Kabanata 33- ANG AGAM-AGAM

801 115 26
                                    

Marian

Napuno ng buhangin ang paligid. Parang may sariling buhay ang mga ito na ikinukulong ako. Maalikabok at parang may usok na pumalibot sa akin at napakahirap huminga.

"Nagsawa na agad si Amanikable?" nanunuyang wika ng boses ng babae. "Sa bagay, sawain ang is ana iyon."

Aman Sinaya?

"Sino ka?" tanong ko kahit may kutob na ako. Umuubo-ubo ako na parang batang kinulang sa aruga. Ang alikabok sa paligid ay nagpapahirap sa aking huminga.

"Sino nga ba ako? Isang diyosang natanggalan ng kaharian. O bakit kay bilis mong lumimot, Marian?"

Lumitaw si Sinaya sa harapan ko na nanlilisik ang mga mata. Isang sampal ang pinakawalan niya sa pisngi ko. At dahil hindi ako handa, napasubsob ako sa buhangin. Puno ng buhangin ang bunganga ko.

Pwe! Pwe!

"Hindi ka naman pala kalakasan," tuya muli ni Sinaya. Wala na siya nang makatayo ako.

Sinusumpa ko ang buhangin na ito. Hindi ako makahinga ng maayos, hindi rin ako makakita.

"Ano ang nakita sa iyo ni Amananikable?"

"Ugh, ganda?" nang-iinis na sagot ko. "Kamukha ko raw ang aking ina." Nagkibit ako ng balikat. Inihanda ang sarili sa susunod na pagsalakay ni Aman Sinaya.

Ano ba ang nakain nito at galit na galit sa akin?

"Kamukha nga ba? Medyo Malaki ang noo mo!" tuya muli nito.

"Dahil mas matalino ako." Parang naririnig ko si Jelie sa isip ko na sumasabat.

Ganda lang ang meron siya? Pabigat si Maganda.

"At hindi ka makinis."

Napaikot ang mga mata ko kahit napupuwing.

"Oo na, may kaliskis ako. Nahawa ako sa diyos ng karagatan. Ay, baka sa iyo... nalilito na rin kasi ako. Sino ba talaga ang may hawak ng karagatan? Pero baka nga ang asawa ko dahil may bughaw na bato ako sa kamay ngayon."

"Ipinagyayabang mo na iyon?" natatawang tanong ni Sinaya.

Muli ay lumitaw siya sa aking harapan ngunit nasangga ko na ang kanyang kamay. Mabilis siyang umiwas at lumayo sa akin.

"Hindi ka mahal ni Amanikable!" singhal niya sa akin.

"Ay, ginagamit ko lamang siya para sa kanyang malalaking braso."

At sa kanyang katawan. Naririnig ko talaga ang boses ni Jelie na parang tinuturuan akong sumagot ng pabalang.

"Ano ba ang kailangan mo? Kailan ka ba naging diyosa ng alikabok?" tanong ko kay Sinaya.

"Matalas ang dila mo ha!"

Hindi kasing talas ng sandata—

Jelie, tumigil ka muna sa imahinasyon ko.

"Hindi ka mahal ni Amanikable!"

"Eh 'di, hindi! Diyos na mahabagin, iyon ba ang ikinagagalit mo?" maang na tanong ko kay Sinaya.

"Hangal!" sigaw niya at muling lumitaw sa harapan ko. Nasangga ko ang kamay niya at sinubukang suntukin ngunit mabilis si Sinaya. Para siyang tubig na bigla na lamang dumudulas sa pagkakahawak ko.

Gaano man ako kalakas, hindi naman ako kasing bilis niya. Ilang beses akong tinatamaan ni Sinaya ngunit hidni ko siya mahuli. Parati siyang nkakaka-ilag.

Nakakabusit.

Duguan na ang ilong ko nang muli akong tumayo.

"Marahil ay naninibugho ka!" Kung hindi ko siya masuntok man lamang, baka sakaling atakihin siya s apuso kung magagalit ng todo. Iyon ay kung may puso nga ito.

"Naninibugho ka dahil may pagtingin ka kay Amanikable."

Walang sumagot. Unti-unting humupa ang nagngangalit na mga buhangin. Naging tahimik ang paligid.

Marahil ay may tinamaan ako.

Nakatayo si Aman Sinaya sa harapan ko, may ilang dipa ang layo sa akin. Nangingintab ang kayumanggi niyang balat dahil sa pawis. Ang mahaba niyang itim na buhok ay nililipad ng hangin.

"Ano ang mayroon sa inyong mag-ina!" wika nito. Hindi tanong kung hindi may diin sa huli.

"May pagtingin ka—"

"Na hindi nasuklian. Tama ka," pagtatapat ni Sinaya.

Hindi ako nakakibo. Ano ang sasabihin ko sa kanya?

"Ang sabi ng mga mapanibughong mga tao, yakapin mo ang iyong kaaway. Ilapit mo at huwag pakakawalan. Ngunit nabuo ang pagkakaibigan naming ni Maganda sa kabila ng hindi tunay ang pakikitungo ko sa kanya noon una. Handa akong magparaya, sumaya lamang si Amanikable. Handa akong manahimik at mahalin siya sa malayo kapiling ni Maganda."

"Nagkakamali ka," sabat ko sa sinasabi ni Sinaya. "Hindi kalian man minahal nI Amanikable ang aking ina."

"Wala ka roon upang masabi iyan."

"Ngunit naniniwala ako kay Amanikable, Sinaya."

"Isa ka ngang hangal upang maniwala. Hindi mob a nakikita ang galit ng iyong Ama sa kanya?"

"Nabubulagan kayo ng paninibugho ni Ama. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nakakasakal. Ang tunay na nagmamahal ay nagtitiwala."

Natahimik muli si Sinaya. Nanahimik na rin ang mga alikabok sa paligid.

"Nagmamahal ka kaya ka nagtitiwala," saad nito. Ako naman ang hindi nakakibo. "Alam mo bang kakampi ni Sitan si Amanikable? Alam mo bang nakipagsabwatan siya kay Sitan upang paslangin ang mga tinuturing mong kaibigan?"

Hindi ako nakakibo.

"Sinabi rin ba sa iyo ni Amanikable na papatayin ka rin niya gaya ng pagpatay niya kay Maganda?"

"Ano ang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko. "Nababaliw ka na. Hindi magagawa ni Aman—"

"Gaano mo siya kakilala upang magtiwala ka ng buo, Marian? Iniligtas kita noon kay Amanikable, ngunit hindi kita ililigtas ngayon. Hindi ka dapat nagtitiwala. Ang asin ay mukhang asukal kung minsan gayong kilala mo pareho ang mga iyon. Paano pa ang isang diyos na bigla na lang dumating sa buhay mo? Aalis ko at sa muling pagkikita natin, hindi na ako mangingiming paslangin ka."

Nawala si Sinaya at naiwan akong naguguluhan. Umalis siyang tangay ang kapayapaan sa puso ko. Ngayon ay puro tanong at agam-agam ang narito sa akin.

Mali ba ako na nagtiwala kay Amanikable?

--------------

A/N

Wow, ang tagal ko ng walang AN. HIndi naman kasi nababasa ng karamihan ehehehe.

Ma-enjoy nyo sana ang story. Alam kong mabagal akong mag-update ngayon pero sana huwag namang "Update pls" lagi ang nababasa ko.

Sana ma-enjoy ninyo ang update.

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon