Kabanata 25- BAKIT NGA?

870 94 19
                                    

Marian


Hindi ko maintindihan, bakit galit na galit pati sa akin si Aman Sinaya? Ina-ano ko ba siya? 'Di ko naman ina-ano.

"Marian..." tawag sa akin ni Jelie.

Isa pang dagdag intindihin 'tong mga 'to. Bakit ba nandito sila?

"Bakit?"

"Bakit tinatanaw mo ang dagat? Babalik din 'yon."

Daming napapansin!

"May iniisip ako!"

"Dito ka mag-isip," pangungulit nito.

Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba ako nakatanaw sa dagat? Hindi naman malulunod 'yon.

Tinungo ko ang kubo kung saan sila naroon at nagtatago sa sikat ng araw. Nakaligpit na rin ang ebidensya ng kinain kong mga manok. Akala ko naman ay akin lang talaga, patawad naman.

"Bakit ka agad nagpakasal?" Napahinto ako sa paghakbang papasok ng kubo dahil sa tanong ni Apo Laki.

"Huwag ka ng umechos, baka isdang lason ang ipakain sa atin ni Amantisaurous," sabat ni Jelie.

"Akala ko ay may oras pa ako—"

Nagtawanan ang mga kasama ni Jelie na mga tao.

Sino ang tampalasang dumidiga sa iyo?

Napapikit ako at mabilis na kinamot ang tainga. Para akong nasigawan sa malapitan at umugong ang loob ng tainga ko.

"Naririnig kayo ni Amanikable," saway ni Sidapa sa kanila.

"May palikpik siya sa mga dingding?" tanong ni Jelie kay Sidapa.

Totoo?

Ay hindi. Umikot ang mga mata ni Sidapa at pinalo sa pwet si Jelie.

"Sige, maglampungan kayo nang mag-uwian tayong lahat," sita ni Tala sa kanila.

"Maupo ka na, Marian," ani ni Hanan. "MUkhang matatagalan pa ang iyong kabiyak."

"Bakit mo pinakasalan si Amanikable?" Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang ulo ko sa tanong ni Jelie.

"Eh ikaw, bakit ka pinakasalan ni Sidapa?" ganting tanong ko.

"Kasi mahal niya ako. Waahh, teka, lang, one minute... Mahal mo si Amanikable?" tanong ni Jelie na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hindi... wala lang akong pagpipilian."

"There is no such thing as no choice," sagot ni Carol.

"Meron... ako. Teka nga—"

"Luh, iniiba ang usapan. Nagbu-blush. Naku! Naku! Naku!"

At naging pabo na nga si Jelie kakatukso. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa hangal na ito.

Hindi naman nagtagal si Amanikable at naisalba ako nito sa panunukso ng mga ito.

"Ayan!" Initsa niya ang mga dalang lamang dagat sa paanan nila Jake. Nakasimangot iton hinila ako patayo mula sa pagkakaupo ko at itinabi niya ako sa kanya.

"Basa ka," angal ko.

"Kasal na siya!" wika ni Amanikable sa kanila. Ang iba ay natawa sa kanya. "Kung ayaw mong maging bato sa ilalim ng dagat at maging tahanan ng mga talaba, hindi ka na didiga kay Marian."

Parang natahimik ang lahat. Naghahamon si Amanikable na tumayo sa harapan ni Apo Laki.

"Selos yarn?" Wala talagang pinipigil ang bunganga nitong si Jelie. Kinakabahan na ang lahat, samantalang siya ay nakuha pang magbiro habang namimili ng isda.

"Magparikit ka na Daddy Long legs," taboy niya kay Apo Laki at ibinigay ang palangga ng mga isda na nahaluan na ng buhangin. "Ikaw rin Jake, tawa ka nang tawa. Mag-ihaw na kayo. Gutom na kami."

"Hindi ko alam paano niya narinig 'yong usapan." Iiling-iling na wika ni Jake.

"Nanay niya si Marites," sagot naman ni Jelie na ikinatawa na naman ng iba. "'Ge na. Nalipasan na kami ng gutom."

Hinila ako ni Amanikable palabas ng kubo, papunta sa dalampasigan. Halos madapa ako sa haba ng hakbang nito.

"Teka lang, madadapa ako!"

"Ano pa ang sinabi ni Apo Laki?"

"Bakit ba galit ka? Wala na siyang sinabi? Paano mo ba narinig ang usapan namin?"

Huminga ng malalim si Amanikable at bumulong-bulong na parang kinakausap ang sarili.

"HUwag ka ng lalapit—"

"Teka nga!" Teka nga! Teka nga. "Bakit ikaw ang galit samantalang may isang babae kanina na gusto akong paslangin dahil lang katabi kita?"

"Luh, love triangle pala!"

Sabay kaming napapikit ng mariin ni Amanikable nang marinig naming si Jelie na sumasabat mula sa kubo.

"Dating mo bang kasintahan—"

"Hindi," tanggi agad ni Amanikable.

"Bakit nga? Bakit gano'n na lamang ang galit niya sa akin?"

"Dahil anak ka ni Malakas. Galit siya kay Malakas. Siya ang nagkulong sa Ama mo."

"Bakit nga?" Unti-unti nang umiinit ang ulo ko.

Tumingin sa langit si Amanikable at saka huminga muli ng malalim.

"Dahil hindi siya naging mabuting kabiyak sa iyong ina. Na sa tuwing tatangis si Maganda, nakikita at naririnig iyon ni Sinaya. Naririnig niya ang hinaing nito."

Hindi ako nakakibo.

"Inaruga ni Sinaya si Maganda na parang isang anak. Kaya masakit para sa kanya na pumanaw si Maganda. Hindi ako naniniwala noon o marahil ay hindi ko lang nais aminin na nawala si Maganda nang hindi ako nakakapagpaalam. Hindi ko siya na siya nakita buhat nang ilayo siya ng iyong Ama." Napabuga ng hininga si Amanikable.

"Napakaagang away nito, Marian. Hindi ko nais simulant ang unang araw ng pagsasama natin ng ganito."

Hindi ako nakakibo. Ang daming tanong sa isip ko at nangingibabaw ang isang tanong. Anong klaseng ama mayroon ako?

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon