Chapter 25

70 3 5
                                    

Naging masaya ang buong dalawang buwan na walang pasok sa school. Halos araw-araw kaming magkasama ni Javi. Minsan ay namamasyal kami. Minsan sa condo niya. Minsan naman, siya ang pumupunta sa bahay.

I am always at my happiest when I'm with him. And it shows! Kitang-kita sa akin. Palagi akong nakangiti at maganda ang mood. Palagi akong masaya. At isa pa, tuluyan na niyang napagtagumpayan ang misyon sa akin. Nadagdagan ng limang kilo ang timbang ko. And yes, I'm finally free from being underweight. Normal na ang BMI ko.

Nang magpasukan na ay pareho akong masaya at malungkot. Masaya, dahil dalawang taon na lang ay graduate na ako. Malungkot, dahil hindi ko na makikita si Javi sa campus. Pero ayos lang. Hindi naman kailangang lagi kaming nagkikita.

"Hala, Dana, tumaba ka!"

Napangiwi ako sa naging bungad ni Jamie sa akin. Napatingin tuloy ang mga nakarinig at pinasadahan din ako ng tingin.

"Gano'n talaga," sabi ko lang at naupo na. Siya na naman ang katabi ko.

"Iba talaga 'pag nasa tamang tao. Sana all binubusog sa pagkain! 'Yung jowa ko kasi, puro hotdog pinakain sa'kin sa Isabela!"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatakip ang mga kamay sa bibig para pigilan ang paghalakhak. Napatingin ang mga iba kong mga kaklase sa banda namin at ang iba ay natawa.

Nang mag-lunch ay excited akong makita sina Aye. Sabay-sabay kaming manananghalian dala ang kaniya-kaniyang baon sa parehong tambayan. I miss my OG bitches!

"Taray, buntis? Manas at blooming?" bungad ni Aye gaya ng inaasahan ko.

"'Di ba pwedeng binusog lang sa pagmamahal?" sabi ni Jach.

Umarteng nasusuka si Thesalonica. "Kadiri, amputa. Nakakabusog ba 'yon?"

"Oo, boba ka. Laman tyan din 'yung hotdog," sabi naman ni Aye.

Napabuntong hininga na lang ako nang maalala din ang sinabi ni Jamie. Bakit ba laging nadadamay ang kawawang pagkain? Isa lang naman siyang pulang processed food na nagkataong mahaba. Kung buhay man ang nag-imbento ng hotdog, baka na-depress na siya ngayon.

Bumaling sa akin si Aye at sa uri ng tingin at ngisi niya, alam ko na kung tungkol saan ang itatanong niya.

"So, malaki ba?"

Kung anong nangyari sa'min ni Javi sa condo niya, wala akong pinagkuwentuhan. Kung mapupunta do'n ang usapan at kung tatanungan, edi sasabihin. Alangang bigla kong sabihin sa kanila na may nangyari sa amin? Pero hindi ko naman na kailangang sabihin. Si Aye pa ba? Malakas ang radar niya.

"'Yung pagmamahal niya? Oo, sobrang laki at sobrang sarap," inosente kong sagot kay Aye. Humagalpak siya ng tawa.

"Shoklang 'to!" Napangisi na lang ako.

"Masarap ba talaga? Scale niyo from 1 to 10," biglang tanong ni Jach. Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Aye.

"Beb, bata ka pa. Bawal pa 'yun sa 'yo, okay?" pangaral ni Aye na parang nanay siya ni Jach. Ngumiwi lang si Jach, naa-abnormal-an kay Aye.

"Oo, Jach. Masarap 'yon." Napabaling kaming tatlo kay Thesa.

Tinaasan siya ng kilay ni Aye. "Wow? May experience na?"

Humalakhak si Thesa. "Tanga, 'yung hotdog, masarap!"

Iba na ang schedule ng mga klase ko. Tuwing Sabado na ako walang pasok na ikinatuwa ko dahil saktong walang training si Javi every weekend. Training saan? Training sa 3x3 Basketball.

Yes, he made it. He qualified to be the substitute of the supposed team member who unfortunately got into a car accident. My boyfriend is to represent the country, and I've never been prouder!

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon