Chapter 35

54 4 0
                                    

Naunang umuwi si Javi. Hindi na rin kami nag-usap pa. Parang wala na rin siyang balak pang kausapin ako kung hindi kailangan. It is better this way, though. Hindi na ako mahihirapan ngayong parang kusa na siyang umiiwas.

Right. I should be happy about it.

But, that's not what I felt. The next few days, I could really sense that he's distancing himself. He would open the gate and doors for me, but he wouldn't talk. He wound send me snacks but wouldn't talk. This is what I wanted. Now, that he's finally giving me peace, I couldn't feel peacefulness.

Ang gulo ko lang talaga.

"Bukas o sa susunod na araw, matatapos ko na rin 'to," sabi ko nang makapasok sa kwarto niya. Siya naman ay nag-aayos. Mukhang may lakad.

He didn't talk, but I knew he heard me.

I swallowed the lump in my throat. "Wala ka bang... ipapadagdag? O ipapabago?"

What are you doing, Dana? Baliw ka na.

Bahagyang nahiya, tumalikod na ako sa kaniya para hindi makita ang reaksyon niya.

"Wala. Just get it done as fast as you can," he said in a tone as cold as ice.

Napahigpit ang hawak ko sa brush; natigil sa paghinga. Hindi na rin ako nagsalita.

"I'm going somewhere. If you feel hungry, may pagkain sa baba."

And then, he left me, heart throbbing in pain. I should thank him for doing me a favor. I just have to endure two more days. Matatapos na rin ang koneksyon namin.

Kinabukasan, alas kwatro na nang makarating ako sa bahay ni Javi. Hindi ko dala ang kotse ko dahil nasa upholstery pa. Nagulat ako nang makitang may dalawa pang kotse sa garahe. May bisita kaya siya? Malamang, meron.

Kaninang umaga, nag-send ako ng text sa kaniya na baka hindi ako matuloy ngayon dahil pinatawag ako sa office ng ArtSoc Philippines. Hindi ko naman akalaing matatapos din pala agad ang appointment ko doon at may sobrang oras pa. Pinili ko tuloy na dumaan na dito.

Dapat bang tumuloy ako? Paano kung sila Tita Cindy ang mga bisita? Paano kung mga pinsan niya? Bukas na lang siguro.

Ambang paalis na ako nang biglang may lalaking lumabas at pumunta sa isang kotse. Nagulat ako nang makitang si Van iyon. Kitang-kita din ang sobrang pagkagulat niya nang makita ako.

"Dana? Ikaw ba 'yan?"

I awkwardly smiled at him. "Uh... oo. Hi, Van."

His lips parted as his eyes blinked more than three times. He looks really shock to see me here, in his friend's abode. Before he could even conclude something, I made sure to talk first.

"He's my client. May pinapagawa lang na mural sa wall ng bedroom niya," I explained.

Tumango-tumango siya. "I see..."

Pinasadahan niya ako ng tingin. "First time to see you in years. You look... wow."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa papuri niya. Sigurado akong nagulat din siya sa mga pinagbago ko physically.

"You look radiant," he added.

"Thank you. Wala akong pambayad sa'yo, ha," I joked. We both laughed.

"Nasa loob si Javi and Miko. Tara na."

Nang nalamang sila Van at Miko lang pala ang mga bisita niya, bahagya akong nakalma. Hind ko kakayanin kung mga Aragonza ang nandito. Sabay kaming pumasok ni Van sa loob matapos niyang kunin ang charger sa sasakyan. At gaya ng reaksyon ni Van, gulat na gulat din si Miko nang makita ako.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon