Marian
Tulala kaming lahat nang mabasa ni Carol ang aklat na napulot ko. Tinawag ni Carol na 'Aklat ng Nawawalang Pag-ibig" dahil sa nilalaman nito.
"Gano'n pala ang nangyari," wika ni Marikit. "Kung sino man ang nagsulat nito malapit kay Amanikable."
"Niligtas ka pala niya dati, Marian. Si Sinaya pala ang talagang nais na ipapatay ka," pag-uulit ni Carol sa ilang parte na nabasa niya sa libro.
Tunay na walang pagtingin si Amanikable kay Ina. Naniniwala naman ako sa kanya sa bagay na iyon nang sinabi niya iyon sa akin.
"Kung alam ni Amanikable na nais kang patayin ni Sinaya ay hindi natin alam ngunit binigay ka niya sa mga taga-alaga mo noon at itinago sa isla na siya mismo ang gumawa ng panangga na kahit siya ay hindi niya kayang pasukin."
Tumango ako kay Carol. Iyon nga ang nabasa niya kanina.
"Bakit siya galit noong makita niya ako?" naguguluhang tanong ko.
"Baka hindi sa iyo kung hindi sa mga taga-alaga mo ang galit na iyon," wika ni Rose sa unang pagkakataon. "O kaya ay hindi niya inaasahan na buhay ka pa s atagal ng panahon na lumipas."
"Maari," wika ko. May punto siya. "Tatlo lang ang malinaw, sinungaling si Sinaya, nabubulagan si Ama at gustong lumaya ni Ina noon."
Totoo ang mga sinabi ni Amanikable noon ngunit hindi niya sinabi ang lahat sa akin. Bakit kailangan kong malaman mula sa libro na sinulat ng ibang tao ang katotohanan? Katotohanan na ipinagkasundo ako ni Ina kay Amanikable noon.
"Siya ang tadhanan mo, Marian," mahinang wika ni Carol.
Hindi ako sumagot. Nasaan siya ngayon kung gano'n?
"Alam marahil ng iyong Ina na mapapabuti ka kay Amanikable," ani ni Marikit.
"Isa pa sa tanong ay kung totoong nakipagsanib si Amanikable kay Sitan?" tanong ni Carol. Umakyat na naman ang inisi ko sa ulo.
Nasaan ba siya upang magpaliwanag?
Amanikable! tawag ko ngunit walang sumasagot sa isipan ko.
"Kung ako ang tatanungin ay hidni ako naniniwala," sagot ni Marikit. "Marami ang kapintasan ni Amanikable, is ana roon ang mainitin ang ulo at idagdag mon a pikon ngunit hindi niya tayo sinaktan kahit marami na ang kanyang pagkakataon na gawin 'yon."
Hay, naguguluhan ako.
"Ayaw makipag-usap ni Jake. Basta tungkol kay Sitan, mahirap na topic sa kanya. Hindi rin natuloy ang paghahanap natin kay Bathala sa Ilocos. Ano na nag plano, Ms. Rose?" baling ni Carol sa kaibigan.
"Hindi ko na rin alam. Para kasing paikot-ikot tayo. Mukhang ayaw magpahanap ni Bathala," sagot ni Rose.
"Bakit sa palagay mo?" naitanong ko bigla.
"Mahirap kasing hanapin ang ayaw magpahanap. Si Malakas, nahanap naman natin sa pusod ng dagat. Si Apo Laki napalaya natin. Si Sidapa napaanib natin sa atin. Look at Jake at kung paano niya hinanap ang Adarna. Pero si Bathala, parang ayaw magpakita talaga," paliwanag ni Rose.
"May sama ng loob?" ani ko na hindi alam ang sinasabi.
"Baka," sagot naman ni Carol.
"Ano ang susunod mong gagawin, Marian?"
"Hindi ko alam, Marikit," naguguluhang sagot ko. "Kung bakit kasi ang hirap kausapin ni Amanikable."
"Pride. Lahat ng lalaki ay mayroon, ang iba ay mas mataas pa kaysa sa bundok Apo," nakangiting wika ni Marikit. "Matututunan mo rin."
"Hindi ba nila maaring ibaba? Mamamatay ba sila kung hindi sila biglang tatalikod at makipag-usap ng maayos?"
"Baka sila pumanaw ng wala sa oras," biro ni Carol.
"Parating sila Sidapa." Biglang lumitaw si Bunao sa pasilyo kaya naputol na ang pag-uusap namin.
"Ang tatlong Diwata?" tanong ni Rose.
Umiling si Bunao. Doon may bumukas na lagusan sa gitna ng sala at lumabas si Jelie at Sidapa.
"Mukhang may chika na hindi ako sinali," wika ni Jelie.
"Nakakahalata ka rin pala," sagot ni Bunao na ikinatawa naming ng bahagya.
"Isa ka talaga sa kalaban ng angkan namin noon, Bunao. Mayroon ka talagang galit sa akin na hindi ko maipaliwanag," wika ni Jelie na hindi ko alam kung nagbibiro o hindi.
"Bakit kayo naparito, Sidapa?" pag-iiba ni Bunao sa usapan.
"Napapagod na ako," wika ni Sidapa na ikinatingin namin sa isa't-isa. "Dumarami ang pumapatay at nagpapakamatay. Nasa kasukdulan na ang mundo at kung hindi pa tayo kikilos ay mabuting bumalik na lang ako sa pag-iisa."
Biglang tumawa si Bunao nang tumingin ng masama si Jelie kay Sidapa.
"Ano ang ibig sabihin no'n?" tanong ni Jelie sa asawa.
"Ang ibig kong sabihin—"
"Hindi, huwag ka ng magpaliwanag. Narinig ko na gusto mong mapag-isa. Kailan ka aalis ng bahay?" singhal ni Jelie.
Tuluyan kaming tumawa nang mamutla si Sidapa. Hindi ko akalain na may ipuputla pa siya.
Napabuntong hininga si Sidapa. "Unahin nating hanapin si Amanikable nang hindi ako ang inaaway ni Jelie." Bumaling si Sidapa sa akin. "Nasaan ang iyong kabiyak?"
"Kung alam ko ay malamang na hindi ako narito ngayon," mapaklang sagot ko kay Sidapa. "Pero baka may makuha kayong sagot sa libro." Itinuro ko ang libro na hawak pa ni Carol.
"Sa hilaga huling nagpakita si Amanikable," ani ni Bunao. "Magtitiwala pa ba tayo sa kanya?"
"Nagtiwala kayo kay Jake, bakit hindi kay Amanikable?" ganting tanong ni Marikit sa kanila. "Basahin ninyo ang libro ng makaunawa kayo."
"Ano ba nag sabi? Masyadong makapal ang book, hindi ninyo ako agad sinabihan," sumbat ni Jelie sa amin.
"Na si Amanikable ay walang kasalanan sa mga ibinibintang ninyo," sagot ni Marikit. "Hindi siya nang-agaw ng kaharian, si Aman Sinaya ang umalis at ipinagkatiwala sa kanya ang dagat. Tanging pagkakaibigan ang mayroon sila ni Maganda. Si Amanikable rin ang nagligtas kay Marian noong ipinanganak ito. Na si Aman Sinaya ay may pagtingin kay Amanikable kaya nagkakagulo kayo ngayon at nahahati ang pananaw. Kung nais kayong paslangin ni Amanikable, matagal na niyang nagawa. Ano sa palagay ninyo? Mauna na muna ako sa kusina upang maghanada ng pagkain. Mukhang matagal-tagal nap ag-uusap ang magaganap."
Umalis si Marikit na tangay ang mga dila namin. Walang nakapagsalita agad sa sinabi ni Marikit. Si Jelie ang unang nagsalita.
"Hindi ako makapaniwala," sabi nito.
"Maniwala ka," usad ni Carol.
"Na may nagkagusto kay Amanikable," dugtong ni Jelie at saka tumawa ng mahina.
Hindi ako natawa. Nainis ako sa sinabi niya.
"Kung kay Sidapa lang, Jelie, mas may itsura si Amanikable. Kayumanggi ang balat at hindi kasing puti ng apog at kasing lamig ng marmol sa hamugan."
Biglang tumayo si Rose at pumagit sa amin. "Hindi niya sinasadya, Sidapa. Pigilan mo kasi si Jelie."
Bumuntong hininga na lang si Sidapa. "Sa hilaga tayo magtutungo. Sabihan ninyo ang iba na pumarito at kailangan nating mag-usap ng maayos. Papuntahin ninyo si Malakas."
"Ayaw ko, malakas ang amoy no'n e," angal ni Jelie.
"Mag-pregnancy test ka nga," bulyaw ni Rose kay Jelie.
BINABASA MO ANG
The Book of the Lost Love
FantasyAng pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa p...