Chapter 46: Luke

68 8 0
                                    

"Kailan mo sasabihin kay Luke na may anak kayo?" tanong ni ate.

Huminga ako ng malalim at napaisip. Mahigit tatlong taon na ang kambal at wala pa ring alam si Luke. Alam kong nahihirapan na rin si Kuya Bryce sa pagtatago ng katotohanan sa kapatid niya.

"Hindi ko alam... hindi ko talaga alam."

Nilingon ako ni ate. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako ro'n.

"At hindi mo alam kung paano?"

I licked my lip and looked at the twins. Wala naman akong trabaho. Si Kuya Bryce ay nilalaro ang kambal. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung makakaya ko bang dalhin lahat ng ito kung wala sila sa tabi ko.

"Gano'n na nga, ate..." kalaunan ay sabi ko.

"Kaya hindi ka pa handa dahil hindi mo alam kung paano?"

Tumango ako at hindi inalis ang tingin kina kuya.

Ang daming nangyari at maayos naman ang takbo ng buhay ko... namin. Sa kabila ng lahat ay may munting takot pa rin sa puso ko sa tuwing pumapasok sa isip ko si mommy. Iyon ang hindi ko palaging nagugustuhan. Parang may mangyayaring hindi maganda... na si mommy ang magiging dahilan.

Pilit kong inaalis ang kaba at takot sa akin dahil alam kong wala naman akong mapapala sa kakaisip no'n at pilit kong tinatakot ang sarili ko.

"Natatakot ka sa kaiisip na baka galit si Luke at hindi tanggapin ang kambal?" tanong nya pang muli.

Nilingon ko na sya at tinitigan.

Hindi iyon ang kinakatakot ko. Alam ko 'yon sa sarili ko. Dahil kahit na hindi na kami mag kasama ni Luke nang matagal ay nagtitiwala akong matatanggap nya ang kambal namin. Pag sa kambal ang pag-uusapan at kay Luke ay positibong-positibo ang isip ko. Natatakot lang akong baka ako... na baka hindi na ako ang mahal nya.

Ang sabi nya noon ay gusto nya ng kumpletong pamilya kasama ako... Paano kung mawala na ang pagmamahal nya sa akin? Baka ang piliin nya lang ang kambal dahil sya na itong hindi magiging masaya sa akin.

Napailing ako sa naisip.

"Pag-isipan mong mabuti ang lahat, Janine. Tandaan mong mahirap magsisi sa huli. Kung kinakailangang unti-untiin mo sa kaniya ang lahat, gawin mo. Huwag mo nang patagalin pa."

Mahina akong bumuntong hininga.

Iniisip kong hindi na ako ang mahal nya kaya ako natatakot pero alam kong kailangan din sya ng kambal. Mag hihintay na lang ako sa tamang pagkakataon.

Napakasarili ko sa tuwing iniisip na hindi na ako ang mahal nya kaya natatakot ako. Dahil alam kong karapatan ng kambal na makilala ang ama nila. Hindi ko dapat iniisip ang sarili ko dapat ay kasiyahan ng anak namin ni Luke.

Parang pakiramdam ko ay nagiging katulad ko si mommy. Oo at hindi nya naman ako anak pero 'yung ipinapakita, ginagawa o iniisip nya ay parang kapareho ng sa akin. Iniisip ko ang sarili ko kaya ako natatakot. May kambal kami ni Luke at dapat ay alam nya na iyon... dapat sinabi ko na kung hindi ako pinapangunahan ng takot.

Masaya ako sa pagpapalaki sa kambal namin pero alam kong may kulang pa rin lalo na't hindi sya ang kasama ko. Lumipas na ang mahigit tatlong taon... at palaging sarili ko ang iniisip ko. Parang napaka wala kong kwentang ina.

"Alam kong natatakot ka pero isipin mo ang kambal at si Luke, Janine. Oo nga at masaya naman ako dahil kahit papaano ay nakita ko silang lumalaki pero nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong hindi lang dapat kami ang kasama nila. Hindi si Bryce, ako, si nanay, o ang daddy mo ang dapat na kasama mo noong pinagbubuntis mo sila. I don’t blame you about this but please I hope you also think Luke deserves to know about the twins. Wala man ako sa tabi ni Luke o hindi ko man sya nakakasama pero nararamdaman kong nagdudusa sya at kung malaman nya pang may anak kayo ay magiging masakit para sa kaniya."

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon