Chapter 03

120 6 9
                                    

Days passed very quickly. I feel better than usual. After I went to Jared's condo, his treatment to me improved, and I couldn't ask for more. He is definitely not the sweetest boyfriend, but I know he loves me more than what he shows me. Masaya na ako doon.

"Nasabi ni Thesalonica... nag-away kayo ni Aye?" si Jach, habang magkasabay kaming naglalakad palabas ng hall. Tuwing Miyerkules kasi ay magkatabi ang classrooms namin kaya nagsasabay kami 'pag lunch break.

"Hindi naman away," sabi ko lang.

I actually feel guilty, because I know as a friend, she is just trying to advise me, but I don't feel regretful that I defended my boyfriend. Tama naman ako. Hindi naman niya kilala talaga si Jared kaya hindi niya ito pwedeng igaya sa mga naging boyfriend o flings niya.

But that doesn't mean na galit ako sa kaniya. In fact, wala na sa akin 'yon. Maayos na kami ni Jared.

"Pa'no mamaya?" tukoy niya sa lunch naming magkakasama.

Tuwing Wednesday, Thursday and Friday lang kasi halos pareho ang mga schedule namin. Hindi kami araw-araw nagkikita.

"Samahan mo 'ko. Bibilhan ko siya milk tea."

Hinawakan ko sa palapulsuhan si Jach at hinila para mabilis kaming makarating sa isang milk tea shop. Sa aming apat, si Jach ang pinakamaliit kaya naman panay reklamo siya sa lakad-takbo na ginagawa ko.

"Respeto naman, oh!"

Natatawa akong huminto at naglakad na lang sa normal pace dahil tanaw ko na ang milk tea shop.

"Libre mo 'ko, Dan?" parang batang sabi niya habang namimilog ang mala-pusang mga mata.

"Oo na. Hintay ka na lang do'n."

Bumungisngis pa siya bago umupo sa high stool at medyo nahirapan pa sa pag-upo.

Apat na milk tea na ang binili ko, 'yung 79 pesos at pinakamura. Hindi ko masasabing peace offering 'to kay Aye dahil hindi naman namin ginagawa 'yon tuwing nagtatalo. Pasasalamat na lang din sa mga kaibigan kong always game sumama sa ukayan.

"Javi?"

Una akong napatingin sa ngiting-ngiting crew sa counter, may dalang cup ng mamahaling kape na may pangalan ng binanggit niya.

Sunod kong tinignan ang matangkad na lalaking tumabi sa akin, naka-black shirt na may patch ng mamahaling brand sa gilid, naka-faded jeans at white Nike na sapatos.

Kinuha niya ang order at saglit na nakipag-usap sa baristang ngiting-ngiti. Si Javier Aragonza nga. Sa sobrang tangkad niya ay nakatingala akong sinusuri ang matangos niyang ilong, makakapal na kilay at mapipilantik na pilik-mata. Dumako rin ang aking paningin sa panga niyang gumagalaw sa pagtawa at ang Adam's apple na umaalon sa pagsasalita.

Gwapo nga talaga. Ang ganda rin ng side profile ng Aragonza'ng 'to. Kaya pala ang yabang.

Ngayong alam niyang kilig na kilig sa kaniya ang babae, sinasamantala niya naman 'yon. Babaero nga siguro.

"Jach, Thesa, Aye and Dana po?"

Nagising ako sa sandaling pagkalutang
Tumingin ako sa isa pang crew na nilalapag na sa counter ang order ko. Hindi na ako nagtaka sa bilis dahil classic milk tea lang naman.

"Akin po," sabi ko sa maliit na boses.

Naramdaman kong tumingin sa akin si Javi habang ang mata ko ay nasa ina-assemble na milk tea sa four holes. Nang magtagal pa ang tingin niya sa akin ay taas kilay ko siyang nilingon.

As usual, wearing his signature mischievous smirk, I met his gaze.

"May kailangan ka?"

Pinili ko na ngang kalimutan na lang ang gabing 'yon sa party, saka naman siya nagpakita ulit. Sa ngayon, ang turing ko sa kaniya ay 'yung demonyong bumubulong na magtutulak sa'yo sa kasalanan.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon