Chapter 30

61 4 5
                                    

Oh, God. He is here.

Right fucking beside me.

Please, fucking tell me this is not for real.

His set of dark eyes bore onto mine. "Can you excuse me?"

Parang napapaso akong napaatras at tumabi sa gilid. Agad naman niyang inabot ang Gatorade na binili. Pinanood ko siyang swabe itong hinagis sa ere at sinalo rin. Bumalik ang mga mata niya sa akin na nagpahigit ng hininga ko.

Totoo ba 'to? O pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko?

"So, it's really you," he chuckled.

"Akala ko, kamukha mo lang. I almost didn't recognize you."

I don't know, but my heart sank with what he said. The way he talks to me after seven years is so casual like we were only nothing but acquiantances.

"You changed... a lot."

He is really fucking here. Ang laki ng America! Bakit nandito siya sa Las Vegas? Higit sa lahat, bakit nandito siya sa MEG Studio at katabi ko pa?!

Pinaglalaruan mo ba ako, universe?

Hilaw akong napangisi at umiwas ng tingin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa napoprosesong nagkita nga ulit kami matapos ang napakahabang panahon.

"Yeah... life had to change me."

Am I really talking to my ex-boyfriend right now? As in kausap ko ba talaga si Javi Aragonza na sobra kong sinaktan at iniyakan? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung paano. Parang hindi pa pumapasok sa sistema ko. O baka nga hindi na pumasok.

The world can really get this crazy.

"It's offbeat to see you here. Work? Vacation?" tanong niya pa.

Nakakamangha kung gaano siya ka-kaswal. Parang hindi man lang nagulat sa muli naming pagkikita. Parang kung sinong tao lang ako na kaklase niya no'ng elementary.

O baka naman kasi wala na lang ako sa kaniya.

Iyon na nga siguro.

Marahan akong tumikhim bago tipid siyang nginitian. "Pareho. May pinuntahan lang na convention tapos bibisitahin din si Tita Angie..."

Madiin akong napalunok. "Ikaw?"

Napatango-tango siya sa sagot ko. "I just sent my girlfriend here."

Oh.

He sent his girlfriend here...

Girlfriend. May girlfriend na naman pala siya. Kung hindi ako nagkakamali, naka-apat na siya simula nang maghiwalay kami.

Nakakatawa. Alam na alam ko ang mga balita sa kaniya habang siya, muntik pa akong hindi makilala. Grabe. Ang pathetic ko banda do'n.

Pinilit ko ang sariling tumango at ngumiti. "Ah... she works here?"

He smiled and nodded. "Yeah. She's a model."

Of course, his girlfriend is a supermodel. Sino pa ba ang babagay sa kaniya?

He must be in love with her. He sounds happy and proud. He really moved on.

Ako rin naman, naka-move on na pero... hindi ko naman inakalang magkikita pa kami. Sobrang hindi ko inaasahan. Nakakabigla. Hindi ako handa. Kung agad ko lang nalaman ay baka hindi ako mukhang tanga ngayon sa harap niya.

Say something, Dana!

"Uh, I have to go..."

Is this your best? Magpaalam? Tumalikod?

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon