Kabanata 27- ANG PAG-AHON SA LUPA

1.2K 116 30
                                    

Marian


Isang mapangahas na pagtataka na iahon sa lupa ang kulungan ng aking ama. Kahit ako ay may dud ana kakayanin naming, hindi ko lamang isinatinig. Walang paraan kung hindi lumusong sa pusod ng karagatan ang taga-bantay ng tarangka at taga-bantay na si Carol. At hindi nila magagawa iyon nang hindi napapahamak.

Mula sa lagusan na ginawa ni Sidapa ay tumalon kami sa madilim na tubig. Nasa harapan naming ang kulungan ng aking ama.

Sa paglusong namin ay naramdaman naming hindi kami nag-iisa kaya isinarado ni Sidapa ang lagusan. Nawala ang tanging liwanag na mayroon kami.

May mga shokoy sa paligid, wika ni Amanikable sa aking isipan. Lumapit siya sa akin at kulang na lang ay itali sa kanyang tabi.

Paano silang makkatagal sa ilalim nang walang hangin mula sa lagusan?

Nagsaboy si Tala ng ilang bato na lumiliwanag. Sa pagtama ng bato sa paligid, doon ko napansin na napapaligiran kami ng mga shokoy. May mga sibat silang hawak at parang hinihintay talaga nila kami. Halos luwa ang mga mata nila, may matatalim na ngpin, palikpik na nagmumula sa tuktok ng ulo hanggang sa kanilang buntot. May paa rin sila at kamay na akala mo ay sa palaka. Kulay lumot ang kanilang balat na parang sa iguana.

Si Jake at Zandro ay malapit nang malunod nang mapansin ni Sidapa. Agad siyang gumawa ng maliit na lagusan upang makasagap ng hangin ang dalawa sa pampang at muli ay bumalik sila sa tubig.

Kalaban ba sila?, tanong ko kay Amanikable.

"Naramdaman namin ang kamatayan," wika ng isang shokoy na marahil ay ang pinuno nila.

"Hindi kayo ang pakay ko," wika ni Sidapa na biglang naging kulay patay ang balat. Napakapit ako bigla kay Amanikable.

"Ano ang mayroon at naparito kayo?" tanong muli ng shokoy.

"Nais nilang kuhanin ang kulungan ni Malakas," paliwanag ni Amanikabe.

"Bakit? Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon? Ano ang inyong Karapatan na pakawalan siya sa mahabang panahong pagkakakulong?"

"Siya ang aking Ama," sabat ko na ikinalingon ng lahat sa akin. "At nararapat lamang na makapiling ng anak ang kanyang ama, hindi ba?"

Taimtim akong tinitigan ng shokoy at saka umiling. "Kung paano ang namumuhing si Amanikable ay tinutulungan kayong pakawalan si Malakas ay hindi naming mawari. Huwag ninyong dalin ang digmaan sa ilalim ng karagatan."

"Kung ganoon ay hayaan ninyo kaming alisin si Malakas dito," wika ni Tala sa mga shokoy. "Bigyan ninyo kami ng lugar. Hindi kami makakakilos sa pagmamasid ninyo."

"Kapag nalaman ni Aman Sinaya—"

"Alam na niya. Nakakulong siya sa kasalukuyan. Ngayon, maari na ba kaming gumalaw o magkakasakitan pa tayo?" mariing wika ni Sidapa.

Umatras ng kaunti ang mga shokoy ngunit itinapat nila ang mga sibat nila sa amin.

"Sigurado kayo, Matang-baka? Nais ninyo kaming subukan?" nakakalokong tanong ni Amanikable sa shokoy.

Hindi ba isda ang matang-baka?

"Bilisan ninyo ang pag-anat ni Malakas sa lupa," wika ni Matang-baka.

"Hindi ikaw ang diyos ng karagatan," sagot ni Amanikable dito. "Nakakalimutan mo ang iyong lugar."

"Nanahimik kami sa kadiliman ng karagatan ngunit heto ka at dinadala ang kamatayan sa amin. Ano ang gusto mong gawin namin Amanikable, manahimik at maghintay ng aming katapusan?"

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon