"How are you feeling? May masakit po ba sa inyo?" tanong ko sa isang pasyente habang inaayos ang kaniyang dextrose.
"Ayos lang... ako. Medyo... nakakaramdam... lang ng... antok..." patigil-tigil niyang sabi at mukhang nahihirapan.
Tumingin na ako sa kaniya at ngumiti kahit na may suot naman akong mask. Tumango ako bago magpaalam.
Dahil mainit sa kwartong iyon at hindi naman malakas ang electric fan ay pawisan na agad ako nang makalabas. Dumiretso ako sa nurse station.
May isang oras pa bago ang break namin. Natignan ko na rin 'yung ibang mga pasyenteng naka-assigned sa akin. Wala namang masiyadong ginagawa at hindi naman na ako nahihirapan pa. Kapag sa may ooperahan o sa mga maglilinis nang maraming dugo sa katawan lang talaga. Minsan kasi kapag ganoon ay naalala ko 'yung mga dugo ni ate kaya natatakot pa ako. Mabuti na lang ay nakokontrol ko pa ang sarili na maging maayos para magawa ang trabaho.
Handa na ang ngiti ko nang makitang tumakbo palapit sa akin si Riane na kasunod ang kuya niya pero naging pilit na lang nang makitang kasama ang ama nila.
Ilang linggo na noong tuluyan akong sumuko sa kaniya pero katulad ng sinabi niya ay hindi sya titigil. Hindi ko na nga lang pinapansin maliban na lang kung kasama namin ang kambal. Wala rin naman ako madalas sa condo dahil nasa trabaho. Kapag day off lang talaga.
"Baby..." I hugged Riane and Jander and kissed their foreheads.
"Hi po, mommy! We brought your food po!" Riane giggled.
Ayaw na ayaw niya talaga na kumain ako ng pagkain sa canteen kaya nagdadala pa tuloy. Mas lalo niyang nagustuhan iyon dahil kasama si Luke kapag nagdadala. Lumabas kami at pumasok sa kotse ni Luke. Doon pa kami sa cafe kakain para makasama raw ni Riane sina Kendra. Dahil si Ishi naman ay may trabaho pa't didiretso kaagad sa condo ni Vein ay hindi niya nakikita si Luke. Unless kung magkasalubong sila. Hindi rin naman siya hinahayaan ni Vein na lumabas mag-isa.
"Tita ninang!" Riane shouted when she saw Kendra.
Agad namang tinigil ni Kendra ang ginagawa para salubungin si Riane at niyakap bago binuhat.
"Hello, baby kong maganda na nagmana kay tita ninang ganda!" Sabay silang bumungisngis ng anak ko.
Napailing ako at inalalayan si Jander maupo. Inayos ko na rin ang lunch ko. Sobra-sobra dahil mayroon din sila rito para magkasabay kami.
"Hi, Luke! Hindi ka nila kasama kahapon."
Sumulyap ako kay Luke na nakangiti at kinuha si Riane kay Kendra.
"May ginawa lang kaya hindi nakasama, Kendra."
"Oh, kaya pala!"
Nakiupo rin sa amin si Kendra. Hindi naman kami um-order pero may cake para kay Riane at Jander. I don't like sweets too much.
Nagsimula na kaming kumain. Si Luke ay sinusubuan si Riane at si Jander naman ay kusa nang nakain ng kaniya. Riane is really clingy to her father. Simula nang makilala niya si Luke ay hindi siya halos lumayo sa ama. Kailangan pa ng matinding explanation para lang magawa ni Luke ang trabaho at hindi makikita ang kambal. Iiyak nang iiyak si Riane.
"Hindi mo ba tutulungan si Leo?" tanong ko habang nakain kami. Siya naman ay nainom lang ng frapped.
"Kaya niya na 'yon. Atsaka alam naman niyang nandito kayo kaya payag siyang dito muna ako." She smirked.
"Whatever," sabi ko na lang.
"Nga pala, kailan day off mo? Gusto kong mag-relax."
Tumingin ako sa kambal na naglalaro na sa mini playground dito sa cafe nina Kendra.
![](https://img.wattpad.com/cover/283157542-288-k253846.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
Roman d'amourJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...