Chapter 24

74 3 2
                                    

Nang dumating ang araw ng Linggo ay bumiyahe na kami papuntang Quezon Province. Isang linggo kaming mananatili kasama ang mga Pineda dahil bukod sa reunion ay 75th birthday din ni Lola Celia. Uuwi kasi ang iba naming kamag-anak galing abroad.

Maliban sa mga damit ay nagdala rin ako ng art materials para maisalba ang sarili kung sakaling mabagot man ako. Close naman ako sa side ni papa pero hindi naman sobra kaya posibleng ma-bored ako. Medyo hindi rin buo ang loob kong manatili dito nang matagal kasi graduation ceremony ni Javi sa Sabado at may celebration sa residence nila. Sa susunod na Lunes pa yata kami uuwi.

Nang makarating kami sa ancestral house ng mga Pineda ay sinalubong kami ng mga kamag-anak namin. Nauna na pa lang nakauwi ang mga tita at tito naming galing abroad kaya halos kumpleto na kami ngayon.

"Naku, dalagang-dalaga ka na talaga, Dana!" bungad ni Tita Angie sa akin nang makapasok kami sa bahay. Nahihiya akong ngumiti.

"Ang laki-laki na rin nitong si Denise! Parang kailan lang, buhat-buhat pa kita!" baling niya kay Denise na pilit lang na nakangiti.

Sampung taon rin yata o higit pa si Tita Angie sa San Francisco at ngayon na lang uli kami nagkita. May anak siyang halos kasing edad ko lang rin, babae at mas matanda lang siya ng isang taon. Si Gea.

"Lola," nakangiti kong bati kay Lola Celia at hinalikan siya sa pisngi.

Ilang taon nang naka-wheelchaire si lola. Mahina na ang pangangatawan niya matapos ma-stroke. Nahihirapan man ay alam kong naglaan siya ng lakas para ngitian at yakapin ako. I didn't let her lean towards me. Sa halip, ako ang dumukwang para yakapin ang lola ko.

"Da... na..."

Suddenly, I feel like crying. Parang ang tagal na kasing panahon simula no'ng nabisita ko siya at nagkayakap kami lahit lagi naman kaming nagpupunta ng Quezon.

"Na-miss po kita, lola..."

I'm not exactly that grandchild who is closest to her heart, I know, but I remember my young self hanging out and sticking around with her every chance I had.

My Lola Celia taught me so many things... she told me some life advices that I didn't understand back then. I couldn't remember all of it nor if I even applied some, but her words are still something I would forever appreciate.

Her eyes are smiling at me. Due to the stroke she had, she couldn't speak the way she used to, but her eyes spoke more than what her mouth could.

May isang parte sa puso ko ang nasaktan nang maalala ang kaniyang paalala noon. I wanted to tell her about, but it seems like I'm the one who can't speak.

Sorry, lola, I failed to follow your advice. I lost my virginity to my first love but it turned out he is not going to be my last. I love another man now, and I don't regret any of my decisions.

If my lola finds out, I'm sure she will be disappointed, but if there's a chance, I'll make her understand.

People can love whoever they choose to love—it's not limited to one person per life time. And a woman's worth is not measured by her virginity.

Maaaring magkaiba kami ng pananaw pero hindi sapat iyon para mabawasan ang pagmamahal at respeto ko sa kaniya.

Pagkatapos naming magmano kay Lola Celia ay inaya na kaming mananghalian. Palagay ko ay nasa trenta kaming magkakapamilya ang nandito kaya hindi biro ang ingay sa buong buhay. Hindi rin kami nagkasya sa hapagkainan kaya nagpaubaya ang mga dito talaga nakatira.

"Nanaba ka, Dana. May boyfriend ka ba at mukhang may nagpapasaya sa'yo?" sabi ni Tita Lyn. Hindi naman ako gaanong nahiya dahil abala din ang iba sa kaniya-kaniyang usapan.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon