"Pauwi na ako, ate," sagot ko sa tawag.
Inipit ko sa tainga at balikat ang cellphone at inayos ang mga gamit ko.
"Oy, Janine, una na ako."
Tumango ako sa katrabaho at nginitian.
"Gutom yata si Riane. Bumili ka muna ng pagkain nya bago ka umuwi," sabi ni ate.
Natawa ako. Inayos ko naman ang sarili.
"I will. Aalis na ako. Dumating na ang papalit sa akin."
Ibinaba ko na ang tawag nang makapag paalam na.
Nakipag-usap pa ako sandali sa mga bagong dating bago tuluyang umalis. Malapit lang naman sa ospital ang cafe nina Kendra kaya nilakad ko na lang.
"Aga mo ngayon, ah," sambit ni Kendra nang makalapit ako sa counter. "Hindi overtime?"
Sinabi ko ang bibilhin bago sya sinagot. "Kaonti lang naman ang pasyente, eh."
Pinaintindi nya ang mga order ko sa empleyado nila at pumasok kami sa opisina.
Naupo ako sa sofa. Napapikit ako at naramdaman ang pagod.
"Si Leo?" tanong ko.
"Nasa kitchen."
Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago lumabas sa opisina at kinuha ko na ang binili para sa kambal.
"Mommy!" Tumakbo palapit sa akin si Riane nang makita ako.
Lumuhod ako para mapantayan sya at mayakap.
"Hello, baby." I kissed the top of her head. Lumapit din sa akin si Jander na hinalikan ko naman sa pisngi.
"Let's go. May pasalubong ako sa inyo." Inalalayan ko sila palapit kina ate. Naupo naman sila sa upuan habang inaabangan ang ibibigay ko.
"Sabi ng tita mama nyo, gutom ka raw, Riane, kaya bumili ako ng pagkain para sa inyo."
"Y-hay's from yiya ninang ganda's cafe!" Bumungisngis si Riane at nilabas ang binili ko para sa kanila.
Umoo ako sa kaniya bago sila bigyan ng paborito nilang cake na gawa ni Kendra. Bumili rin ako para kay ate at nanay. Sabay-sabay namin kinain ang binili ko.
"Nakausap mo na ba ang daddy mo?" tanong ni nanay. "Nagtatanong kung kailan daw kayo bibisita sa kanila."
"Next next week pa po siguro."
"Okay."
"Bryce! Anong nangyari diyan sa mukha mo?" nag-aalalang tanong ni ate kay Kuya Bryce na kapapasok lang sa bahay.
Napatigil tuloy ako sa pakikipaglaro sa kambal para tignan ang mukha ni kuya. Putok ang labi at namamaga ang kanang mata. May pasa sa kanang pisngi. Napatayo ako at nagtatakang tumingin sa kaniya.
"Nakipag-away ka, kuya?"
Tumingin sya sa akin at tumawa. Tumawa sya habang hinahalik-halikan ang likod ng palad ni ate na humahaplos sa mukha nya.
"A-ah, no. Someone just got mad at me."
"Bakit naman? Ano bang ginawa mo?!" halatang inis na sabi ni ate.
Tumawa sya ulit. "'Yon na nga, eh. I don't know why he got mad."
"Masakit ba?" tanong ni ate at patuloy sa paghaplos sa mukha ni kuya.
Naupo ako sa sahig at nilaro ang kambal. Hinayaan ko na lang si ate at kuya.
"Yes. It hurts, honey," rinig kong sabi ni kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/283157542-288-k253846.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
Storie d'amoreJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...