Napapikit ako nang tumama sa mukha ko ang malamig na hangin at ang sinag ng araw. Ilang segundo ang itinagal no'n bago muli akong magmulat. Narinig ko ang mga tawanan ng ibang tao rito sa resort.
Lumapit ako sa may dagat. Nakatayo lang ako habang nakatingin ng diretso. Hinahayaan kong liparin ang aking buhok ng malamig na hangin.
Ang sabi ko kay Kendra ay ngayong day off ko ay pupunta kami kina Ishi pero maaga akong nagising para magpunta rito sa resort. Nag-text naman ako sa kaniya na rito ako pupunta.
Pumupunta rin naman kami rito nina kuya pero bilang lang sa daliri. Kinausap naman ni kuya ang tito niya na huwag sasabihin ang tungkol sa amin kay Luke. Hinayaan ko lang iyon noon.
Ngayong ako'y mag-isa lang na nagpunta rito at makapag-isip-isip man lang. Alam kong dapat na mag-relax pero hindi rin namang mapigilan mag-isip ng kung ano-ano. Sa kwarto ay mag-isa naman ako kaya malaya akong makakapag-isip. Alam kong walang istorbo. Mamaya rin naman ang uwi ko.
Bumalik ako sa kwarto at nahiga sa kama. Maaga pa kaya nilalamig ako at hindi pa makaligo sa dagat. Basa pa rin naman ang buhok ko dahil naligo ako sa condo bago umalis. Isang pares na bikini ang dala ko at pampalit pauwi.
Pumikit ako ng mariin nang pumasok sa isip ko 'yung mga sinabi ni Luke sa akin. Ilang araw na ang nakalipas nang muli siyang manghingi ng isang pagkakataon. Kinabukasan ay parang hindi ko siya sinaktan. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin pero nasasaktan ko lang siya.
Palagi ko na lang pinapalaki ang simple naming pagtatalo at mauuwi sa sakitan na naman. Kung ano-ano ang mga nasasabi ko. Nasasaktan ko siya, nasasaktan ko ang sarili ko.
Pinahid ko ang luhang tumulo at kahit nanlalabo ang mata dahil may nagbabadya pa ring tumulo ay tumitig na ako sa kisame.
For me to be healed first, I had to hurt him. But will I recover if I hurt him? it hurts me more. We are wounded. I caused so much pain for what I wanted. I’m so selfish because even though I know he’s hurting, I still don’t stop. Is it because I'm scared? Do I really need to rest with him? I know I can but I just don't. I always thought that we would get hurt again and someone would get hurt and die because of me.
Am I the problem? Kasi pinapalaki ko pa imbes na maging masaya na lang ulit kami? Bakit hindi ko magawang alisin ang takot na nararamdaman ko? Bakit palagi na lang akong nagpapatalo sa takot na mayroon ako? Bakit imbes na ang takot ang sukuan ko, si Luke ang sinukuan ko?
I love him but isn’t love enough to fight for how I really feel? Isn’t the love I have enough for the fear in my heart? Am I always going to lose? Why am I so coward? Isn't the pain I'm causing Luke enough for me to give up? I was so tired and I knew he was too. He pretends to be strong because he doesn't want to give up on me.
Gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko para maliwanagan ako nang maayos sa lahat-lahat. Gusto kong ilabas ang puso ko at alisin ang takot na nararamdaman ko. Gusto ko na lang na maging masaya pero hindi ko magawa dahil natatakot ako.
Napatingin ako sa cellphone kong natunog sa side table. Pinunasan ko ang luha ko bago 'yon kinuha.
"Hello?" sagot ko.
"Zelle? Are you crying?" Napabangon ako sa kama nang marinig ang nag-aalalang boses ni Luke. Tinignan ko ang pangalan ng caller at si Luke nga iyon.
"Hello, babe. Answer me. Are you crying? Where the hell are you?"
Tumikhim ako. "I'm not."
"Damn it, stop lying, please."
"Huwag ka nang magtanong kung alam mo naman!" iritado kong sagot.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
RomansaJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...