Chapter 26

62 3 9
                                    

The night he flew to New York, his family and close friends came to the airport for his departure. Hindi ako sumama. Hindi niya na rin ako pinilit. We knew we would only burst in tears. Baka 'pag yumakap ako sa kaniya, hindi na ako bumitaw. I chose to lock myself in my room and forced myself to sleep.

I woke up around 2 in the morning. Bigla na lang akong naalimpungatan at ang una kong kinapa ay ang cellphone ko sa tabi. Bumungad sa akin ang message ni Javi.

Aragonza ko:

Take care of yourself while I'm not around, love. Please don't be sad, okay? I'll see you as soon as I can. I love you, my Dana Aragonza.

I felt a lump in my throat and chest. My heart was aching as I felt my hot tears cascading down to my face. This is the exact reason why I'm gonna miss him the most. He has always been like this. Masyado na akong sanay sa presensya niya. Sanay akong lagi siyang nakikita.

But, it's his dream we are talking about here. He shouldn't be hindered by what our hearts feel. We'll get through this. Kakayanin namin 'to. Maninibago pero masasanay din ako. Mabilis lang naman ang mga araw. Pareho lang naming hindi mamamalayan.

I never knew I would be grateful for having a very hectic schedule. We got busier then ever in school. We're heavily loaded with school works and requirements. When everybody else is complaining, I could say that I'm the only one in class who loves being bombarded with tasks.

I needed this. I need to keep myself busy and occupied, because it helps me survive a day without seeing Javi. When I'm busy, hindi ko siya gaanong naiisip at hindi ako gaanong nalulungkot. Madalas ay pagod na akong umuuwi sa bahay at natutulog na lang.

The conflict in time zones is really infuriating. Patulog na ako, siya namang paggising niya. Kagigising ko lang, kakatulog niya rin dahil sa pagod sa laro at training. But, we both still find time to talk every day. Since he left, walang araw na hindi kami nagkakausap kahit sandali.

"Ang galing ng Maine Red Claws. Pinahirapan kami..." napapaos niyang sabi at pagtawa.

Napangiti ako at inayos ang pagkakalagay ng phone sa sahig. Nilayo ko ito sa mga lata ng pintura at sa canvas na tinatrabaho.

"Gano'n talaga! Puro na daw kasi kayo straight wins. Para lang daw malaman niyo 'yung feeling ng pagkatalo."

Tumawa pa ako habang tuloy lang ang pagpipinta.

"Oo nga, e. Gan'to pala feeling?" pagyayabang niya.

Kinuwento niya kasi na natalo sila kanina ng Boston. Mabuti na lang talaga at mamayang hapon pa ang pasok ko kaya nasagot ko ang tawag niya. It's 8 AM here while it's 8 PM in Philadelphia. He said he's in his pad now, and he already had his dinner.

"Busy ka?" tanong niya nang hindi agad ako nakasagot. Nag-mix kasi ako ng kulay.

"Ha? No, it's okay," mabilis kong sabi.

Narinig ko ang marahas niyang pagdaing. "This distance is fucking—"

"Fine." Pinutol ko ang sasabihin niya.

"This distance is just fine. Nakakapag-usap pa tayo araw-araw. December na! Oh, 'di ba, ang bilis lang?" pang-uuto ko kahit na ako mismo, naiinis din sa distansya.

"Ano'ng mabilis? Ang bagal kaya ng araw dito. Iba ba araw diyan sa planeta niyo?"

Tuluyan akong natawa sa sinabi niya. Loko-loko talaga siya.

"Oo, kulay green," pagsakay ko na lang.

I heard him heave a heavy sigh. "I fucking miss you, babe. Oras-oras kitang miss."

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon