Chapter 56: Chance

59 7 0
                                    

Sinusuklay ko ang buhok ko nang bumukas ang pinto. Nagtama ang tingin namin ni Luke.

"Why are you here?" malamig kong tanong.

He smiled. Nag-indian sit siya sa sahig habang nakatingin sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Zelle..." marahan niyang tawag sa akin pero hindi ko siya tinignan. "... I miss you," he almost whispered.

I cleared my throat. Hindi ako umimik at umastang hindi ko siya narinig.

"Is he... your... boyfriend?" he asked.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"That Lucio. Boyfriend mo ba siya?"

"What do you care?" patuloy ko.

"Mahal kita, Zelle. Sobrang mahal kita. I want to be selfish. Kung siya na ang mahal mo, hindi ko siya hahayaang makuha ka niya sa akin."

Tumingin na ako sa kaniya. "Bakit? Sa 'yo ba ako? Sa 'yo pa ba ako? Hindi naman na, ah, kaya wala ka nang karapatan pa sa akin, Luke. Hindi ako sa 'yo kaya walang halaga ang mga gusto mo para sa akin. Tapos na tayo."

He chuckled. "And you think I'll let you get away from me, huh, Zelle? You're mine. You're just mine. I'm the only one who can own you. Always. And. Forever."

Umirap ako at tumayo.

"Hangga't hindi ako sumusuko ay hindi pa tayo tapos. Mananatili kang akin kahit pa magmahal ka ng iba."

Hinarap ko siya ngayong nakatayo na siya. "Sabihin mo sa akin kung paano kita mapapasuko? Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko? Ayoko na sa 'yo. Hindi na kita mahal. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. Hindi na ako natutuwa."

Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong tumingala sa kaniya para matignan siya sa mga mata. Napasinghap ako at napahawak sa dibdib niya nang hinapit niya ako. Sa higpit ng hawak niya ay hindi ako makaatras.

"Kung paano ako mapapasuko?" bulong niya sa tainga ko. Napalunok ako. "Tsaka lang ako susuko kapag wala na akong pagmamahal sa 'yo at 'yon ang hinding-hindi mangyayari... dahil habang buhay kitang mamahalin. Remember this, Zelle. If I see you kiss him or that man kisses you on any part of your body or even just the cheek. You will beg me. I promise you that," mariin niyang bulong at pinakawalan ako.

Halos hindi ako makatingin sa kaniya.

"I love you, Zelle. Take a rest. And don’t try to meet that man later. Don't try me. Iba ako magalit."

Dahil matigas ang ulo ko at gusto kong sumuko siya ay nagpakita pa rin ako kay Mark. Hindi ko na hinintay ang text niya at pumunta sa kaniyang unit. Sarado naman ang kina Ishi. Mamaya na lang siguro kami pupunta.

"Parang bad idea yata 'to!" singhal ko.

Tumawa siya. "Ayos lang iyan."

"Anong ayos? Ayos talaga kapag nabugbog ka!"

Hindi pa nangyayari ay kinakabahan na ako.

"Ayos lang talaga," sarkastiko niya nang sabi.

Umirap ako at sumandal sa backrest ng sofa.

"Nagluto ka na ba? Gutom na ako. Hindi talaga ako kumain para lang pumunta rito. Gusto ko siyang galitin."

"Ang hilig niyong galitin mga boyfriend nyo tapos ako masasaktan sa mga galit nila. Nakapagluto na. Ang kambal?"

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon