Chapter 3: Eavesdrop

111 8 0
                                    

"Janine!" isang malakas na sigaw ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog.

Agad akong tumayo sa kama at nanginginig ang mga paa na pumunta sa pinto ng aking kwarto para buksan.

Galit na galit na mukha ni mommy ang bumungad sa akin at ang panginginig ko ay lalong dumoble. Konti na lang ay mapapaupo na rin ako.

Hindi pa ako nakakapgsalita ay lumapad na agad sa pisngi ko ang palad ni mommy.

Nakagat ko lang ang labi at ininda ang hapdi ng pisngi.

"You didn't go to school again! Are you rebelling, huh?!" sigaw nya. Galit na galit at parang konti na lang ay mapapatay nya na ako.

Umiling ako at yumuko. Pinigilan kong bumuhos ang luha galing sa aking mga mata.

"I-i'm sorry, mommy..."

"Sorry?! Matututo ka ba sa kahihingi mo ng sorry kung paulit-ulit mong gagawin ang pag-absent?! Anong gusto mo sa buhay? Manood, magbasa, magkulong sa kwarto mo magdamag? Wala kang kwenta! Napakawala mong kwentang bata! Bakit hindi ka gumaya sa dalawa mong kaibigan? Kay Ishihara!"

Napapikit ako at lalong yumuko. Hindi agad ako natulog dahil nanood pa ako. Talagang may araw na hindi ako nagigising kahit na may alarm. I know it's my fault. I know it's my fault why mom is doing this again. I was being beaten.

Sinisigaw ko lang ang bawat paghampas nya ng sinturon sa akin. In my neck, back, legs, arms. The slap on my cheeks. Ang marahas na pagsabunot sa aking buhok.

Humahangos akong napaupo sa kama at sobrang bilis ng paghinga. I'm sweating bullets and my tears kept falling. My body was shaking.

Lumipas na ang ilang taon pero patuloy akong binabangungot ng nakaraan. Madalas na magising dahil sa mga nangyari noon at umiiyak. Kinalma ko ang sarili at tumingin sa balcony ng kwarto ko. Ang kurtina ay hinahangin at dinig ko ang tunog ng mga punong nagyuyugyugan dahil sa hangin. Madilim pa rin.

Kinuha ko sa side table ang cellphone at tinignan ang oras. Hindi pa tumutunog ang alarm ko. 3:30 AM pa lang at mamayang 4:00 AM pa ang alarm ko.

Mas pinili ko na lamang tumayo at inayos ang higaan. Inayos ko rin ang buong kwarto kahit na hindi naman makalat. Baka biglaang pumasok lang si mommy at ayaw kong may maikagalit na naman sya. Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko.

Halos mga puno at halaman ang nakikita ko at bago pa ang likod ng isang bahay ng kapit bahay namin. Hindi ko kita ang daanan dahil ang kwarto ko ay halos ang kaharap ay likod ng ibang bahay. Ayos lang naman sa akin ito. Gusto ko laging mapag-isa at nakakalma ako sa ganitong tanawin.

Mabuti ay ilang bahay ang pagitan namin sa bahay nina Kendra at Ishihara dahil hindi nila maririnig ang nangyayari rito minsan. Ang mga sigaw ko at malakas na iyak. I looked up at the sky. There are many stars. This is peace... for me.

Kung sana ay huwag na lang lumabas ang haring araw, kung sana lang ay palaging gabi, kung sana lang ay palaging tahimik, kung sana lang ay kaya ko nang mabuhay ng mag-isa, kung sana lang ay mga bituin at buwan ang kasama ko para hindi ko maramdamang nag-iisa ako pero gaya ng kasiyahan ko, panandalian lang din sila. Nandiyan lang sila kapag gabi o minsan ay wala pa nga. Para silang kasiyahan ko na hindi nagtatagal, palaging may dahilan... palaging may nagiging hadlang para hindi maramdaman, para hindi magpakita... And for the sun. And for the sun. I don't want it to come out but I want it because, I know... Someday, my life will be happy. Palaging may susunod na araw... kaya kailangan magpakatatag, dahil hindi lang isa ang araw, maraming mga susunod pa hanggang walang katapusan kaya palaging may pag-asa.

Kahit na puro sakit, inggit, at galit ang nararamdaman ko, balang araw, makakaramdam ako ng ginhawa, ng totoong saya na magtatagal hindi na matatanggal. Kalilimutan ang mga masasakit na alaala.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon