Chapter 19

84 7 2
                                    

Chinese New Year is one of the most anticipated annual occasions our family celebrates. My mother, Marites Wong, is quarter Chinese, and the Wongs do practice Chinese New Year traditions which we have also adapted. Wala namang kaso iyon sa papa ko na purong Pilipino. Talagang nakagawian na namin ang mag-celebrate taon-taon.

"Ang labo mo, ma. Inuutusan mo akong maglinis pero bawal magwalis?" sabi ng reklamador na si Denise.

"Kasi nga, malas 'yon. Mawawalis mo ang papasok na grasya!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Napailing-iling na lang si papa at ngumiti sa amin na parang sinasabing pagpasensyahan na lang namin si mama. Sumimangot naman si Denise habang ako ay piniling ngumiti.

Alas singko na ng hapon nang matapos kami sa pagluluto ng mga pagkaing ihahanda. Inutusan na kami ni mama na maligo at magbihis ng pula. Agad naman kaming tumalima.

I put on a plain, sleeveless, red A-line dress with a jewel neckline. After blowing my hair, I settled with a half-up halo twist hairstyle. For my footwear, I wore my red strappy sandals. After applying some tints, I went down the stairs and helped with the needed preparations.

"Saan na daw ang mga kaibigan mo, Dana?" tanong ni mama na nakabihis na rin ng pula.

"Chat ko lang po."

Binuksan ko ang cellphone at mabilis na ni-check ang group chat naming apat. Hindi ako nagkamali dahil nga iyon ng mga message nila kanina.

Memes Gurlzsxcz


Thesalonica:

Pwede magblack para rock???

Alejandra:

Gaga malas yan kay mother marites

Jachelyn:

Red na lang, guys, para terno tayoooo!

Tinigil ko na ang pagbabasa para magtipa ng mensahe sa kanila. Sakto kasing online pa silang tatlo.

Dana Marie:

Saan na daw kayo?


Jachelyn:

On my way naaaa

Thesalonica:

Nasa jeep na bantot ng katabi ko tangina

Alejandra:

Byaheng langit

Akala ko ay isa-isa silang dadating kaya naman ay nagulat ako nang tatlo silang sabay-sabay na binulabog ang bahay namin. Lahat sila ay nakasuot ng pula habang may kinakantang Chinese song na mali-mali naman ang lyrics.

"Kung Hai Fat Choi!" malakas nilang bati kaya napangiwi ako.

Tuwang-tuwa naman si mama dahil kailangan daw ng ingay para mapaalis ang masasamang espirito. Hindi niya lang alam na ang mga kaibigan ko mismo ang mga 'yon.

"'Ga, pakiayos na ang component para makakanta 'tong si Thesalonica!" utos ni mama kay papa. Gustong-gusto kasi ni mama ang boses ni Thesa.

Pinaupo ko sa sofa ang maiingay kong kaibigan. Namimili na ng kanta sa songbook si Thesa habang nakikipagkwentuhan naman si Jach kay Denise. Si Aye, binibida sa'kin 'yung eye wing niyang mas makapal ang nasa kanan. Hindi ko na lang pinuna.

"'Nak, nasaan na daw ang kaibigan mo?" biglang tanong ni papa.

Bumaling sa'kin si Aye, malisosya ang mga tingin. "Sinong kaibigan, Dan?" Natatawa siyang pasimpleng kinurot ni Jach.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon