Nakatulala ako sa kawalan habang tumutulo ang luha ko. Nasa emergency room si ate at wala akong magawa. Hindi ako makagalaw nang maayos at hinang-hina ang katawan ko.
Kanina nang makita ko siyang nahihirapan ay nakakapanghina. Ang mga dugo nyang dumadaloy sa sahig. Ang balat nyang namumutla. Ang luha sa mga mata nya pero ang labi nya ay nakangiti habang nakatingin sa amin.
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating ang ambulansiya. Ang kasambahay pa ang humawak sa kambal dahil wala ako sa sarili. Nang maisakay si ate sa ambulansiya ay wala na ako sa sarili at nandito na sa labas ng emergency room.
"H-hon... D-don't give up, please..." Umiiyak na sabi ni kuya habang nakaupo malapit sa pinto ng emergency room.
Si daddy ay wala. Nagpaiwan sa bahay.
Sunod na sunod muling nagpatakan ang luha ko habang iniisip ang nakita kanina. Tinignan ko ulit si kuya. Nakapatong ang dalawang nyang siko sa tuhod at nakasiklop ang mga daliri. Tumutulo ang kanyang luha. Para syang batang inagawan ng laruan. Sobrang gulo pa ng buhok.
Mas lalo akong nasasaktan sa nakikita.
Kalahating oras ang lumipas ay dumating si nanay na nagsimula na sa pag-iyak. Kahit nahihirapan ako ay pilit kong pinalakas ang loob para mapatahan sya.
"C-calm down, nay, please..." pakiusap ko habang humihikbi.
Paminsan-minsan pang tumutulo ang luha ko na agad kong pinupunasan at muling pinapatahan si Nanay. May asthma sya at natatakot akong mahirapan syang huminga sa sobrang pag-iyak.
Ang kwento ni ate sa akin ay muntik nang mawala si Nanay nang iniwan sya ng dating asawa at ni lola. Nang mawala sa kaniya ang taong naging sandalan nya sa lahat.
Kaya nga kahit na minsan ay hindi ko sya gustong paiyakin kahit pa dahil sa kasiyahan. Natatakot akong may mangyaring hindi maganda sa kaniya.
Sumunod na dumating ay sina Leo, Ishi, at Kendra pero hindi pa rin tapos ang ginagawa kay ate sa emergency room.
Nang hindi ko na magawang pigilan ang sakit ay umiyak ako sa balikat ni Kendra na nakayakap sa akin. Si Leo ang umalo kay nanay at nilapitan ni Ishi si kuya.
"Everything will be okay. Hush. Makakaya 'yon ng ate mo. She is strong to fight the problem she faces. She will fight..." bulong ni Kendra sa tainga ko habang hinahagod ang likod ko.
Mas lalo akong umiyak. Basang-basa na ang suot nya dahil sa mga luha ko na ayaw tumigil sa pag hinto.
"Shh.. Everything will be okay... She will fight. She will fight... Shh..." paulit-ulit nyang bulong pero hindi no'n mabawasan ang takot, sakit, kaba at lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Hinayaan nya akong umiyak sa kaniya.
"I-i don’t know what I w-would do if you left, h-honey..."
Kahit na ang nakasubsob ang mukha ko sa balikat ni Kendra ay alam ko kung kaninong boses iyon.
Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na lang ang sarili na nakaluhod sa chapel dito sa ospital. Ang katabi ko ay si kuya Bryce at sa kaliwang gilid ko ay si Kendra na nakaluhod din.
"G-god, please, heal my Meira. I love her so much. I can't afford if I lose her. Give her the strength to fight... H-huwag nyo syang kuhanin sa akin... H-hindi ko kaya... please, God."
Nakagat ko ang labi at isinaisip ang aking dasal pero naririnig ko pa rin ang nagmamakaawang boses ni kuya.
"I-I know I hurt her before. In recent years it has not been enough to get rid of the pain she feels that I have given, so please, heal her. I promise I will be a good boyfriend to her. I will give her everything she wants and needs. Just give her strength so I can be with her again. Please, I'm begging...."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
RomantizmJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...