Chapter 65: Life

72 7 0
                                    

Isang minuto ko pa siya tinitigan. Kung tutuusin ay kaya kong sagutin iyon nang walang pag-aalinlangan o ano pa man pero dahil sa gulat at sitwasyon ngayon ay hindi agad ako nakasagot.

"If I marry you... will you stop being jealous if you see me with Mark?" I asked.

"I can't say for certain right now, but I'll try to understand. Just don't let him touch you. I can't promise that I will stay calm and allow him to do whatever he wants to you. Makipagtawanan ka o makipag-usap, huwag ka lang magpahawak. I will also control myself to avoid doing anything foolish."

"Then, I'll marry you. Pero bawas-bawasan mo 'yang pagiging seloso mo. Wala ka namang dapat ikaselos, eh."

He smiled and kissed the bridge of my nose. "I’m a selfish guy, Zelle. I love you so much that I feel jealous of my brother even though he always does it to help you. I want you. Alone." He wiped my tears. Hinawi niya rin ang buhok na nakaharang sa mata ko. "I am very fucking possessive when it comes to you. I can't help it. I'm just afraid I might lose you again. I can't promise anything but trust me when I say I will love you forever, I'm in love with you forever. I will never be afraid to take a risk just to be with you again."

He interwined our fingers. "Mahal na mahal kita, Zelle. You are my life... I can't live without you. And I don’t want to lose you. As long as you're with me, I'll be happy to live. Alam kong hindi natin maiiwasan ang mag-away pero sana huwag humantong sa hiwalayan. Gusto kong sabihin mo lagi sa akin kapag may problema. Walang matutulog kapag magkaaway tayo. Ayusin muna natin para kapag nagising ay maganda ang bungad ng umaga para sa atin."

I can't help but to chuckled. "Tapos ikaw itong hindi magsasabi sa akin," biro ko.

He pouts and kisses the side of my lips. "Susubukan kong huwag solohin. Kasi... natatakot din ako na baka para sa 'yo maliit lang 'yon at pinapalaki ko lang."

Pinitik ko ang tungki ng ilong niya. "Silly. Of course you should tell me how you feel. I deserve to know your pain. Hindi naman ako magagalit kahit pa maliit lang 'yung problema. Dahil ang maliit, lumalaki. Kaya hangga't maliit pa, solusyunan na."

He smiled. "Ang swerte ko dahil akin ka. Hindi ako nagsisi na sinabayan ko ang kalokohan mo noon sa akin. Kahit pa nasaktan din kita. Handa akong masaktan basta sa huli ay maging akin ka."

Ngumuso ako. "Anong kalokohang pinagsasabi mo? Napaka bait ko kaya noon," giit ko. "Ikaw napaka playboy mo. Makikipag halikan ka kung kanino mo gusto at kahit saan!"

He chuckled. "I still remember how close we became to each other. You commented on my profile, babe. Hinding-hindi ko 'yon malilimutan dahil doon ay tuluyan mo nang nakuha ang atensiyon ko. And about that kiss... let's not talk about it."

Sumimangot na ako. "Ang tanda ko ay wrong comment 'yon! Ang assuming mo masiyado kasi, eh!" agap ko kahit na para sa kaniya naman talaga 'yon.

"Hindi ako naniniwala, Zelle. Alam kong para sa akin iyon. Alam ko naman talagang gusto mo ako, eh. Napilitan pa akong gawin kang kaibigan noon tapos umamin ka bigla na gusto mo ako."

Hinampas ko siya sa dibdib. Hinuli niya ang kamay ko bago niya ako niyakap.

"Oo, tapos ikaw, feeling close ka masiyado at manyak ka na! Kaya hindi rin ako naniniwalang wala kang nararamdaman sa akin!"

"Babe, ikaw kaya ang feeling close sa akin. Hindi ako manyak. Sadyang napansin ko lang ang pader sa harap mo."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ulit kaya humalakhak siya.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon