Chapter 38

56 3 3
                                    

Days after Javi and I parted ways for nth time, I unexpectedly didn't cry. I didn't shed a tear anymore. It may sound like a lie, but I really didn't. It's like I have fully accepted everything. I have totally accepted that there is no second chance for us.

We still have feelings for each other, but it feels like it's still gonna be complicated if we reignite our love. Broken trusts... shattered hearts... it's just never gonna be the same anymore.

Ayaw kong dumating sa puntong pag-aawayan namin ang parehong bagay. Dahil salungat kami ng paniniwala sa kung ano at kanino ang mas tamang desisyon, tingin ko ay magiging magulo lang. Tingin ko ay hindi namin maiiwasang bumalik sa nakaraan at humantong sa sisihan. Mas lalo lang kaming magkakasakitan.

So, I guess it's not worthy of another try anymore. I think it's better this way. Wala na akong nililihim sa kaniya. The secret has been revealed. And, this is what turned out to be the outcome. Ito na talaga 'yon.

So, I think this is why I didn't cry. I won't say that I'm happy, because I'm not. Nasasaktan pa rin ako pero mukhang nasanay na talaga akong tanggapin at mamuhay nang puro sakit ang nararamdaman. Hindi na ito bago.

"Kailan nga uli iyong pupuntahan mong party? May susuotin ka na ba?" tanong ni mama habang nagluluto ng almusal.

Nakauwi na sila mula Hong Kong noong nakaraang araw pa. Wala akong binanggit na kahit ano sa kanila.

"Bukas, ma. Sagot na daw ni JV ang susuotin ko," sagot ko sabay subo sa pandesal.

Halos mapairap ako nang bigyan na naman ni mama ng pamilyar na tingin.

"Ayaw ba talaga ni JV sa mga babae? Baka naman pwede ka niyang subukan?"

"Ma!"

Nagtawanan naman sila ni papa. Si Denise naman ay tahimik lang sa tabi ko at kunot-noong nakatingin sa cellphone. Pinagkakaisahan talaga nila ako. They think I'm an old maid. Ewan ko ba kung bakit atat na atat silang mag-asawa na ako.

I don't think that's gonna happen anytime soon.

"Hay, nako! Ang hirap-hirap naman kasing pantayan niyang si Javi na ex mo! Hirap na hirap ka tuloy humanap ng kapalit! Bakit ba kasi kayo naghiwalay?"

Napanganga ako sa narinig at muntik pang mahulog ang nginunguyang pandesal mula sa bibig. Nakita kong sinita siya ni papa gamit ang mga mata kaya si mama, mukhang nagsisi sa sinabi.

"'Wag na pala 'yun, 'nak. Habang buhay na yata 'yon titira sa Amerika. Mami-miss ka namin kapag doon ka tumira..." hilaw nitong sabi.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Tama si mama. Nasa Amerika na siya. Nando'n ang buhay niya. Walang rason para bumalik pa siya dito.

He doesn't have any signs of going back. It's been 1 week, but I haven't heard anything from him—hindi sa naghahanap ako. We just didn't communicate at all.

"Hindi na talaga 'yon babalik..."

Kasi bakit at para saan pa?

"Hmm, sure ka? Parang mali ka naman..."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Denise na biglang nagsalita. Pero sa aming tatlo, sa akin lang dumiretso ang tingin niya. Hinarap niya sa akin ang cellphone para ipabasa ang isang article na siya rin mismo ang malakas na nagbasa.

"NBA Player Javi Aragonza, nagretiro na."

What?!

As expected, his early retirement from the NBA created a huge buzz. Javi is currently trending on Twitter, all over my Facebook news feed, the hottest subject of many news portals and even some celebrities posted about his exit in their social media accounts.

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon