Kabanata 9- 'POCUS'

1.1K 111 19
                                    

Marian


"Kakainin mo pa ba 'yang kanin mo?"

Aba, nagsasayang ng pagkain itong asawa ni Sidapa na ito.

"Gusto mo ba?" tanong niya. Malakas lang sa ulam pero parang pusang kumain ng kanin.

"Akin na nga." Kinuha ko ang kapirasong kanin na hindi ginalaw ni Jelie sa pinggan.

"Lugi ang mukbang kay Marian," narinig ko pang sinabi ni Jake. "Ayaw na tayong pansinin ng taga-bigay ng kanin. Akala ko ba unlimited rice ang Mang Inasal?" natatawang tanong niya pa.

"Gusto mo pa bang kanin? Wala pang kalahati ang nababawas mo sa ulam mo pero tinataguan na tayo ng taga-bigay ng kanin." Nakatingin si Jelie sa akin habang kumakain ako.

Dalawang subuan ko lang ang kanin na binibigay nila. Ang liit ng takalan.

"Jake, labas mo na ang mic mo," ani ni Jelie at saka sila nagtawanan.

"Extra rice pa po," malakas na wika ni Jake. Patuloy sila sa tawanan at maging ang malalapit sa amin na kumakain ay nagtatawanan na rin. "Extra rice po kami dito, huwag ninyo kaming pagtaguan. Gutom po kami."

Mukha naman silang busog na. Tapos na nga silang kumain.

Patuloy sa pagtatawag si Jake hanggang may lumabas na taga-bigay ng kanin.

"Sir, 'eto na po pero last na 'yan. Naka-sampo na kasi ang kasama ninyo," ani nito.

"Akala ko ba unlimited rice dito?" walang ngiting wika ni Jake sa hawak nito.

"Kasi Sir, ang lakas kumain ng —"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Tinapik ko ito sa likod ngunit nasubsob naman ito sa mesa.

"Putangina," ani ng tagabigay ng kanin sa akin.

"Naku, pasensya na, malakas lang talaga iyan tumapik." Tinulungan ni Jake na tumayo ang lalaki.

Hindi ko mawari kung masama ang tingin niya sa akin o namamangha.

Patuloy sa tawanan si Jake at Jelie habang pabalik kami sa bahay nila Bunao. Ang hirap palang kasama ng dalawang ito, panay kabag ang aabutin nila sa kakatawa.

"Bilis ninyong nakabalik," pun ani Bunao sa amin pagpasok namin sa bahay nil ani Marikit.

"Sumuko ang Mang Inasal," wika ni Jake. Patuloy sila sa pagtawa.

"Pinagtaguan na kami ng extra rice," dagdag pa ni Jelie.

"Busog ka na, Marian?" nakangiting tanong ni Kit.

"Ayos lang," sagot ko naman.

"Taena, naka sampong extra rice ka, gutom ka pa no'n?" Hindi ko alam kung nang-aalipusta itong si Jelie kung makatanong.

"Ang liit ng kanin nila," angal ko.

"Hindi mabubusog si Marian kung hindi tatlong kilong bigas ang iasasaing para sa kanya," paliwanag ni Lolo sa kanila.

Naiinis ako sa pagtawa ni Jelie kaya hindi ko na siya pinansin at tumabi na lang kay Amihan. Mayroon silang mapa na nakabukas sa mesa. Mukhang naghahanda na sila s apagpunta sa Kanlaon.

"Kailan tayo pupunta?" tanong ko na lang upang maiba ang usapan.

"Bukas," wika ni Sidapa.

"Handa ka na, Marian?" tanong ni Carol sa akin. "Makikita mo na ang tatay mo."

"Hindi ko alam ang mararamdaman." Hindi ko alam ang pakiramdam ng may magulang.

"Guys, wait... nakita ninyo ang news?" Biglang sumigaw si Jelie habang hawak ang telepono nito. Inilapag niya iyon sa mesa at dumukwang kaming lahat sa maliit na telepono.

Naroon si Amanikable sa pinapanood niya at nagwawala.

"Lakandula..." sigaw nito.

"Luh, bestfriend hinahanap ka."

Ewan ko ba kung bakit ako nabu-bwisit sa lalaking iyan. Nangangati ang kamay kong masuntok siyang muli.

"Nasa Tondo siya," saad ni Bunao.

"Kukuyugin siya doon, hayaan natin siya," sagot ni Zandro.

"Maraming tao ang masasaktan," pagdiin ko.

"May kailangan tayong unahin, Marian," pahayag ni Sidapa. "Matigas ang ulo ni Amanikable. Hayaan mong matutunan niya ang mga bagay sa mahirap na paraan."

"Gusto yatang maging daing itong shokoy na ito," ani ni Jelie at kinuha ang telepono niya.

"Hindi niya matutunton ito," pahayag ni Bunao.

"Ilabas ninyo ang salamangkerong si Lakandula."

Natawa ng malakas si Jelie sa pinapanood. Inulit-ulit niya ang sigaw ni Amanikable.

"Ilabas ninyo ang salamangkerong si Lakandula."

"Ilabas ninyo ang salamangkerong si Lakandula."

"Ilabas ninyo ang salamangkerong si Lakandula."

"Itigil mo nga—" sigaw ni Bunao.

"Salamangkero ka raw," natatawang wika ni Jelie.

"Nakakatawa 'yon?" naiiritang tanong ni Bunao.

"Oo," sagot ni Jelie. Maging ang ibang kaibigan nila ay natatawa. Maging ang asawa ni Bunao ay tumatawa. "Yaan mo babawian natin 'yang shokoy na iyan. Iisip tayo ng come back."

"Pocus na tayo," wika ni Bunao.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Ano raw?" tanong ni Kit.

"Pocus with capital P," sagot ni Carol.

Napabuntong hininga na lang si Bunao nang nagtawanan sila.

Para silang mga bata na laging dianadaan sa tawanan ang lahat. Mgaing ang tatlong diyosa ay napapatawa nila. May pag-asa kayang mahanap si Bathala kung lahat ay parang laro lamang sa pangkat na ito? 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon