"I'm sorry but I also can't promise that we won't know each other. Because I can no longer control myself... Kahit na ang dami kong ginawa para pigilan, na kahit ilang buwan kong tiniis ito, hindi ko pa rin nakayang pigilan... dahil hulog na hulog na pala ako."
Suminghap ako dahil sa sinabi nya.
"Noong una ay ayaw na ayaw ko dahil natatakot ako... Natatakot ako sa mga mangyayari. But then, when you said you like me, I tried so hard to avoid you. I said hurtful words. I tried to get mad at you even I really want to hug you and keep you in my arms... And just like that, I hurt you a few times until I realized my mistakes. I shouldn’t have hurt you to hide and suppress my feelings. Noong nakita ko kayo ni kuya na nagyayakapan, gustong-gusto ko syang suntukin. At hinalikan ka pa nya sa noo! Pero sinaktan na naman kita at sinabihan ng masasakit na salita. Paulit-ulit kitang sinabihan na sinungaling dahil ayaw kong lumala ang nararamdaman ko at ayaw maniwala sa sinasabi mo. I'm sorry for not believing you..."
Kusa na lang umawang ang labi ko sa sinabi nya. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa haba ng sinabi nya. Ang hirap iproseso sa utak! Gano'n-gano'n na lang?
Nakailang lunok na ako at wala pa rin akong nasasabi. Naglikot ang mga mata ko na parang may makikitang salita sa paligid.
Pero sa huli ay bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Wala talaga akong masabi!
"Hindi naman siguro required na sagutin iyan..." Nakagat ko ang labi.
Ngumuso sya na parang nagpipigil sa pagngiti o pagngisi.
Umirap ako. Ayaw kong maniwala dahil kalilimutan ko na nga sya tapos bigla syang aamin! Paano kung hindi naman totoo ang mga sinasabi nya? Baka sya itong nagsisinungaling!
"Well, hindi naman, babe."
Back to babe again, huh! Hinayupak sya!
Umirap ako at walang masabi.
"Fine. Aalis na ako," sinabi ko at tumalikod na.
I looked at his hand on my wrist.
"Galit ka pa rin ba?"
Gusto kong umoo dahil totoo naman iyon. Anong akala niya sa galit ko, mabilis mawala?! Tangina ba siya?
"Hindi na," para matigil sya!
Maybe he was just guilty kaya nya nasabi ang mga iyon! Si Luke na playboy, magkakagusto sa akin? Nananaginip lang ako ng gising.
"Are you going to avoid me again?"
"Oh, ba't parang kasalanan ko pa iyan? Sino ba itong nagsabi na tumigil na ako at hindi na sya natutuwa sa mga pinaggagawa ko? At wala naman akong halaga sa kanya at wala syang pakialam sa akin simula nang umamin ako?" sarkastiko kong sinabi.
"Ako?" parang hindi pa siguradong sagot.
Umirap ako. "Alam mo naman pala, eh! Kaya huwag ka nang maglalapit sa akin. Huwag na nating pansinin ang isa't-isa kahit kailan!"
"But I like you..."
"Anong pakialam ko? Hindi na kita gusto!" 'yan ang kasinungalingan!
"I thought you still liked me, Zelle..."
"Akala mo lang iyon! Naka-move on na ako sayo!" sinungaling!
"Bakit?"
Naiirita akong tumingin sa kanya. Anong bakit? Hinayupak na ito! Pasalamat sya kahit nasaktan nya ako ay gusto ko pa rin sya! Talagang gusto ko nang ilayo ang sarili kaya kailangan kong sabihin ang hindi totoo!
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
Storie d'amoreJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...