Marian
Nakagapos ako ng mga ugat ng puno sa isang malaking tipak ng adobe na hindi ko alam na maari nilang tawagin at palabasin mula sa lupa. Si Pulgoso naman ay nawalan ng malay ng sabuyan ng kulay luntuin na arina.
"Sino ba kayo?" may galit na tanong ko sa kanila.
"Sa lahat ng pagkakamali mo, Jelie, ito ang mukhang tama."
"Salamat Jake sa iyong passive aggressive na comment. Hindi ko alam na ang panunuya mo ay kaya mong gawing complement. Ang galing galing mo rin talaga," sagot ni Jelie na ikinatawa ng tinawag nitong Jake.
"Ikaw ba ang anak ni Malakas at ni Maganda?" tanong ng nagpakilalang Sidapa kanina.
"Hindi—"
Napatingin sila sa mga batong hindi ko kayang yakapin dahil sa laki ngunit naibato ko sa kanila.
"Ako si Mayari, ito ang kapatid kong si Hanan at Tala."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita.
"Siya si Sidapa, si Bunao at ang asawa ni Tala na si Soliman. Kilala mo marahil si Amihan, ang diyosa ng hangin? Si Jake ang kaibigan namin at anak ni Sitan at ang kabiyak niyang si Adarna. Heto si Zandro at Carol at si Jelie na kabiyak ni Sidapa."
"Marian ang pangalan niya sabi niya kanina. Marian Park kung anak nga siya ni Gandara," sabat ni Jelie. "Hindi ka namin sasaktan."
"Kaya pala nakatali ako," mapaklang sagot ko.
"Well, hindi naman sa kinakampihan ko ang Avengers Team, pero binato mo kami ng adobe," sagot ni Jelie.
"Pakawalan ninyo ako!" Tanging mukha ko lang ang walang ugat ng puno na nakatali sa akin.
"Anak ka ba ni Malakas at ni Maganda?" ulit ni Sidapa.
"Obviously na malakas siya," wika ng babaeng Carol yata ang pangalan.
"Pasipat nga kung maganda," wika ng Jake. "Ahh maganda nga, madungis nga lang."
"Bakit kayo nandirito?"
"Hinahanap namin ang anak ni—"
"Wala silang anak," mabilis na sagot ko kay Tala. Hindi nito nagustuhan ang pagsagot ko. Nagliwanag ang kanyang buong katawan at agad na inilayo ng asawa niya sa akin.
"Umalis na kayo," dugtong ko. "Wala kayong mapapala sa akin."
"Paano natin mapapakawalan si Malakas nito?" tanong ni Jake. Napatingin ako sa kanya. Taimtim siyang nakatitig sa akin. "Ayaw tumulong ng anak niya," dugtong pa nito. "Kinulong ang ama mo. Gusto mong sumama na iligtas siya?"
"May daddy issue rin yata," ani ni Jelie.
"Pakawalan ninyo ako," matabang na sagot ko. "Doon tayo sa kubo, naroon ang mga tagapangalaga ko."
Napabuga sila ng hininga. Unti-unting lumuwag ang pagkakatali ng mga ugat ng puno sa akin. Nang makawala na ako ay wala akong kibo na pinulot ang aso ko na kasing bigat ng oso pero sandali ay napatulog. Sumunod pababa ng bundok ang mga bisita ko.
Napamaang at nagulat ang dalawang matanda nang umuwi ako na may kasamang batalyon sa aking likuran. Nakilala nila si Sidapa at agad na nagyuko ng mga ulo.
"Ikinagagalak namin ang pagparito ng mga diyos at diyosa. Kung ipagpapatawad ninyo ang aking pagtatanong, ano ang kailangan ninyo sa aming apo?" tanong ni Lolo.
"Kailangan namin ang tulong ng anak ni Malakas. Kailangan namin siyang pakawalan mula sa Kanlaon," diretsong paliwanag ni Tala.
"Hindi maaring umalis ng isla ni Marian," wika ni Lola.
"Bakit po hindi ninyo ipaliwanag sa amin ang dahilan habang nagtatanghalian?" tanong ni Jelie na ikinaikot ng mga mata ko. "Mukha pong alam ninyong darating kami, ang dami po ng niluto ninyo. Natatanaw ko mula dito."
"Ay naku, sige magpapahabol muna ako ng pagkain."
Mabilis na kumilos si Lola. Ang mag-asawa ay pinaupo ang mga hindi imbitadong mga bisita. Naaliw silang nagkwento ng kung ano-ano ngunit nililigaw ng dalawang matanda ang usapan kapag tungkol na sa akin ang mga tanong.
Bakit hindi ako maaring umalis ng isla?
Totoo kayang alam nila kung nasaan si Ama? Si Ina? Nasaan sila?
Ang tanghalian ngayon ay kakaiba. Nasa labas kami ng kubo, nakahain ang mga pagkain sa mahabang dahon ng mga saging. Nagluto ng mabilisang pagkain si Lola. Ano ng aba ang mabilis kung hindi mga inihaw na isda at nilagang mga gulay?
"Kain na," wika ni Lola. Masayang sumalo sa amin ang mga bisita. Hindi ko sila pinapansin at naglagay ako ng kanin ko sa harapan ko. Nakiagaw sa mga baboy at manok dahil iyon naman ang kaya kong kainin.
Natahimik ang mga kasama ko habang ako naman ay sumubo na ng kanin.
"Ugh..."
Napatingin ako sa kanila. Maging sila Lola ay napansin ang pananahimik ng maiingay na mga bisita. Nakatingin sila sa akin lahat.
"Ano?" tanong ko sa kanila.
"Wala naman," wika ni Carol.
Nagpatuloy ako s apagsubo ng kanin at ng inihaw na baboy. Humigop ako ng sabaw at naglagay muli sa tason. Hindi pa rin sila kumikibo kaya tumingin muli ako sa kanina.
"Ano ba? Bakit ba nakatitig kayo?"
"Girl, ang lakas mong kumain," ani ni Jelie. "Na-amaze kami."
"Ito ako," sagot ko na ikinatawa nila lolo at lola.
"Malulugi ang Mang Inasal dito. Dalin natin siya do'n," wika ni Jake.
Nakadalawang kuha na ako ng kanin, tatlong salin ng sabaw, dalawang malaking tipak ng baboy, isang buong manok, limang talong at anim na okra, isang tason ng bagoong at—
"Jelie, kakainin mob a 'yang baboy?" tanong ko.
"Sa iyo na. Diet ako. Isda, gusto mo?"
"Ayaw ko ng isda, nangangati ako." Kinuha ko ang baboy sa harapan niya at nagsimula na ako sa pangatlong bandehadong kanin.
BINABASA MO ANG
The Book of the Lost Love
FantasyAng pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa p...