Chapter 06

93 7 15
                                    

"I know what happened there."

Natigilan ako nang bigla na lang magsalita si Aye. Pinanliliitan pa ako ng mga mata na parang nililitis ako sa kasong wala akong ideya. Samantala, naintriga naman si Thesa lalo na si Jach.

"Saan?" tanong ni Jach.

"Beb, you should've texted me! Dadating kami agad nila Thesa para gulpihin 'yung Martina'ng 'yon!" galit niyang asik habang ako naman ay hindi makapaniwalang alam niya ang nangyari noong Martes ng gabi.

"Pa'no ko nalaman? Nag-text si Ken kagabi kung ano'ng nangyari sa'yo do'n. I told him to keep an eye on you pero wala rin palang ginawa ang inutil."

"Sinong Ken?" tanong ulit ni Jach. Si Thesa ang sumagot.

"Bagong jowa niyang taga-Miramont."

"Ex ko na! Bobo siya!"

Bumuntong-hininga ako at maamong tinignan si Aye na hindi pa nakakalma. "Sorry..."

Nagalit si Thesa samantalang nagtampo naman si Jach dahil wala silang alam sa nangyari. Ayun, kinwento ni Aye lahat ng alam niya habang tahimik lang akong pinapakinggan siya. Tama naman ang mga detalye. Sobrang exaggerated lang talaga ng pagkakakwento.

"Ang gago naman ni Jared. Tunganga lang siya, gano'n? As in pinanood kalang niya?" komento ni Thesa bago sumubo ng kanin sa kutsara.

Ako naman ay nawalan ng gana sa baong kanin. Pinaglalaruan ko na lang ang ulam kong maling.

"Ano'ng ginawa ni Jared kinabukasan?" marahang tanong ni Jach.

Hindi ako nakasagot. Gusto ko sanang sabihing ayos na kami ni Jared. Na hinabol niya ako at hinatid pauwi. Na pinuntahan niya ako kinabukasan. Na nag-sorry siya sa akin kahit sa text man lang.

Paano ako makakapagsinungaling kung kitang-kita naman na walang ginawa ang boyfriend ko? Wala siyang ibang naging text kundi ang pagbati sa akin tuwing umaga na hindi ko magawang reply-an. Sa pangalawang pagkakataon ay gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ako kadismayado.

Napahiya ako. Inimbita niya pa talaga si Martina na parang hindi namin siya pinag-awayan. Parang pinabayaan niya na rin ako nang hindi man lang niya ako hinanap o kinamusta. Hindi niya alam na parang tanga akong mag-isa sa kusina at napagkamalan pang kung sino lang na pwedeng utusang kumuha ng yelo.

"Why can't you just break up with him? Halata namang ginagago ka niya," muling sinabi ni Aye. Maagap kong pinunasan ang luhang biglang kumawala.

"Mahal ko kasi, Ye."

I said it like it can justify everything. Napailing-iling na lang si Aye na parang suko na sa'kin, na parang wala na akong pag-asa.

Ang pathetic, 'di ba? Alam ko namang hindi gano'n kaganda ang trato sa'kin ng boyfriend ko pero 'di naman gano'n kadaling iwan siya. Nasasabi lang nila 'yan dahil wala sila sa sitwasyon ko.

Hindi ko kayang matapos kami. Nasasaktan man niya ako pero mahal ko talaga siya.

"Kung ganiyan pala 'yung punyetang pagmamahal, ayoko na lang ma-inlove," sambit ni Thesa at wala ng naging kasunod pa.

Pagkatapos ng lunch ay nauna na akong nagpaalam sa kanila dahil tapos na ang lahat ng klase ko para sa araw na iyon. Tahimik lang naman silang nagpaalam sa akin. Alam kong hindi nila suportado ang relasyon ko kay Jared. Ayaw rin naman nilang kumontra pa kaya hindi na namin ulit iyon pinag-usapan.

Pagkatapos magbihis ay dumiretso na ako sa bahay-ampunan para sa huling araw ko sa buwan na 'to. Sabi sa amin ng isang staff last meeting na ngayon ang huling araw namin sa October. Sembreak na kasi sa October 24 kaya itutuloy na lang ang restoration sa susunod na buwan.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon