"Kuya Ashi, may natawag sa cellphone mo!" sigaw ko at ginala ang tingin sa buong sala ng bahay nila.
Tulog pa si Ishi at si Kendra ay nasa bahay nila. Wala naman si mommy at maagang umalis kaya maaga rin akong pumunta rito kina Ishi dahil ayaw kong magkulong sa kwarto at tinatamad din naman akong manood ng movie.
Tinignan ko ulit ang cellphone ni Kuya Ashi na nasa lamesang kaharap ko. Kanina pa iyon nagri-ring at si Kuya Ashi ay umakyat sa kwarto nya, may gagawin lang daw.
"Answer it, Janine! Please tell the caller I'm busy!" sigaw nya pabalik galing sa kwarto nya.
Nag-aalinlangan pa akong tumayo sa kinauupuan para abutin ang cellphone nya na patuloy ang pag ring.
"Vein..." I read the caller's name.
I bit my lip before answer it.
"How dare you, Ashi?! Kanina pa ako tawag nang tawag sayong gago ka! Huwag mong sasabihin na—"
"Hello..." pagputol ko sa sigaw nya sa kabilang linya.
Natigilan naman sya at ilang segundong hindi nagsalita. Grabe naman 'to, OA.
"Uhm, who are you?" Lumamig ang boses nya at wala nang bakas ng galit. Hindi katulad kanina na masisira ang eardrums ko sa sigaw nya.
"I'm Janine. Busy raw si Kuya Ashi," sabi ko.
"Kuya?"
"O-opo. I'm his little sister's bestfriend."
Natahimik ulit sya sa kabilang linya.
"Where's Ashi?"
"Nasa kwarto nya po, kuya... Busy raw kaya ako ang pinasagot nya sa tawag mo... para sabihing busy sya."
"Oh, tell him call me when he's not busy anymore. May atraso pa sya sa akin."
Nakagat ko ang labi at medyo natakot. Grabe naman 'to!
"O-opo, ku—"
Nabitin sa ere ang sinasabi ko dahil bigla nyang pinatay ang tawag. How rude!
Medyo nairita ako sa ugali ng lalaking 'to. Vein! Yeah, I remember, Vein nga ang nabasa ko sa caller.
"Sinong tumawag?" tanong ni Kuya Ashi nang pababa na sya.
Sandaling dumaan ang tingin ko sa katawan nya. He's tall and masculine. Tanging short lang ang suot kaya kita ko ang mapuputing dibdib nya at medyo natulo pa ang pawis galing sa leeg pababa sa abs nya. Ang buhok nya ay bahagyang magulo at basa dahil sa pawis.
Nag-iwas ako ng tingin at napalunok ng bahagya dahil sa hiya.
"U-uh, V-vein po ang n-nakalagay..." Napalunok ako dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.
Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay kapag nakikita ko syang topless. Lalo na at natulo ang pawis sa katawan nya. Nakakailang at hindi talaga madaling alisin ang tingin kapag nakikitang gano'n. Kaya naging crush ko sya noon, eh. Dahil sa gwapo, ideal man at mabait pa...
Kaya ngayon nagdadalaga na ay nag-iiba na talaga ang takbo ng utak ko. Pati ang mga pagkakagusto sa isang tao.
"Oh, that asshole," rinig kong sabi nya at kinuha ang cellphone sa lamesa.
Umupo sya sa kaharap kong sofa at nagkalikot ng cellphone nya.
"What did he tell you?"
Inangat nya ang tingin at nagtama ang mga mata namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/283157542-288-k253846.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
Roman d'amourJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...