Marian
"Huwag ka munang gumalaw." May pumigil sa akin na bumangon.
Nasaan ako?
Bakit masakit ang buong katawan ko.
"Humuhupa pa lang ang lason s akatawna mo. Ipahinga mo muna," wika muli ng tinig.
Kilala ko ang tinig na iyon ngunit hindi ako mahagilap sa aking isipan kung sino siya o sila dahil hindi iisa ang aking kasama.
"Nasaan ako?" naisatinig ko.
"Uhmmm, hindi rin namin alam," sagot ng isang tinig.
Unti-unting luminaw ang aking paningin at mga bato na wari mo ay pumapatak na ulan ang aking natunghayan.
"Huminga ka ng malalim, Marian. Mawawala rin ang sakit na iyong nararamdaman."
"Madali para sa inyo na sabihin," mariing sagot ko. Napapangiwi ako marahil dahil sa sakit ngunit tama sila; unti-unti ngang nawawala ang sakit.
"Naisahan yata tayo ni Amanikable," ani ng isa.
Napatingin ako sa nagsalita nang marinig ko ang ngalan ni Amanikable. Nakita ko si Mayari, Hanan at Tala na nakatayo hindi kalayuan sa akin ay nag-uusap.
"Narito si Amanikable?" pinilit kong magsalita ng malakas. Napatingin sa akin ang tatlo at nakuha kong muli ang atensyon nila.
May itinuro si Hanan malapit sa akin. Isang napakalaking bato.
Pinilit kong umupo. Hindi na gaanong masakit ang kalamnan ko. Kaya ko ng gumalaw.
"Hindi naming alam kung paano ipapaliwanag pero naging bato siya," ani ni Hanan.
"Naging bato?" ulit ko.
"Niligtas ka niya. Naging bato siya at ngayon ay hindi namin alam kung nasaan si Ama," nayayamot na sagot ni Tala.
"Naging bato—" Hindi ko matapos ang nais kong sabihin. Napatingin ako sa malaking bato na malapit sa akin. Mukha itong kabaong sa ehipto ngunit gawa sa bato.
"Wala na si Amanikable, Marian. Walang ibang paliwanag kung hindi binigay niya ang kanyang buhay upang mabuhay ka lamang," ani ni Mayari.
Niligtas niya ako?
"Hindi totoo iyan. Hindi niya ako ililigtas. Iniwan nga niya ako hindi ba?" puno ng hinanakit na wika ko.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tala. Si Hanan naman ay tumabi sa akin at pinunasan ang basing pisngi ko.
Umiiyak ako?
"Iniligtas ka niya at iyon ang totoo. Binigay niya ang buhay niya."
"Hangal," mapaklang wika ko. "Ang hangal niya."
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak; bakit may hinanakit akong nararamdaman?
"Hindi niya ako dapat iniligtas."
"Shhh, tahan na Marian. Iniligtas ka na niya. Hindi rin namin alam kung bakit. Marahil ay dahil kabiyak ka niya." Hindi ko alam kung gagaan ang loob ko sa sinasabi ni Mayari.
Para akong batang umaatungal ng iyak.
"Ang tanga-tanga mo! Bakit mo ako niligtas? Hindi ba makasarili ka? Sana naging makasarili ka na lang!"
Mahina kong pinagsusuntok ang bato o ang katawan na naging bato.
"Marian, mauubos mo si Amanikable," pigil ni Hanan.
"Hayaan mo siya," sagot ni Tala.
"Madudurog niya ang bato," ani ni Mayari.
"Hayaan ninyo ang nagdadalamhati."
"Ang tanga-tanga mo!" Pinagsusuntok ko talaga ang bato hanggang sa madurong ang iilang parte. Parang natuklap ang bato at may dugong umagos.
"Teka Marian!" Tuluyan na akong pinigilan ni Hanan. "May dugo na ang bato. May sugat ka ba?"
Kung may sugat man ang kamao ko ay hindi ko nararamdaman. Namamanhid na yata ako sa mga nangyayari. Minsan ay gusto kong hilingin n asana ay hindi na lang ako lumaki at tumanda. Nanatili na lamang sana akong sanggol na hindi kayang magsalita.
Gusto kong basagin si Amanikable s ainis.
Lumapit si Tala sa amin at tiningnan ang mga nabasag na bato.
"Parang... umaagos. Sandali nga." Pinatabi ako ni Tala at pinunasan niya ang dugo sa bato. Nanatili itong basa.
"Hindi kaya buhay pa si Amanikable?" mahinang tanong ni Tala sa sarili.
"Imposible," ani ni Hanan.
"Ngunit maari," sagot ni Mayari.
"Basagin natin ang bato," wika ni Tala nang pigilan siya ni Hanan.
"Kung mabasag ng tuluyan ang bato ay madudurog si Amanikable."
"Kung buhay pa siya ay kailangan niyang makawala sa bato. Ngunit kung hindi na siya buhay ay siya mismo ang bato," pagdidiin ni Tala. Humarap sa akin si Tala at sabi "Kaya mo bang sundukin ang baton ang hindi nahahati-hati? Kailangan nating subukan, Marian."
Gusto kong kumapit sa mumunting pag-asa na binibigay ni Tala. Hindi ko nais tanggapin na naging baton a nga si Amanikable dahil sa akin.
"Susubukan ko," garalgal ang boses na sagot ko.
"Dahan-dahan," paalala ni Tala. Lumayo si Tala sa tabi ng bato at iniwan ako.
"Amanikable," tawag ko. "Kung naririnig mo ako, sumagot ka kahit mahina."
Tahimik ang paligid na kahit ang tunog ng alon ay tumigil. Tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko.
"Marian," mahinang tawag sa akin. Mahina ngunit sapat na upang marinig ko.
"Aman—"
"Hindi ko alam kung nasa kabilang buhay na ako ngunit naririnig kita."
"Buhay pa siya," mariing wika ko sa tatlong diyosa na nakatingin sa akin.
Hindi ako nag-aksaya ng oras. Sa abot-kaya ng lakas ko, sinuntok ko ang malaking bato.
Sigaw ni Amanikable sa isip ko ang nakapagpabingin sandali sa akin.
BINABASA MO ANG
The Book of the Lost Love
FantasyAng pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa p...