Kabanata 8- KASUNDUAN

954 95 21
                                    

Amanikable


Matagal-tagal na rin buhat nang umahon ako mula sa dagat. Ang dating nasasakupan kong mga kagubatan ay mga siyudad na ngayon. Maingay at matao.

Tintingnan ako ng mga tao at kusa silang umiiwas sa akin. Sa tangkad at laki ng katawan ko, ang binibulong nila ay 'Kano.'

Hindi sana ako aahon kung hindi lang ako naenganyo na making kay Sitan at sa kanyang mga sasabihin. Hindi ko sana pagbibigyan kung hindi lang nagpakita si Maganda.

"Aman," bati ni Sitan.

"Sa daming maaring puntahan upang magpulong, sa matao pa talaga," wika ko kay Sitan. Nakangisi ito at nakipag-kamay sa akin.

"Ano iyang suot mo?" tanong ko rito.

"Damit... sa panahong ito. Bagay ba?"

Napailing n alang ako.

Hindi kaya nakatingin sila sa akin ay dahil sa damit ko?

"Salamat at pinaunlakan mon a rin ang paanyaya ko," simula ni Sitan.

"Ano ang kailangan mo?"

"Ang sumapi sa akin," deretsong sgaot nito.

"At bakit ko gagawin?"

"Dahil nasa kalaban si Maganda," wika niya habang nakangisi. "Nakita mo na, hindi ba?"

Hindi ako kumibo at nagpakita man lang ng kahit anong reaksyon.

"Nakaharap mon a ba sila?"

"Ano ang kapalit ng paghingin mo sa akin ng tulong?" maagap na tanong ko kay Sitan.

"Tsk..tsk.. Aman, pareho nating kailangan ang isa't-isa. Aminin mo, kailangan mo ako."

Ako naman ang ngumisi. "Hindi mo sila matagpuan kaya kay lumalapit sa akin."

"Ikaw ang diyos ng pangangaso bago ka naging diyos ng dagat, kaya mo silang hanapin at kaya mo naman silang iligpit bago pa nila mapalaya si Bathala."

"Wala akong pakialam kay Bathala. Gusto kong makaganti."

"May iisa pala tayong pakay. Gusto kong mapatay ang naiwan kong anak na nasa pangkat nila. May kasunduan ba tayo, Aman?"

"Anak mo pala ang mapangahas na nagpapakawala ng apoy. Bakit nasama sa mga payaso?"

"Anak ko dati... dati." Pinakadiin ni Sitan ang salitang dati. "Sa akin si Juan, ako ang kikitil ng buhay niya, malinaw?"

Nagkibit ako ng balikat. "Tanging si Maganda ang pakay ko."

"Mabuti. May kasunduan na tayo?" Inilahad ni Sitan ang kanyang kamay at hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon.

Bumalik ako sa dagat na may iisang layunin... ang pumunta sa siyudad at hanapin ang pangkat nila Sidapa.

Gabi nang umahon ako mula sa dagat ng Maynila. Akala ko ba ay nalinis na ito? Samu't sari na namang mga basura ang nabungaran ko. Hindi ko alam kung bakit ganito karumi ang mga tao. Dapat ng ayata ay hayaan sila at hindi na sinasagip pa. Kung mawawala ang kalahati ng lahi nila, babalik marahil ang ganda ng kalikasan.

Mga tao— mararamot, sakim... makasarili. Hindi dapat binubuhay pa ang mga ito.

Sa kadiliman ng gabi, nandito ako sa pampang at nagtatanggal ng basura na dumikit sa katawan. Tampalasang mga nilalang at ang kanilang kasalaulaan. Hinubad ko ang damit na ginagamit ko sa dagat at nagpalit ng damit panglupa. Sa 'di kalayuan ay may sumisipol sa akin habang nagbibihis ako.

"Psst... pogi, wampipti," sabi nito.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa.

"Pogi... tuhandred, mukha ka namang yummy," pagpapatuloy nito. Mula sa tinatatayuan ko ay naamoy ko ang lansa niya. Parang isdang bilasa.

Lumapit ito sa akin nang nagsusuot na ako ng kamiseta. Huwak siya sa braso ko at pinisil-pisil ito.

"Hang tigaaassss," ani niya. "Paybhandred, huling tawad saka magaling akong maglollipop."

Sa malapitan ay nakita ko ang malaking lalagukan nito. Malaki pa sa santol noong nangangaso pa ako.

Mapagpanggap.

Isang suntok ang pinakawalan ko at tinamaan ito sa panga. Napabitaw ang mapagpanggap na lalakki sa akin at saka umatungaw ng iyak.

"Walang hiya ka... Walang hiya ka. Malansa ka naman. Bakla ka siguro na nagtatago sa malalaking muscle mo."

"Putanginamo, ikaw ang mas malansa." Isang sipa pa ang pinakawalan ko at umiyak muli ang nagpapanggap na babae.

Hindi ko maintindihan ang mga kalsada dito. Parang hindi humihinto ang mga sasakyan. Aspaltado nga, mabasura naman. Naiinip akong naghintay kung kailang hihinto ang mga sasakyan at nang mainip ako ay hinayaan ko na sila. Tumawid ako nang walang lingon-lingon. Nagbusinahan ang mga sasakyan. Ang mga nakapangga sa akin ay nayupi. At ang nakabangga sa akin ay nabangga ng nasa likod niya at nang nasa likod ng kalikod-likuran.

Tungayaw at busina ang mga narinig ko. May ilang nagsibaba ng kanilang sasakyan ay mukhang maghahamon pa ng away ngunit bumalik sa loob ng sasakyan nila nang makita ako.

Parang walang nangyari at lumisan ako sa nagkabanggaan sa lansangan. Naglakad ako sa makikipot na daan upang hanapin ang Tondo... dito ako magsisimulang maghanap sa kanila. Hahanapin ko ang salamangkerong si Lakandula. 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon