"May gagawin ka mamaya?" ulit na tanong ni Luke.
Tumango ako at nag-iwas ng tingin.
"Maraming gagawin kaya... baka hindi na tayo makapag-usap pa."
He sighed and maneuvered the car.
Hinawakan nya ang isa kong palad habang ang isang kamay nya ay nasa manibela.
Nakagat ko ang labi habang hinahaplos nya ang likod ng palad ko. Hindi na kami nagsalita hanggang sa makarating sa school. Binitawan nya na ang kamay ko kaya nag-ayos na ako.
"Don't..." aniya.
Hinarap ko sya at nanatiling bukas ang pinto ng kotse nya dahil lalabas na ako.
"Don't get out of the car until we're okay."
I licked my lips.
"We're okay, Luke."
"We aren't! You're mad at me, Zelle!"
Pumikit sya ng mariin dahil napalakas ang boses. Hindi ko naman pinakitang galit ako dahil hindi talaga. Tampo lang siguro. Dahil sa mga naiisip.
"Hindi naman ako galit, Luke. Wala ka namang ginawa para magalit ako."
"It's about yesterday, right? I'm sorry for not thinking myself. I was just..." He sighed.
"Ayos lang naman, Luke. At naiintindihan ko dahil kahapon ay naging busy rin kami sa room..."
Tumango sya at inabot ang kamay ko. Lumunok ako. Hindi pala ako sanay kapag ganito kami pareho sa isa't-isa. Parang mas gusto ko na ako pa ang dumidikit sa kanya at nawawala ang hiya ko.
Naging maayos naman na dahil napilit ko syang hindi ako galit. Hinatid nya pa ako hanggang sa labas ng room. Nandoon na si Kendra at may kausap na kaklase namin.
Si Leo ay sinalubong ako at nakita nya raw kami ni Luke. Balak pa akong daldalin pero umiwas ako at naupo sa tabi ni Kendra. Wala pa si Ishi na kasabay na si Vein.
Nagkukuwentuhan kami ni Kendra dahil wala pa ang ibang mga kaklase namin. Maingay at magulo. Si sir ay nasa faculty siguro at kasama ang ibang mga teacher.
Dumating na sina Ishi na tumabi sa amin. May naglalabasan pa sa room. Nagsimula na at puro mga laro. Hindi naman ako sumali sa kahit anong laro. Nagbigayan na rin ng mga regalo.
Ang natanggap ko ay mug. Ayos sana kaso palaging mug ang nakukuha ko tuwing Christmas party namin. Noong nakaraang taon ay pulang mug na may kaliitan. May kasamang maliit na kutsarang puti, matigas basta iyon.
Nailing ako at natawa. Kumain pa kami at may regalo rin si sir para sa amin. Iyon ay 'yung pinag-ipunan naming lahat noong nakaraan. Si sir at ang President pati secretary ang namili.
Parang tuwing sa birthday-an ang lalagyan. May mga candy sa loob at ang bracelet na may krus pati iyung mga bilog-bilog. Kulay violet ang sa akin. Sinuot ko iyon katulad ng iba kong kaklase.
Luke:
Wait for me.
Basa ko sa text ni Luke. Kaya sinabi ko kay Ishi na amy pupuntahan ako. Si Kendra naman ay uuwi na at pagod daw.
Nang mawala sila sa paningin ko ay pumunta ako sa room nina Luke. Maraming mga estudyante sa daan at maingay. Kakaonti na lang ang tao sa loob ng room nina Luke. Anim na babae kasama ang teacher nila at anim na lalaki kasama na roon si Ken at Johann. Si Luke ay nag-aayos ng upuan. Humalukipkip ako sa hamba ng pinto at pinanood ang bawat galaw ni Luke.
Kahoy ang upuan at kapag ako ang nagbubuhat ay nabibigatan ako pero kay Luke ay parang wala lang ang bigat. O sanay na sya kaya ganoon?
May ilang nakasilip sa bintana at sa tabi ko. Sumimangot ako nang makita ang isa nyang babaeng kaklase na lumapit sa kanya. Matamis na ngumiti si Luke sa kaklase nya at may sinabi. Hindi naman nalalayo sa kanila kaya pansin kong namula ang babae at kinilig.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
RomanceJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...