Chapter 40: The truth

81 7 0
                                    

"Sayang. Ilang buwan pa hihintayin ko..." sagot ko kina Ishi sa kabilang linya.

Tumawa silang dalawa.

"Ilang buwan na lang naman. Magpakita ka na kasi para hindi mo kami ma-miss ng sobra," rinig kong sabi ni Kendra.

Ngumuso ako.

"Ayoko nga, eh. Wala ako sa mood makita mukha nyo," amin ko sa kanila.

Ishi scoffed. "Wow. Kapal ng mukha mo, ah."

Kung nandito sya sa harap ko baka batukan ko na sya.

"Nagsasabi ako ng totoo, 'no! Miss ko na kayo pero ayaw ko talaga makita ang mga mukha nyo. Dumadaan pa nga lang sa nf ko mga picture nyo, naiirita na ako, eh!"

"Gago 'tong si Janine! Akala mo ba ikaw lang naiirita sa mga pagmumukha namin? Siyempre, nakakairita rin mukha mo!"

Umirap ako sa sinabi ni Kendra.

Totoo talaga na ayaw kong makita mukha nila. Basta kapag nag-aaya na mag-video call ay ayaw ko. Basta sa call lang ang gusto ko.

"Pero kamusta ka naman diyan? Kayo ni Luke? Break na ba kayo?"

Napairap ulit ako. "Eh, kung sapakin kita, Kendra? Inggit ka lang kasi wala kang jowa, tapos ako engaged na!"

Tumawa sila sa kabilang linya.

"Yabang, ah! Sana ol!"

"When kaya?" si Ishi.

"Ah, wait, lang. Tatanungin ko si Vein kung kailan sya mag-po-propose sayo."

Natahimik sya. Si Kendra naman ay tumawa.

"Woah! Tanga ka talaga, Janine! Inaaway mo si Hara! Kapag ito, umiyak! Lagot ka kay tito!"

"Tangina mo! Hindi ako sumbungera! Anong tingin mo sa akin? Bata? Gago!"

Ako naman ang tumawa.

"'Di ba baby ka? Baby ni Vein!"

Humalakhak ako sa sinabi ni Kendra.

"Oo, tapos ikaw baby damulag," si Ishi na gumaganti sa pang-aasar ni Kendra.

Natawa ako at nailing. Kung nag-uusap kaming tatlo ay palagi pang nag-aasaran at doon nauubos ang oras namin.

"Ha! Porket may babe at baby kayo, ginaganiyan nyo na ako! Sana pinatay nyo na lang ako!" pagdadrama ni Kendra na hindi namin sineryoso.

Napatigil ako sa pagpupunas ng pawis nang makita si Tita Janice sa sala katabi si Ate Meira. Si mommy at daddy ay kaharap nila. Kumunot ang noo ko.

Pagod ako at wala akong oras para marinig ang mga sasabihin ni mommy na mga wala namang kwenta.

Pero bakit nandito si Tita Janice? First time ko syang makita rito sa bahay kahit matagal nang nagtatrabaho rito si Ate Meira.

"Hi, Janine."

Nakangiti sa akin si Tita Janice. Ngumiti rin ako at bahagyang lumapit sa kinauupuan nila.

"Hi, 'Nay."

Tumingin ako kina mommy. Si daddy ay mukhang gulat pa na ewan at si mommy ay galit. Ano bang bago? Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na palagi syang galit at minsan ay bigla-biglang nagwawala.

"Good eve, dad," sabi ko kay daddy at humalik sa pisngi nya.

"Anong meron?" tanong ko at binaba ang bag sa isang sofa.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon