Chapter 21

88 4 7
                                    

Saturday, 4 PM, game 3, the final game.

Hindi pa man nag-uumpisa ang laro ay hindi na magkamayaw ang ingay na maririnig sa buong Ifex Arena. Kaniya-kaniyang cheer, chant at hiyawan. Kaniya-kaniyang lobo at banner na hawak. Kaniya-kaniyang hampas sa mga instrumentong mas nagbibigay buhay sa buong lugar. Kaniya-kaniyang mukha pero pare-parehong kaba at pagkasabik ang makikita.

Nahahati ang halos kabuoan ng mga manonood sa pula at asul. May ilan ring taga-ibang school na nakasuot naman ng puti.

"Dapat pala nagdilaw tayong apat! Tayong tatlo 'yung 3 stars tapos si Dana 'yung sun!" halakhak ni Aye. Talagang gusto niya pang magmukha kaming watawat dito.

Magkakasama kaming apat ngayon, magkakatabi. Hindi na kasi in-charge si Jach sa pag-cover ng finals dahil kinuha iyon sa kaniya ng senior nila. Mabuti nga 'yon para makasama namin siya nina Aye at Thesa. Hindi ako masyadong mai-stress dahil may isang matino dito.

"Sana makita tayo sa TV kahit noo lang!" sabi naman ni Thesa na nakatutok sa malaking screen sa taas.

Sumang-ayon si Aye. "Oo, tapos magte-twerk ako."

Kasalukuyang nagpa-practice pa ang mga manlalaro sa court na halos lahat ay may kaniya-kaniyang bola. Natanaw ko agad si Javi na walang kahirap-hirap na sh-in-oot ang hawak. Napangiti ako.

Ilang sandali lang ay tinawag na ang parehong koponan, hudyat na mag-uumpisa na ang laro. Binalot ang arena ng mga hiyawan dahil sa pananabik. Samantala, hindi ko winala ang mga mata kay Javi na hinubad na ang t-shirt sa suot. Naiwan ang jersey.

Inunat niya ang mga braso, balikat at ang leeg habang umiikot paharap sa banda namin. Ngumiti ako nang mahanap niya ang mga mata ko. Ginantihan niya rin ako ng ngiti at nag-flying kiss pa!

Ang landi talaga!

"Shuta, ang ke-kerengkeng! Mga kabataan talaga ngayon..." napapailing pang komento ni Aye na tinawanan ko lang.

At dahil final game na, talagang inagahan na namin kaya sa malapit kami nakaupo. Hindi naman sa pinakamalapit pero sapat na para makita namin nang klaro ang laro.

Nang marinig na ang hudyat ng pag-uumpisa ng seremonyas ay napatuwid ako ng upo. Hinila ko patakip sa mga hita ang jacket na suot dahil sa lamig. I'm only wearing a red shirt tucked in my maong shorts.

And yeah, I have Javi's red and white varsity jacket with me. He almost begged me to wear this. Tinanggihan ko kasi no'ng una dahil nahihiya ako. May nakalagay na Aragonza ito sa likod at may malaking number 13. Sa front left side naman ay may number 13 din.

Agaw pansin. Kanina pa lang sa pila ay marami nang nakatingin sa akin pero hinayaan ko na lang. This is a way of showing my support to him.

The ceremony officially started. We were asked to stand up and place our hands on our left chest to give way for the national anthem. The announcer did a few introductions, before the players from Sullivan University were introduced. The loud cheers from Sullivanians filled our ears, but the loudest came from our dear friend, Aye.

"Go, baby number 10!"

She's cheering for that star player again. Wala namang kaso. Maski nga ako ay pinapalakpakan sila.

Pagkatapos ipakilala ang mga manlalaro mula sa kabilang koponan ay sinunod na ang players ng St. Benedict University. Pinakilala ang mga manlalaro base sa jersey number.

"Number 13, Aragonza!"

When Javi was called, I screamed my lungs out! Tumayo pa ako habang mataas at malakas na pumapalakpak.

"Go, Javi!" sigaw ko kahit na nilamon lang din ako ng malakas na hiyawan ng mga Benedictian. Umupo rin ako agad at pinulot ang mahahabang pula at puting lobo.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon