Chapter 49: Love

70 7 0
                                    

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakaupo sa harap nina Tita Scarlet at Tito Richard. Isang buwan na ang lumipas nang mailibing si ate. Isang buwan na rin nang muli ko silang makita.

Nandito sila sa bahay para tumulong sa kaonting handaan para sa birthday ng kambal. Dapat nga ay hindi na muna maghahanda dahil alam kong hindi pa rin kami okay pero si Kuya Bryce na mismo ang nagpumilit dahil gusto nya raw na maging masaya si ate kung nasaan man ito ngayon. Ang kasiyahan ng mga pamangkin nila ay kasiyahan din nila.

Pumayag na ako para kahit paano ay maituon ang atensiyon sa paghahanda at baka sakaling mabawasan no'n ang sakit na nararamdaman. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay makita sina tita ngayon sa bahay.

Hindi ko naman sila nagawang makausap sa libing ni ate dahil inuwi nila si Kuya Bryce. Pero makalipas ang dalawang araw ay pagkauwi ko galing sa trabaho ay nasa bahay sila at kalaro ang kambal. Nakapag-usap kami pero hindi ko nasabi ang lahat.

Naiintindihan naman daw nila at kung pwede raw ay sabihin ko na kay Luke pero hindi pa ako handa. Hinahayaan ko na lang na dumating ang tamang panahon para ro'n. Kung meron man.

Kinakabahan pa rin ako dahil ilang taon ko silang hindi nakita. Nakokonsensya rin ako dahil tinago ko sa kanila ang kanilang mga apo.

"Ahm, tita... S-salamat po sa iba nyong dala..." nahihiya kong sabi.

Ngumiti si tita sa akin at si tito ay tumango lang.

"Para naman sa mga apo ko 'yon. Kung pwede sana ay igagala namin sila ni Richard para makapag bonding kami. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may apo na ako. Mga apo pala."

"Opo. Pwede nyo po silang ilabas. Sorry po ulit kung nagawa ko silang itago sa inyo."

"It's okay with me and my husband. Ewan ko na lang kay Luke. Sobrang laki ng epekto sa kaniya noong iwan mo sya. Nagawa ko nga ring magalit sayo dahil naiintindihan ko ang nararamdaman ng anak ko pero nawala rin naman iyon. Hindi ako nagtatanim ng galit sa isang tao. Pero sana ay makumpleto na kayo. Mas magiging masaya ako. I know you still love my son. Mag pag-asa pa kayo sa isa't-isa lalo na at may kambal kayo. Handa akong itago iyon sa anak ko pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero sana bago ko pa masabi ay sana masabi mo na sa kaniya. Mas matutuwa ako kung sayo manggaling."

"Thank you po, tita. Salamat po sa pagtitiwala. Nangangako po akong sasabihin ko kay Luke pero hindi ko po alam kung kailan. Malaki na po ang kambal namin at hinahanap na rin nila sa akin si Luke pero nakokonsensya na rin po ako na hindi sabihin sa kanila ang totoo. Magiging masaya sila kung makita na nila si Luke pero wala akong ginagawa para mangyari 'yon."

"Okay lang. Don’t put too much pressure on yourself. Huwag mong mamadaliin ang lahat para maging smooth ang kalalabasan. Basta ihanda mo ang sarili mo."

"Opo. Salamat po ulit sa inyo. Nahihiya pa rin po ako dahil sa mga nagawa ko. Pati si Kuya Bryce ay nagawa rin itago ito sa mahabang panahon."

"Shh. It's alright. We understand. Masaya kami na nakilala namin ang mga apo namin. N-nawalan man ng isa, at least ay may kambal pa rin kami."

"Kamusta naman po si Kuya Bryce kapag nasa inyo?"

"Ayun. Parang walang nangyari. Palaging trabaho bahay lang. Hindi pa rin ako nakakampante kaya hindi ko sya hinahayaan na umuwi sa condo nya dahil baka kung ano pang mangyari. Kung maaari ay sinasabihan ko na bisitahin nya ang mga pamangkin na ginagawa naman nya. Inaalagaan ko sya sa bahay at hindi ko nga lang masyadong makausap nang maayos dahil nasa bahay din si Luke. Isa pa ang lalaking iyon, hindi ko alam kung bakit nagalit sa kuya nya."

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon