Kabanata 24- DIYOS AT DIYOSA NG KARAGATAN

800 99 27
                                    

Amanikable


Habang nagkakagulo sila kung paano sila pupunta sa ilalim ng dagat nang hindi nalulunod o nakakain man lamang ng pating, pinuntahan ko ang napakagandang kulungan ni Aman Sinaya.

"Sinaya—" tawag ko habang kinakatok ang matibay na adobe na umusli mula sa lupa. Ayos, may mga tinik pa ng halaman, baging ng ugat ng puno, buhangin, lupa, at ma bubuyog na rumoronda.

"Tampalasan kayo!" sigaw niya sa loob.

Natawa ako ng bahagya at naupo sa buhangin. Nakatingin ako sa gawi nI marian na walang pakialam sa nagkakagulong mga bisita. Basta siya ay kumakain. Napailing ako habang nangingiti.

"Wala akong kinalaman—"

"Lagi ka na lang walang alam. Akala mo ay hindi nakarating sa akin na nakipagsabwatan ka kay Sitan."

Nakalimutan ko na nga 'yan.

"Saan ka ba nagpunta, Sinaya? Bakit ngayon ka lang bumabalik tapos para ka pang delubyo na nagagalit."

"Hindi mo napakawalan si Malakas, ano?" tuya niya.

Hindi ako kumibo habang tumatawa si Sinaya.

"Nasaan ang pagkamuhi mo, Aman? Huwag mong sabihing sa isang iglap ay nagbago ka?"

Napabuntong hininga ako.

"Nasaan ba si Amantisaurous? Bakit tayo lang ang nagkakagulo dito?" malakas na tanong ni Jelie mula sa kubo.

"Hindi ka ba napapagod na mamuhi, Sinaya?"

Natigil sa pagtawa si Sinaya sa aking tanong.

"Ang tagal na panahon na no'n," dagdag ko.

"Isa ka ngang hangal upang isipin iyan. Gaano man kahaba ang panahon na dumaan, hindi ako madaling makaka-kalimot."

Muli ay napabuntong hininga ako. Walang mangyayari sa pakikipag-usap ko na ito. Kasing tigas ng adobe ang loob ni Aman Sinaya.

"Nasaan si Bathala?"

"Hindi na ninyo matutubos ang sanlibutan. Alam kong alam mo iyan. Mula sa pagkakalbo ng iyong kagubatan hanggang sa pagdumi ng aking karagatan, ano pa ang inyong isasalba? Ang tanging paraan ay lipulin sila upang manumbalik ang dati. Noon... noong panahong iilan lamang ang tao."

"Hindi tayo ang magpapasya niyan."

"At bakit hindi?" galit na tanong nI Aman Sinaya. "Kasing tanda ko ang sanlibutan, kasabayan ni Bathala at Amihan at ni Sidapa na dapat ay nasa balanse lamang ng buhay. Magsasayang ka lamang ng panahon. Panoorin mo na lamang ang pagkawasak ng tao. Doon naman sila magaling, ang sirain ang lahat ng maganda na inalay sa kanila."

"Magluksa ka Aman Sinaya, kung kinakailangan. Sa tagal na kinimkim mo ang galit, baka ang puso mon a dati ay busilak ay naging bato na."

"At ang iyo ay yumayabong, gano'n ba?" nanunumbat na sagot niya.

"Amanikable," tawag ni Marian na ikinalingon ko sa kanya. Nakakunot ang noo nito.

Ano ang ginagawa mo diyan? tanong ng isip niya.

"Aalis na ako, Aman Sinaya. Magkita tayong muli sa panahong hilom ka na."

'Magkikita tayong muli, Amanikable. Sana ay pumili ka ng tamang papanigan."

Napailing ako.

Tumayo ako at tinungo si Marian.

"Tapos ka ng kumain?"

"Tapos na—"

"May natira ba?" biro ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at lumingon sa mesa.

Mukhang walang natira.

"Ano na nga ang gagawin?" naiinis ng tanong ni Amihan.

Napatingin sila sa amin ni Marian pagkatapos ay sa mesa.

"Putangina, nasaan ang mga manok?" tanong ni Jake.

Nagpipigil ako ng tawa.

"Kinain mong lahat?" may panunumbat na tanong ni Jelie kay Marian.

"Ugh, hindi pa kayo kumakain?" nakuha pang tanungin ni Marian. Parang nalugi ang mga kasama niya na malakas kong ikinatawa. Parang natatarantang lumingin sa akin si Marian.

"Grabe, naubos mo 'yong limang manok?" sumbat ni Jake sa kanya.

"May kanin pa ba?" tanong ni Zandro.

"Aman—" Hinila ni Marian ang damit na suot ko. "Panghuli mo na lang silang isda."

"Kung hindi Lapu-Lapu ang mahuhuli, huwag na tayong mag-usap!" angal ni Jelie.

"Alimango gusto ko!"

"Talaba!"

"Pilantik!"

"Lobster!"

Kanya-kaya sila ng sigaw ng gusto nilang pagkaing dagat na parang utusan ako.

Dilis kaya ang ipakain ko sa mga ito?

Natawa si Marian ng bahagya nang marinig sa isipian niya ang sinabi ko.

"Caviar!"

Napatingin ako sa walang hiyang taga-bantay ng tarangka.

"Hindi ka ba pinapakain ni Sidapa?"

"Baka mahiya ka kapag nalaman mo kung ano ang madalas kong kainin kay Sidapa," sagot nito.

Pinaghahampas ito ng mga kaibigan habang tawa nang tawa ang ilan. Si Sidapa ay nakatingin lamang sa kabiyak at walang imik.

Nakakatawa 'yon?

"Sige na, baka sumbatan na naman ako sa kinain ko. Mag-uusap tayo pagbalik mo," mahinang taboy ni Marian sa akin.

"Bakit ba kasi gutom ka?"

"Kape lang ang nainom ko kanina, aba!"

"Ano ang pag-uusapan natin?"

Mamaya, wika ni Marian sa isipa habang umiiling. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nakatingin siya sa umpukan ng 'kulungan' ni Aman Sinaya.

"Huwag mong ligaligin ang isip mo sa kanya. Hindi naman kita pababayaan."

HInawakan ko ang mukha ni Marian at dahan-dahan iniharap sa akin. Ang tukson dila niya ay binasa pa ng kaunti ang kanyang labi— bagay na nais kong gawin.

"Eherm... eherm."

Parang napapaso si Marian na bumitaw sa pagkakahawak ko at umatras ng isang hakbang.

"Gutom na kami," angal ni Amihan.

"Kayo kaya ang manghuli? Istorbo kayo e. Kakaisang dibdib pa lang namin. Nagpupulok-gata pa dapat kami."

"Kami rin, pero 'andito kami. Hindi lang ikaw ang walang honeymoon," sumbat ni Jelie. Tinuro niya ang sarili niya at si Adarna at si Tala. "Kaya bilisan mon a at nagugutom na kami. Para makapag-meeting na rin. Juicekuh Marian, ginawa mong Mang Inasal ang tanghalian natin." 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon