Chapter 37

56 3 0
                                    

There are times I feel confident that I know myself very well. Within the past years, I have learned that knowing yourself is one step to practice self-love. So, I do. I know myself the best. And, few are the times that I do not.

But, tonight belongs to the latter.

Ni hindi ko pinag-isipan ang sinabi. Basta-basta na lang akong nagdesisyon. I just faced Javi and directly told him what I impulsively wanted. So, now, I'm seated uncomfortably in his car's passenger's seat, mentally castigating myself.

He didn't say anything ever since he started driving, and I wouldn't want it the other way.

"Are you hungry?"

Mali pala ako. Nagsalita siya.

Kabado, dahan-dahan ko siyang nilingon na diretso lang ang tingin sa daan at seryoso ang ekspresyon. Hindi na nagbago ang ekspresyon niya sa sandaling binanggit ko ang pangalan ni Jared. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko kanina pero huli na. Alam kong hindi siya papayag na hindi namin makita si Jared matapos ang biglaan kong pagbanggit sa kaniya.

I know he now has some ideas that Jared is involved in our break up.

"Hindi..." sagot ko.

Hindi na muli siyang umimik na dapat ipagpasalamat ko pero mas lalo lamang ako nitong pinakaba.

I wanted to scold myself so much. Ni hindi pa nga kami parehong nakakabawi sa komprontasyon kanina tapos dinagdagan ko pa. Pero naisip ko rin, kung hindi kaya ako naging padalos-dalos kanina, mahahanap ko kaya ang tapang na harapin si Jared at ipaalam kay Javi?

Kung hindi ngayon, kailan pa?

It's already past 1 AM, and he's still driving. The said hospital is just within Metro Manila pero medyo may kalayuan sa bahay namin. I'm glad I kept Gwen's card on my wallet dahil naka-indicate mismo ang room number niya, ni Jared.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko nang hininto na ni Javi ang sasakyan—tanda na nakarating na kami sa destinasyon. Nasa tapat namin ngayon ang isang ospital na nasa address.

Sa unang mga segundo ay walang gumalaw sa amin. Saglit akong pumikit at bumuntong hininga.

"The reason why we're here is because..."

Hindi ko magawang maituloy ang sasabihin. Kinakain na agad ako ng kaba at takot at pangamba.

"I don't think I can explain to you everything... I'll just let you hear it from Jared."

Mabuti ng kay Jared niya na marinig. Paniguradong mag-uusap kami ni Jared at hahayaan ko siyang makinig. Sa gano'ng paraan, isahan na lang. Isahan na lang ang sakit.

"I'm sorry for everything..." I told him before I opened the door and went out of his car.

Nauna na akong naglakad papalapit sa entrada ng ospital, kabado, hindi mapakali. Nanlalamig at halos manginig. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya at naramdaman ko ang kaniyang pagsunod.

The security personnel greeted us, and I could only offer a weak and shaky smile in return. Dumiretso ako sa front desk dala ang kabadong ngiti at kalahating kumpyansa.

"Good... morning," alanganin kong bati sa babaeng nasa front desk. Nginitian naman niya ako.

"Good morning, ma'am. How can I help you po?"

I cleared my throat twice, when I felt Javi's presence behind me. I even saw how the staff's eyes widened when she recognized who I am with.

Pasado ala una na ng madaling araw pero may mga tao pa rin sa lobby—mga pasyente, clerks, medical personnels at iba pa. Hindi na ako magugulat kung ilang sandali lang ay dudumugin na ang kasama kong hindi basta-bastang model ng kung anong brand. He's the first ever homegrown Filipino NBA player. He's been on the news way too many times, and it's so reckless of us to have him here without any disguise to cover him up.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon