na magbabago ang tao.

Magpapalamig ako dito sa ilalim ng dagat hanggang maging abo ang mga tao sa itaas. Wala na akong pakialam.

Hindi ko alam ang takbo ng oras dito. Mabilis, mabagal, huminto man ang oras, mananatili ako rito. Naglalakad sa lupang natatabunan ng tubig. Magpapahinga, Matutulog, kumakain tapos maglalakad muli. Hindi ako nagmamadali. Palalim ako nang palalim at muli ay makakatungtong ako ng lupa. Muli ay titigil ako at mauupo.

Sa lalim ng lugar na ito, hindi ko akalain na makakahanap ako ng yungib.

Yungib.

Hindi na bago sa akin. Noong nas alupa ako at nangangaso, madalas akong tumutuloy sa mga yungib. Minabuti kong bisitahin ang yungib na ito. Palalim muli ang pagpasok at may agos na tumangay sa akin. Pabilis nang pabilis habang pakipot nang pakipot ang daanan. Nagpatangay ako sa agos. Mga ilang sandal ay tumigil ang tubig at para akong nakalutang. Pagtingin ko sa itaas ay parang may liwanag akong nakikita. Imposible dahil walang umaabot na liwanag dito sa pusog ng dagat.

Unti-unti akong lumangoy paitaas. Inihanda ko ang salapang na hawak ko. Umahon ako hanggang mata. Pinagmasdan ko ang loob ng maliwanag na yungib.

Nakapagtatakang walang tubig sa loob. May hangin, mga puno at halaman. May maliit na talon na hindi ko alam kung tubig taang o tubig alat ang dumadaloy. Ang yungib ay may kalakihan at mukhang Paraiso.

"Amanikable," tawag ng isang lalaki sa loob.

"Sino ka?" tanong ko. Umahon akong naka-amba ang salapang.

"Ibaba mo iyan. Hindi ako kalaban."

"Sabi ng isang lalaking nas apusod ng dagat ngunit may yungib na paraiso."

"Hay, hindi ka pa rin nagbabago."

"Magpakita ka!" utos ko rito.

"Huwag mo akong utusan!" wika nito sa awtorisadong tinig.

Tumapak ang paa ko sa lupa. Naramdaman ko ang ihip ng hangin. Nakakapagtakang may maliit na mundo rito sa karagatan.

"Ano ba ang ginagaw amo rito at ginagambala mo ang pananahimik ko?"

"Ako ang dapat magtanong sa iyo. Ano ang ginagawa mo sa aking kaharian?" balik na tanong ko.

"Kailan ka pa naging diyos ng karagatan?"

"Nito lang," tuya ko rito.

Ibinagsak ko ang hawakan ng salapang sa lupa at naghintay ng pagpapapakita ng pangahas na nilalang.

"Diyos ka na ng karagatan? Paano ang pangangaso?"

Daming tanong. Daming alam.

"Kailangan ko bang sagutin ang lahat ng tanong mo bago ka magpakilala?" naiiritang tanong ko.

Natawa ng bahagya ang lalaki. "Sa tagal kong walang kausap, ipagpaumanhin mo ang marami kong katanungan."

Mula sa likod ng isang malaking puno ay lumabas ang isang lalaki na may tinutunggang bote. Dahil sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling ay hindi ko maaninag ang mukha nito ngunit malaking tao ito. Mataas ng kaunti sa akin. Halos kapantay ng bulto ng aking katawan.

"Sino ka?" tanong kong muli.

"Gusto mo ng alak? Mayroon pa yata ako nito," alok nito sa akin.

"Mamaya. Magpakilala ka muna."

Natawang muli ang lalaki. Lumakad ito palapit sa akin. Inihanda kong muli ang salapang.

"Hindi na kailangan dumanas ng dugo, Amanikable."

Nang malapit na sa akin ang lalaki ay doon ko ito namukhaan. Kulang ang salitang gulat ng makilala ko siya.

"Bathala!"

"Shh, huwag kang maingay. Gusto mo?" alok nito sa akin sa kalahating bote ng alak na hawak nito.

"Ano ang ginagawa mo rito?" manghang tanong ko.

"Ikaw, ano ang ginagaw amo rito? Ginugulo mo ang nananahimik kong mundo."

Tumalikod si Bathala at naglakad papunta muli sap uno. Mabilis ko siyang sinundan.

"Hinahanap ka nila," wika ko sa kanya nang makaagapay ako sa paglalakad.

"Wala akong pakialam," mapaklang sagot nito.

Parehas tayo, Bathala. Parehas tayo.

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon