Chapter 12

88 7 10
                                    

I woke up the next morning feeling light-hearted. Maybe this is what breaking down can make you feel. Last night, I cried and cried—not because I love him and I'm hurting, but because for the first time, I came to realize it's enough. It should be enough.

Ilang beses na akong nasaktan ni Jared at ilang beses din akong nagpatawad. Hindi ko alam na sa bawat pagpapatawad ko, hindi ko na napapansing ako naman ang nasisira. Kung hindi pa siya tumawag kagabi at pinagbintangan ako sa kasalanang siya lang ang gumagawa, hindi ko pa mapapagtanto na may dapat na nga akong tapusin.

Buo ang loob ko sa umagang iyon. Naisip ko na oras na siguro... oras nang umalis ako sa relasyong ako lang ang nagpapatakbo. Ayoko na. Ayoko na pala.

Dala ang ngiti ko ay bumaba ako sa sala kung saan naabutan ko pa sila sa sala. Si papa ay nakatayo habang inaayos ni mama ang kaniyang kurbata. Samantala, nakaupo lang si Denise sa sofa at walang pakialam sa paligid.

"Nako, labs, ayusin mo talaga, ha. Kapag nandiyan na sila, tayo agad at bumati! Pero huwag masyadong malaki ang ngiti!" paalala ni mama kay papa na inaayos ang buhok.

"Alam ko na 'yan! Na-practice ko na!" natutuwang tugon naman ni papa.

Kumunot ang noo ko sa nasaksihan. Bakit mukha silang excited? May okasyon ba?

"Ano pong meron?" tanong ko at umupo sa tabi ni Denise.

Nakangiting bumaling si mama sa amin. "Bibisita daw ang mga Ladesma at board members sa opisina. Siyempre, nag-oobserve lang sa paligid ang head nila papa mo, naghahanap kung sino ang pwedeng ipalit kapag nag-resign na siya!"

This is still about the promotion they've been looking forward to. This explains the excitement...

"Sa December na pipili kung sinong papalit. Baka ma-promote na ang papa niyo!" tuwang-tuwa niyang sabi.

Napangiti naman ako dahil sa magandang balita. I mean, I'm fine with what we have now. Maayos na ang buhay namin ngayon at hindi naman na ako humihiling ng higit pa. But of course, I want my parents happy and if this promotion is the answer, then I'm gonna support them.

"Kaya ikaw, Dana, pahalagahan niyo ang relasyon niyo ni Jared. Mabait na bata iyon..."

Uniti-unting nabura ang ngiti kong dala-dala kanina; ngiting gawa ng desisyon kong palayain na ang sarili sa relasyon namin ni Jared.

"Po?"

"'Ka ko, alagaan at mahalin mo pa ang nobyo mo. Aba'y complete package na ang batang 'yan! Saan ka pa ba makakahanap ng ganiyan?"

Tumawa si mama habang nangingiti lang si papa habang pinapaulanan ako ng papuri kung paano ko nabihag ang gaya ni Jared.

Habang ako, hindi na maibalik pa ang ngiti kanina. Ang tanging naibigay ko sa masaya kong mga magulang ay ang hilaw na ngiting pinaghirapan. Tumingin sa akin si papa at bahagyang napansin ang ekspresyon ko.

"May problema ba kayo, anak?" tanong ni papa at hindi ko alam ang isasagot.

Oo? Wala? Maayos kami? Ayoko na at makikipaghiwalay na ako?

"Asus! Kung meron man, ordinaryong away lang 'yan ng magkasintahan!"

Sana nga, ma. Pero hindi. Alam kong hindi na.

"'Wag kang mag-alala, anak, at maaayos din 'yan! Kita mo kami nitong papa mo, ilang beses akong niloko noon pero kasal na kami at nagbago naman na."

Iyon ang madalas kong isipin noon. Na katulad lang kami nina mama at papa. Na gaya nila, malalagpasan din namin ito. Maybe that's because after everything my father has done to her, she still loves him with all her heart. Mama and I are not the same, so do papa and Jared. Papa married mama, while Jared doesn't have plans about marriage—in marrying his long-time girlfriend.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon