Kabanata 28- ANG SALAPANG NG DAGAT

922 96 32
                                    

Amanikable


Parang ason naulol si Malakas nang makawala sa kulungan. Nanlilisik ang mga mata nito at ako talaga ang unang tiningnan.

"Amanikable!" sigaw niya.

"Gagi, nakilala ka agad," nakuha pang magsalita ng asawa ni Sidapa.

"Nasaan ang magaling mong kaibigan?"

Umalingawngaw ang boses ni Malakas sa tahimik na dalampasigan. Naramdaman kong gumalaw si Marian mula sa likod ko.

"Diyan ka lang—"

"Tumabi ka."

Sabay naming wika.

"Ama!" tawag ni Marian kay Malakas. "Ako ito si... Liway."

"Liway? As in Liwayway? Gawgaw?" sabat muli ni Jelie.

Tinapunan ko ito ng nagbababalang tingin upang manahimik.

"Ama—"

"Hindi ikaw ang aking anak, nasa iyo man ang mukha ni Maganda. Anong kalapastanganan ang ginawa mo, Amanikable? Hindi mo nakuha ang aking asawa kung kaya kinuha mo ang kanyang mukha at ibinigay sa kung sino?"

"Anak mo siya!" giit ni Jelie. Wala talagang pigil ang bunganga nito.

"Wala akong anak! Namatay si Maganda—"

"—sa panganganak," dugtong ko. "Namatay siya sa panganganak, Malakas. Ibinilin niya kay Aman Sinaya ang bata ngunit inilayo niya ito."

"Hindi ko nga alam kung anak ko nga iyon. Baka nga sa iyo—"

"Tama na!" sigaw ni Marian. Kahit pigilan ko ay hindi ito nagpaawat. Isang suntok ang ibinigay nito kay Malakas. Sumadsad ito sa buhangin sa pampang. Duguan ang nguso at nangingitim na agad ang panga.

"Hindi ko alam kung bakit hinangad ko pang makita kita kahit sinasbai nilang huwag na. Ganyan ka kalapastangan, Ama? O dapat ba ay Malakas ang itawag ko sa iyo? Asawa ko si Amanikable! Hindi ko siya Ama!"

Isang mapanuyang tawa ang ginawa ni Malakas habang tumatayo at nagpupunas ng dugo sa labi.

"Katulad ka ni Maganda. Nalinlang niyang lalaki na iyan."

"Kung matino ka lang eh di sana hindi naghanap ng shoulder to cry on," sabat muli ng tampalasang taga-bantay.

"Manahimik muna tayo, Jelie," pagbabawal sa kanya ni Hanan.

"Nasaan si Sinaya?" galit na tanong ni Malakas pagkatapos mahimasmasan.

"Nasaan si Bathala?" balik na tanong ni Sidapa.

"Si Sinaya! Ibigay ninyo sa akin ang ulo niya!"

Napabuga ako ng hininga.

"Malakas—"

"Huwag mong babanggitin ni pangalan ko, Amanikable. Namumuhi ako sa iyo. Kinasusuklaman kita ng buong pagkatao ko."

Sa dako ng kulungan ni Sinaya ay umalingawngaw ang tawa nito. Natuon roon ang paningin ni Malakas.

"Malakas, huminahon ka. Ikinulong namin si Sinaya dahil nais nitong paslangin ang iyon anak," paliwanag ni Tala.

"Wala akong anak!"

Bumagsak ang mga balikat ni Marian sa narinig. Pilit pinigilan nila BUnao si Malakas ngunit gay ang pangalan nito, walang nagawa sila Bunao, Zandro at Jake dito. Nauunawaan ng mga diyos si Malakas kaya hinayaan nila. Hinayaan naming ilabas ang galit niya kay Sinaya.

Sinira ni Malakas ang kulungan ni Sinaya. Inabot niya ito sa leeg at sinakal gamit ang isang kamay. Si Sinaya naman ay hindi nagpatalo. Gumawa siya ng malalaking alon upang tangayin sila ni Malakas sa dagat kung saan walang laban si Malakas.

"Patay na," usal ng anak ni Sitan at saka sumunod sa dalawa.

Napatingin ako sa mabituin na langit. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko.

"Dumito ka lang—" wika ko ngunit hindi naman ako pinakinggan ni Marian. Sumunod siya kay Jake at sa iba pa na lumusong na sa dagat.

Napabuga ako ng hininga.

Higit kanino man, ako ang may kakayahang pumigil kay Malakas at kay Sinaya. O maari kong aminin na may maliit na pagkakataon na mapaghiwalay ko sila ng matiwasay.

Pagtapak ng paa ko sa tubig, mabilis akong lumangoy papunta kay Sinaya na nilulunod na si Malakas.

"Tama na!" sigaw ko kay SInaya sa ilalaim ng dagat. Ang boses ko ay lumikha ng malalaing alon na tumangay papampang sa iba.

Pilit kong inaalis ang kamay ni Malakas sa leeg ni Sinaya, habang pinipigilan ko ang kamay ni Sinaya na gumawa pa ng mga tubig na sumasakal kay Malakas.

Suntok mula kay Malakas ang inabot ko at mga hagupit ng tubig mula kay Sinaya.

Sa isang panig ng dagat ay may bumukas na lagusan at hinigop kaming tatlo. Sa pampang kami nalaglag. Basa ng tubig dagat.

Si Marian ay kaagad na pumagitna kay Malakas at Sinaya na pareho ng nakabawi ng lakas.

"Ama—" tawag niya kay Malakas ngunit hindi pinansin ni Malakas ang kanyang anak. Bagkus, hinawi niya si Marian na ubod ng lakas na ikinasubsob ni Maria sa buhanginan.

Nakakita ako ng pula... lahat ng paligid ay pula. Hindi ko alam ang nangyari o kung ano ang sumapi sa akin upang mawalan ng pagpipigil.

Ilang kamay, latigo at ugat ng mga puno ang pumigil sa akin. Sa isang iglap parang ako na muli ang kalaban.

"Amanikable! Huminahon ka," sigaw nila ngunit hindi ko kapangyarihang pigilan ang galit na biglang nanulay sa aking laman.

Mula sa hangin ay lumitaw sa aking kamay ang salapang pandagat.

"Hindi!!!" sigaw ni Sinaya. "Hindi mo maagaw ang dagat sa akin!"

"Amanikable, kumalma ka lang. Lulubog ang sanglupaan."

May mga himig akong naririnig ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Ang alam ko lang ay hidni pa ako nakakaramdam ng ganitong galit s abuong buhay ko.

"Aman... Aman, huminahon ka," tinig na biglang nagpatahimik ng paligid ko. "Naririnig mo ako?"

May kamay... malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko.

"Ganyan nga, huminahon ka. Bumalik ka... sa... akin."

Unti-unting bumagal ang tibok ng puso ko. Ang umuugong kong tainga ay unti-unting nakarinig ng malinaw. Mukha ni Marian ang bumungad sa akin nang luminaw muli ang paningin ko. Namumutla siya. May sugat sa labi at nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa dalawang pisngi ko.

Napapalibutan ako ng ugat ng mga puno, ang latigo ni Tala at mga adobe na nagmula sa lupa na pumipigil sa akin.

"Mahinahon ka na ba?" tanong ni Marian.

Sa 'di kalayuan ay si Malakas na nakahiga sa buhangin. Si Sinaya ay hindi ko na mahagilap.

"Mahinahon na ako," sagot ko.

Unti-unting lumuwag ang mga nakatali sa akin. Bumalik ang ugat at adobe sa lupa ngunit ang latigo ay nanatiling nakatali sa aking mga kamay.

"Tinakot ko ako," wika ni Marian.

"Patawad," mabilis na sagot ko. "Hindi ko alam ang nangyari."

"Mukhang pinili ka ng karagatan," wika ni Tala na nagpalingon sa akin sa kanya.

At tunay nga, sa kanang kamay ko ay ang salapang ng hari ng karagatan.

Bakit ito nasa akin? 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon