Chapter 16

78 7 4
                                    

The same day, Jared fetched me again to send me home. He noticed my sullen disposition, but he didn't say a thing. My mood doesn't interest him, anyway, because he thinks I was never the jolly type, and I've always been a mere socially inept person to him.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Saglit akong natigilan dahil may isang particular na tao ang unang pumasok sa isip ko. Mabilis kong winala iyon at sumakay na lang sa kotse.

"Do you wanna eat somewhere?" he asked.

Mabilis akong umiling. "Just take me home."

Snacks after classes... it's so Javi. Wala pang ilang oras simula nang magpaalam kami sa isa't isa, agad na akong inaatake ng mga alaalang iniwan niya. I can't keep being like this. Hindi ako makakaahon. I should do something.

Pagkauwi ko ay nakatulog ako. I'm both emotionally and mentally tired—definitely more exhausting than being physically drained. Mabilis akong hinila ng antok at nagising na sa kagitnaan ng gabi.

Nararamdaman ko ang paghilab ng tyan ko pero hindi naman ako nakakaramdam ng kahit katiting na ganang kumain. Gusto kong matulog pero hindi naman nakikisama ang mga mata ko.

Why are they not cooperating? Bobo na rin ba sila?

Sa pag-aakalang dadalawin ako ng antok ay pinili kong buksan muna ang cellphone. Hindi ko alam kung paano nangyaring natagpuan ko na lang ang screen na nasa message thread namin ni Javi. Kahit ang mga daliri ko, nasanay na.

Gusto kong basahin ang mga palitan namin ng mensahe pero agad kong pinigilan ang sarili ko. Hindi iyon makakatulong. Pero paano kapag nami-miss ko siya? Baka balik-balikan ko nga ang mga mensahe namin sa isa't isa... pero hindi dapat.

Should I delete our convo? Paano kung bigla ko siyang ma-miss? Hindi naman siguro masamang magbasa, 'di ba? Pero... hindi. Hindi talaga makakatulong sa akin. I should be strict with myself...

Pikit-mata kong binura ang buong thread ng messages namin. Ilang segundo akong napatitig sa screen at bahagyang nakaramdam ng pagsisisi. Dapat pala, pinagbigyan ko muna ang sarili... pero wala na. Nabura ko na.

Tama lang din naman 'to, 'di ba? Hanggang iniisip ko pang tama lang 'to, lulubos-lubosin ko na.

Pinuntahan ko ang phonebook at hinanap ang pangalan ni Javi na nasa unahan pa dahil Aragonza ang nakalagay. Hindi na ako nag-isip pa at binura na ito agad. Baka kasi maisipan ko pang kabisaduhin. Mahina pa naman ang loob ko. Baka ilang minuto lang, lusubin na ako ng panghihinayang at pagsisisi.

Sunod kong pinuntahan ang Instagram at hinanap ang account niyang ilang libo ang tinaas ng followers. Mas lalo lamang nitong pinaalala ang agwat sa niya sa akin—na maraming iba pa diyan ang mas dapat sa kaniya. I choose not to delete our conversations there, but I unfollowed him. I can't be updated about him. I should totally cut the ties.

Any means of communication with him, I should avoid it. This is what I have to do.

"Bakit ba kasi ngayon lang kayo magkakabit ng Christmas tree kung kailan ilang araw na lang, pasko na?" Denise commented—complained.

Umapela si mama. "Luma na kasi 'yung isa nating Christmas tree! Ngayon lang nakuha 'yung bonus kaya bumili kami ni papa niyo," sagot ni mama habang inaabot sa akin ang isang red artificial poinsettia para ikabit sa bagong bili naming Christmas tree.

"Bakit kasi puti pa? May snow ba dito? Walang white Christmas dito," saway na naman ng nagmamarunong kong kapatid.

Sa inis ni mama ay muntik na siyang batuhin ng isang Christmas ball. "Sige, next time, itim naman!"

Ngumiwi naman si Denise, nanahimik at nag-cellphone na lang.

"Abot mo ba, 'nak?" tanong ni papa nang makitang tumingkayad ako para ilagay sa tuktok ng 6 feet na Christmas tree ang star.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon