Kabanata 5- PESTENG YAWANG SI POLGOSO

946 101 31
                                    

Marian


Nang matapos kaming kumain, medyo nawala ang sumpong ko. Naintindihan ko na ng kaunti ang dalawang matanda kung bakit sila natutuwa na narito ang mga ito.

Mga diyos at diyosa sila at bisita namin sa maliit na kubo.

"Lola, may tanong ako—" Nagtaas pa ng kamay si Jelie para maagaw ang pansin ni Lola. "Bakit young looking pa rin si Marian kung anak siya nila Malakas at Maganda? 'Di ba dapat matanda na rin siya o wala na dapat? Kasi 'di ba... matagal na panahon na iyon."

Nagkatinginan ang dalawang matanda.

"Ngayon lang ako lumaki." Ako na ang sumagot. Akon a nga ang magpapaliwanag. "Nanatili akong sanggol buhat ng ipanganak. Ngayon lang ako nagdalaga sa panahon na ito."

"Nabanggit ninyo kanina na bawal kang umalis sa isla." Hindi pala nakalimutan ni Carol. Tahimik lang siya pero ang nagmamasid-masid din pala.

"Mapapahamak siya kapag nahulog siya sa dagat. Hindi siya marunong lumangoy," pagsisinungaling ni Lola. Marunong akong lumangoy, s abatis nga lang.

"May floating devices na po ngayon," sabat agad ni Jelie. "Saka portal madalas naming gamitin."

Nagkatinginan muli ang dalawang matanda.

"Natatakot ang mga tagapangalaga ko na ako ang gantihan ni Amanikable."

Natahimik ang lahat sa sinabi ko maliban sa dalawang matanda na napasinghap. Akala nila ay hindi ko alam.

"Aman pulo lang alam ko, sino si Aman... Aman... kaloka namang pangalan, wala bang second name 'yon?" Natatawa ang ilan kay Jelie ngunit seryoso ang mukha nito. Ang laking pagkakaiba ng ugali nito sa diyos ng kamatayan na tahimik lamang.

"Diyos ng dagat," paliwanag ni Bunao. "Nakita namin no'ng isang araw."

"Hindi ba ironic na nakatira ka sa isla pero malapit ka sa panganib ni Amanikable?" tanong ni Amihan.

"May panangga ang isla at hindi ako maaring tumawid doon. Kung tatawid man ako ay hindi ako maaring mabasa ng tubig dagat."

"Wait langs... bakit galit sa'yo si Aquaman?" tanong ni Jelie.

"Kaya pala wala sa mapa ang isla na ito," wika ni Carol.

Hindi ko sinagot si Jelie na labis na ikinakunot ng noo nito.

"Pero kailangan kasi namin ang tulog mo na mapakawalan si Malakas," pahayag ni Zandro.

"Juicekuh, wala man lang pumansin sa tanong ko. Bakit galit si Aquaman sa kanya?" pag-uulit ng tanong ni Jelie.

Nawala sa isip ko si Polgoso dahil sa mga tanong ng bisita na ito. Hindi ko maramdaman ang presensya niya.

"Si Polgoso?"

Napatingin ako sa paligid ngunit wala ang pesteng yawa na aso na iyon. Minsan talaga pakiramdam ko espiya siya.

"Pulgoso," sigaw ko. Naririnig ko siya sa kung saan ngunit hindi ko matanaw. Tumayo ako at iniwan ang mga bisita. Sinundan ako ni Lolo at nakitanaw rin sa pampang.

Naririnig ko ang tahol niya. Bigla akong kinabahan.

"Ay, tanginang aso mo na iyan. Pulgoso," sigaw ni Lolo.

Natanaw ko si Pulgoso na nasa dagat. Nagmamadali si Lolo na lumusong sa dagat at lumangoy ng mmabilis sa abot ng makakaya nito. Nasa hangganan si Pulsogo ng panangga at kinakagat ang kawayan nagsisilbing sabitan ng panangga ni Lolo.

"Pulgoso," sigaw ko.

Lumapit ang mga bisita sa amin at tinanaw ang nangyayari sa dagat.

"Kuhanin ninyo ang aso na iyon," utos ko sa kanila.

"Aso ba 'yon? Akala ko oso," wika na naman ni Jelie.

"Pulgoso, huwag mong sirain 'yan."

Hindi yata nakinig ang damohong aso. Si Lolo ay natigilan sa paglangoy at mabilis bumalik sa pampang. Si Pulgoso ay lumangoy rin na may kagat-kagat.

"Takbo," sigaw ni Lolo habang paahon sa dagat. "Takbo, Marian."

Bakit?

Biglang lumakas ang alon. Napaatras kami maging ang mga bisita. Si Lolo ay hinihila ako palayo sa pampang. Si Pulgoso ay masayang umahon sa dagat at ibinigay sa akin ang kagat-kagat.

Ang isa sa mga panangga. Tanga ka talagang aso ka.

Isang malaking alon ang paparating na halos tumabon na sa araw. Tumakbo kami papalayo ngunit ang alon ay parang may sariling isip. Humupa ito ng kaunti at niluwal ang isang lalaki.

Hinarangan nila Sidapa, Bunao, Jake, Zandro at Soliman ang bagong ahon na lalaki.

"Tabi—" Umalingawngaw ang boses ng lalaki sa buong isla.

Napatigil ako sa pagtakbo palayo. Bakit ako tumatakbo palayo kung pwede kong pabalikin ito kung saan siya nagmula.

"Tara na," wika ni Lolo sa akin.

Pumikit ako ng mariin at tumalikod. Bumalik ako sa pampang na parang may matibay na plano.

"Sino ka?" tanong ko sa bagong dating na lalaki.

Napatingin siya sa akin. Matangkad ito, malaki ang katawan, mahaba ang buhok at balbas at may asul na mga mata— kasing asul ng dagat. Nagtagis ang mga bagang nito nang makita ako.

Umalingawngaw muli ang isang malakas na sigaw galing dito.

Tinabig ako papalayo ni Bunao, pinipilit akong umalis mula rito. May mga ugat ng puno na lumabas sa buhanginan na gumapos sa lalaki. Ipinagpapalagay kong ito si Amanikable. Buong puot itong nakatingin sa akin. Nagpupumiglas sa pagkakasakal sa katawan niya ng mga ugat at baging.

"Anong kapangyarihang itim ang ginawa ninyo at nabuhay pa 'yan," sigaw niya.

"Aman—"

"Binuhay mo!" sigaw nito kay Sidapa.

"Patay na si Maganda. Anak niya—"

"Sinungaling!" sigaw nito kay Sidapa.

"E 'di bahala ka sa gusto mong paniwalaan," sagot ni Sidapa at saka tumalikod. Humarap ito sa akin at saka nagsalita, "Umalis ka na rito."

Nanlaki ang mata ko nang makawala si Amanikable sa mga ugat at baging. Nakatalikod si Sidapa at hindi siya napigilan nila Bunao o kahit ang apoy na ginawa ni Jake. Inabot ni Amanikable si Sidapa at sinuntok ito sa batok. Halos bumaon sa buhangin si Sidapa.

"Dodong!" sigaw ni Jelie.

Ang bilis ng mga pangyayari. Sobrang bilis kumilos ni Amanikable kahit malaki ito. Napuno ng bubuyog ang paligid at dumapo ang mga ito kay Amanikable. Nabalutan siya ng mga bubuyog na ayaw siyang lubayan lalo na ang mukha niya.

"Maganda... bakit nabuhay ka pa!" sigaw nito sa kabila ng mga bubuyog na nasa mukha.

"Hindi ako si Maganda. Ako si Marian," wika ko. Binalot ako ng galit sa hindi ko mapaliwanag na dahilan. Hindi ko na nakuhang mag-isip, basta lumipad ang kamao ko. Naramdaman ko ang pagtunog ng mga buto ko. Tumama ang kamao ko sa leeg ni Amanikable at para siyang papel na lumipad mula sa pampang papuntang dagat. 

-------

A/N

isa lang. tinatamad akong magsulat. 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon