Chapter 08

87 6 24
                                    

The next day, Jared told me that they are bound to Manila next week. He also told me to prepare, because her mother invited me over a dinner. I am both excited and anxious.

Excited with the fact that I'm going to see his parents again—a chance to create a stronger bond with them. And anxious. Just feeling anxious.

Legal ang relasyon namin ni Jared pati sa mga magulang niya. Hindi lang talaga kami close nina Tita Luzil at Tito Albert dahil bilang lang ang beses na nagkita kami. At base sa mga pagkikitang iyon, alam kong high-maintenance sila at hindi madaling ma-please. Mabuti na lang at wala naman silang sinasabi sa relasyon namin ni Jared.

Kinabukasan, pagkatapos kong mananghalian ay nag-ayos ako dahil napagdesisyunan kong magpunta ng mall. Kailangan ko kasing bumili ng maayos at magandang dress para sa dinner. Wala naman kasi akong mga formal dress. Wala rin akong mahihiraman na ka-size ko.

Pagkarating ko ng mall ay dumiretso muna ako sa isang milk tea shop para saglit na magpahinga. Ang init at sikip kasi kanina sa jeep kaya medyo naging hapo ako. Ang hirap talaga kapag may asthma.

I opened my Instagram and took a pic of the frappe on my hand. I posted it as an IG story without a caption, but with my location. I turned off my phone and relaxed for an hour.

Paubos na ang frappe ko nang biglang may umupo sa kaharap kong upuan. My eyes widened in shock, thinking it's a stranger, but when I saw who the person is, my eyes widened even more.

"Ba't nandito ka?" halos pasigaw ko ng tanong dahil sa gulat.

Pinakita niya sa akin ang milk tea na hawak. "Property mo rin? Yaman mo naman."

Pagod akong napasandal sa malambot na backrest mg upuan. What do I even expect? Si Javi Aragonza 'yan, walang kwenta sumagot. At bakit ba lagi ko na lang siya tinatanong ng gano'n?

Nakangiwi ko siyang sinuri. Nakasuot si Javi ng white v-neck shirt na may sikat na logo ng brand sa gilid. Naka-cargo shorts lang at nakaitim na tsinelas. Sa totoo lang ay para lang siyang naka-pambahay dahil sa tsinelas pero hindi siya mukhang busabos. Ang unfair.

As a matter of fact, he still looks as confident as ever. Malawak na nakabuka ang kaniyang mahahabang binti at hita. Nakapatong naman ang magkabilang siko sa magkabilang tuhod at ang inumin ay nakakulong sa dalawang kamay niya. Nakaipit ang straw sa kaniyang nakatikom na mga labi habang ang mga mata ay parang nakangising nakatuon sa akin.

"Iyong totoo, bakit ka nandito?"

Kapag talaga sumagot pa siya nang pabalang ay ibubuhos ko sa kaniya ang milk tea niya.

Tinaas at winagayway niya ang hawak. "Bumili nito?" he said like it's very obvious, and I'm stupid for asking that.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaayos siya ng upo at defensive akong tinignan.

"What else do you want me to say? Totoo namang pumunta ako dito para... para dito." Medyo humina pa ang boses sa huling sinabi.

Oo nga naman. Ano pa bang iniisip ko? Na nakita niya ang IG story ko kaya siya pumunta dito?

Ganda ka, Dana?

Medyo napahiya, sinukbit ko sa balikat ang puting sling bag saka tumayo para umalis.

"Okay. Enjoy your drink," sabi ko bago dumiretsong talikod at lumabas ng shop. I'm going to my today's main agenda.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay naramdaman ko na ang pagsunod niya. Taas kilay ko siyang tinignan sa gilid.

"Oh? Sa'n na 'yung milk tea mo?" tanong ko dahil wala na siyang dalang kahit ano.

Nagkibit-balikat siya. "Pangit lasa," sagot nito na nagpaawang sa bibig ko.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon