Chapter 36

59 3 2
                                    

My next days were nothing but the usual. I go to PIAA, to the university for my masterals, minsan sa ArtSoc o kay Tita Aly. This has been my everyday routine for years now. Wala naman akong dapat ipanibago pero alam kong meron. Something has changed, and I knew exactly what it is.

"Ano, 'te? Dadaan ka pa ba dito para alam ko kung kailan ko papalayasin mga customers ko?" untag ni Aye.

Natatawa kong hininaan ang volume dahil pumapailanlang sa buong kotse ang boses niya.

"Oo nga. Magla-lunch muna ako tapos daanan na kita diyan para kunin 'yung order ko," sabi ko.

Nag-order kasi ako ng five boxes ng muffins para sa mga estudyante kong may practicum bukas. I thought I should reward them for always doing a good job in every output and task.

"Shokla ka, pwede naman kasing bukas na lang i-deliver. Ang eme mo, 'te!"

"Full tank ako ngayon. Gusto ko lang magsayang ng gas," sabi ko na lang.

The truth is, I just want to meet a friend and kill my time para pag-uwi ko, makakatulog na lang ako sa pagod. I do every possible thing that can divert my attention. Ayokong nag-iisa ako at maraming time mag-isip at magmuni-muni.

I parked my car in front of an Italian restaurant called Il Sovrano. I already ate here once, and I loved their signature Fettuccine pasta. Mabuti na lang at saktong madadaanan ko. Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng aroma ng Italian cuisines na mas lalo lang nagpagutom sa akin.

May karamihan ang tao dahil saktong lunch time pero mabuti na lang at may mga bakanteng table for two na agad kong inokupahan. A waiter approached me right away, and I just told him the same order that I had the last time.

The waiting time is usually 10 minutes, so I fished out my phone to check some random things. Natigilan lang ako nang may kung anong bumangga sa sapatos ko. Binaba ko ang tingin at natagpuan ang isang laruang sasakyan na de-remote control. Mukhang hindi sinasadyang bumangga sa akin.

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang sinumang may-ari ng laruang sasakyan at hindi nagulat nang may isang batang lalaki ang lumapit rito at agad na kinuha ang pulang toy car. The kid looked at me, bowed a little and just smiled. He did some unfamiliar gestures that I didn't really understand.

Is he saying thank you? Or sorry?

The kid is, I think, around 5-6 years old and is very charming. Maraming bata na akong nakasalamuha noon pa man, sa academy pa lang o sa ampunan. Malapit ako sa mga bata at halos kabisado ko na sila kaya madali kong naunawaang hindi nakakapagsalita ang batang kaharap ko ngayon.

"Eldrich!"

I saw a woman approaching us, looking very worried. Samantala, naiwan ang tingin ko sa batang nagsa-sign language sa babaeng dumating. Maya-maya ay tumingin ulit siya sa akin at ngumiti, mukhang nagpaalam dahil sumunod siya sa isang babaeng naka-uniporme at nakatayo ilang metro ang layo sa amin. Mukhang siya ang nanny ng bata.

"I'm sorry sa bahala. He's apologizing, too," biglang sabi ng babaeng dumating.

"No big deal. Hindi naman siya nakaabala," sabi ko bago nakangiting iniwas ang tingin sa nakalabas ng bata at bumaling sa babaeng kumausap.

Nangunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na babae. She just cut her hair short, colored it hazel brown and... she just aged a bit, but I know it's her. There's no way I wouldn't recognize her.

"Gwen?"

She's Gwendoline Ramos. And wow, she's here... and we met after 7 or 8 years, at the most unexpected time...

Noong una ay mukhang nagtataka siya kung paano ko siya nakilala kaya mukhang sinuri niya ako nang mabuti. Seconds passed and her mouth formed a big 'o'.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon