Kabanata 15- APOLAKI

847 105 10
                                    

Marian


At ang sabi, ang babae ang siyang mapagtanim ng sama ng loob. Kung makapagsalita itong si Amanikable, parang may mas malaki pa siyang hinanakit sa lahat. May dahilan ba kaya siya naging isang mapagmataas na mayabang na nilalang? O sadyang ganito lang ito na puno ng kumpiyansa

Naialis ni Sidapa ang tubig sa kulungan. Nagtrabaho muli ang mga bubuyog ni Jelie. Sa dami naing nagbubuhat ng takip, nabibigatan pa rin kami. Anong uri ba ng bato ang ginamit sa kulungan na ito?

"May tubig ulit," naiinis ng wika ni Jelie.

Namamatay ang mga bubuyog niya sa tubig. Nalulunod sila at kung hindi magiging maingat ay baka walang matira. Muli ay inalis ni Sidapa ang tubig sa pamamagitan ng lagusan. Nagtawag muli ng bubuyog si Jelie upang mapunan ang mga namatay sa tubig.

"Ilang kulungan ba ito?" tanong ni Zandro.

Sisipol-sipol si Amanikable at hindi tumutulong sa pagbubuhat. Naiirita talaga ako s apagsipol niya.

Muli ay lumusot ng mga bubuyog sa butas na nakita nila at binuksan ang takip ng ikatlong kulungan mula sa loob. At iyon na naman ang nangyari... may tubig muli.

"Putangina," usal ni Jake. "Wala na akong lakas. Pabigat nang pabigat."

"Paano pa kung wala si Marian? Paano nating mabubuhat iyan?" Maging ang mga kababaihan ay nakitulong na sa pagbubuhat ng ikatlong takip ng kulungan.

Muli ay inalis ni Sidapa ang tubig sa pamamagitan ng lagusan. Habang unti-unting bumababa ang tubig, napuna kong mabilis matuyo ang parteng naalisan ng tubig. Para pang may mainit sa loob.

Hinawakan ko ang takip. May naramdaman nga akong mainit.

"Ama," sigaw ko. "Naririnig mo ba ako? Ako ito... si..." Hindi ko masabi ang tunay kong pangalan.

Sa wakas ay natigil sa pagsipol si Amanikable.

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at inalis sa bato na hinahawakan ko.

"Tumabi ka," wika niya.

"Bakit ba?" agaw ko sa kamay ko.

Hindi na nakasagot si Amanikable dahil nayanig na ang lupa.

"Ano 'to? Buhay pa ang dragon?" tanong ni Jelie.

Unti-unting nanginig ang kulungan na para bang nais sumabog nito.

"Tabi..." sigaw ni Sidapa.

Si Bunao at Soliman ay gumawa ng panangga dahil sa mga batong nalalaglag mula sa yungib.

Isang malakas na pagsabog ang naganap. Parang takuri na sumipol ang kulungan at mainit ang sumunod naming naramdaman. Kung wala ang pananggang baton a ginawa nila Bunao at Soliman ay baka napaso kami sa lakas ng init. Mas mainit pa sa buga ng apoy ng Naga. Nakatabing ang katawan ni Amanikable sa akin ngunit ramdam ko pa rin ang init. Paano na lamang siya?

"Si Mayari ako... huminahon ka." Narinig kong sigaw ni Mayari. "Apolaki... si Mayari ako. Si Mayari."

Sumunod ay nakakabinging katahimikan at unti-unting humupa ang init.

Apolaki? Sino si Apolaki?

Ang panangga ay unti-unting nawala. Ang inti ay naglaho na rin. Naguguluhan kong itinulak si Amanikable at napaupo ito sa batuan. Hindi maipinta ang mukha.

"Aman—"

"Apolaki," sigaw ni Tala at Hanan.

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kay Amanikable. Natuon ang paningin ko sa diyos na yakap ng tatlong diyosa.

Apolaki? Kung gano'n ay hindi si Ama ang nakakulong?

Tumayo ako habang nakatingin sa kanila.

Nais kong umiyak ngunit hindi ko magawa.

"Si Malakas ka ba?" nakuhang itanong ni Jelie.

Doon yata napuna ng lalaki ang presensya namin. "Hindi," sagot nito.

Para akong nanlalambot na napasandal sa adobeng dingding.

"Putangina," usal ni Jake. "Nasaan si Malakas?"

"Marian" tawag ni Amanikable sa akin.

"Alam mong hindi si Ama ang nakakulong dito?" tanong ko sa kanya.

Hindi kumibo si Amanikable. Bagkus ay bumuntong hininga ito.

"Anong laro ba ang ginagawa mo? Bakit hindi mo agad sinabi? Hanggal... ano nga pala ang aasahan namin sa iyo e kalaban ka?"

"Niligtas ko ang buhay ninyo sa pagkakatanda ko," may galit na sagot ni Amanikable sa akin. "Kung sasbaihin ko bang hindi si Malakas ang nakakulong ay maniniwala ba kayo?" hamon niyang tanong sa akin.

Wala akong makuhang isagot doon.

"Nasaan si Ama?" tanong ni Tala kay Apolaki.

Umiling ito. "Hindi ko alam. Ilang taon na ang nagdaan?" tanong niya.

"Kalahating siglo," sagot ni Sidapa.

Napahinga ng malalim ang tinawag na Apolaki. "Ganoon na katagal," wika nito.

"Mawalang galang lang. Related ba kayo?" tanong ni Jelie sa mga diyosa.

"Kapatid namin siya sa ama," sagot ni Hanan.

"By all means, kahawig mob a si Bathala? Cutie..." wika ni Jelie.

Matatawa sana ako sa nakikita sa kanila ni Sidapa kung hindi lang sa nararamdaman ko. Para akong nadaya. Para akong kinuhanan ng pag-asa. Para akong pinangakuan ngunit hindi natupad.

Pinilit tumayo ni Amanikable. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Halika na. Umalis na tayo dito. Wala rito ang hinahanap mo."

Lumingon ako sa mga kasamahan ko. Mukha naman siyang ayos. Hindi nila iniinda na hindi namin nahanap si Ama. Para pa nga silang nagsasaya. Bakit gano'n? Parang ako lang ang nakakaramdam ng ganito?

"Magpapaalam lang ako."

"Bakit pa? Mukha naman silang walang pakialam," saad ni Amanikable.

"Dahil hindi gaya mo, tinuruan ako ng kagandahang asal."

Tumayo ako at hindi tinanggap ang kamay na nakalahad. Lumakad ako sa mga nagbibiruang kasamahan ko.

"Aalis na ako," wika ko.

Natahimik sila. Parang doon lamang nila naalala na naroon ako. Natingin maging si Apolaki sa akin.

"Ano ang iyong ngalan?" tanong nito.

At bago pa ako makasagot, may dalawang kamay na dumantay sa balikat ko.

"Aalis na kami," wika ni Amanikable. 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon