Chapter 09

82 7 8
                                    

"Guys, wala na bang papers?" Keisha asked, while holding the pile of papers we submitted to her as she was tasked to collect it.

Wala na ngang papel. Tapos na ang lahat magpasa at tapos na rin ang subject na Creativity 1 ni Sir Magdayo na hindi naman sumipot sa unang araw ng pasok matapos mag-resume ang mga klase.

"Dana, may mga naghahanap sa'yo sa labas," sabi ni Jamie sa akin habang nagliligpit ako ng mga nilabas na gamit.

"Sino?"

"Ang gaganda. 'Yun, oh..."

Tinuro niya ang direksyon sa pinto kaya napatingin din ako. Nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nasa pintuan at naghihintay sa akin.

Nakita kong pinagtitinginan sila ng mga kaklase ko, babae man o lalaki. Natural head turners.

Jach is naturally charming, maglalakad na lang ay parang nakangiti pa. With her cute height and mouth corner dimples plus the positive and almost visible aura around her? Didikitan mo talaga ng tingin.

Aye has a set of alluring eyes. Kung ako ay singkit at monolid, siya naman ay bilugan ang mga mata at may magandang talukap. Her full lips are one of her assets, same as her brown hair with natural beach waves.

Pero ang isang bagay talaga na pinaka-asset ni Aye ay ang hourglass body shape niya. Her body is not exactly the slim type. She's a bit malaman, but the curves are to die for. Plus, she's an inch taller than me. She literally look like a morena Latina.

And Thesalonica, my half-Danish friend, totally got the Scandinavian beauty, only that she got her black hair from her mother. She's the tallest among us and has a modelesque physique. She stands out with her edgy fashion sense and style. Lalo ngayon na may red ombre na ang buhok niya.

All in all, ang gaganda ng mga kaibigan ko. Sila lang, hindi ako kasama.

"Hi, Dan. Kamusta naman 'yung Tagaytay?" pambungad ni Aye. Sabi ko na nga ba.

"Ayon, Tagaytay pa rin," sagot ko at nauna nang maglakad. Nagtawanan ang mga baliw kong kaibigan sa likod. Mas pinagtinginan tuloy sila.

"May pa-Tagaytay naman pala! 'Di niyo kaya!"

I knew it. I knew it! Alam kong hindi nila ako titigilan ngayong nagkita-kita na kami.

"Bad trip, 'di nang-aya!"

"Guys, tama na nga 'yan..." saway ni Jach. Thank G—

"Baka mamaya, mag-Tagaytay ulit 'yan!"

Wala na. Wala nang mapili sa kanila.

Hanggang makarating kami ng students lounge ay nagtatawanan pa rin sila at inaasar ako. Alam kong hindi nila ako titigilan hangga't wala silang napipiga sa akin. The remaining days after that Tagaytay incident, I tried my best to avoid them for I know they would bombard me with intriguing questions.

"Okay lang naman mag-Tagaytay basta walang pa-IG stories with S!" Nakikisali na rin talaga si Jach.

"Okay lang may IG stories pero ibang usapan 'pag kay Javi Aragonza 'yon!"

As soon as Aye mentioned his name, agad na napalingon ang mga estudyanteng nakarinig. Napapikit ako sa hiya.

Okay, so here's the story: That day, Javi and I actually went to Tagaytay. We just... talked? We drank coffee... at kumain ng breakfast. Sinulit na rin namin at namasyal nang kaunti. Hindi rin naman kami nagtagal dahil nakauwi na ako sa amin ng alas diez ng umaga.

After that trip, I felt a lot better. I took a lot of photos and posted it in my IG story. Just the sceneries, hindi ako kasama sa mga kuha. But then, Javi also posted short videos clios and one of those has me in it. Nakatalikod naman ako doon suot ang hoodie niya kaya hindi kita ang mukha, pero dahil likas na imbestigador ang mga kaibigan ko, hindi ako nakaligtas sa kontrobersya nila.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon