Chapter 35: Friendship

63 7 0
                                    

Wala naman naging problema sa mga nagdaang araw. Kami ni Luke ay madalas lang mag-usap at kung minsan ay sa text na lang. Masaya naman kami kahit na minsan ay video call lang. Naging busy na rin naman din sa school at maraming mga activity.

Umuwi si Tita Irisha sa Pilipinas dahil namatay ang lola ni Ishi. Kaya muling lumungkot ang bahay. Napalapit na rin naman ako sa lola ni Ishi noong madalas kaming pumunta roon noon para mag bakasyon. Tatlo o apat na taon na yata noong huli akong pumunta roon. Nakikita ko naman ang lola ni Ishi kapag nakaka-video call nila at sa mga okasyon.

Alam nya na rin ang sakit ng daddy nya kaya halos hindi nya na kami pansinin. Pero bumalik din naman agad sa dati. Hindi naman nagtatagal ang mga tampo namin sa isa't-isa kaya maayos na.

Habang wala si tita ay kaming tatlo ang nag-alaga kay tito. Isang buwan mahigit sa Pilipinas si tita. Naging simple na nga rin ang birthday ni Ishi at hindi pa nya gusto na i-celebrate dahil sa pagkawala ng lola nya.

Si tita at Ishi ang sobrang naapektuhan na kahit ilang buwan ang lumipas ay dala-dala pa rin nila ang sakit. Pero hindi naman nila nakakalimutan na alagaan si tito kahit na minsan ay wala sila sa mood.

Kaya kami lagi ni Kendra ay tumitingin sa kanilang tatlo. Pinapagaan namin ang mga loob nila. Pero kahit na ipakita nilang ayos sila, nahahalata pa rin ang sakit.

Napunta rin dito si Kuya Ashi kaya kahit paano ay pansin na ang pagiging maayos nina tita.

Lalong naging mahirap ng sumunod na mga taon para sa akin dahil sa pag-aaral. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang kursong kinuha. Napilitan lang ako dahil na kahit malayo kay mommy ay nagagawa nya pa rin akong pasunurin sa mga gusto nya kahit na ayaw ko.

"Hi, 'Nay..." sagot ko sa tawag ni Tita Janice.

Hindi ko rin naman sila madalas kausap ni Ate Meira. Pero kung mag-uusap kami ay siguradong maraming mga sasabihin at matagal bago matapos.

"Kagigising mo lang?" mahina nyang tanong.

Tumango ako kahit wala sya sa harap ko. Humikab ako at kinusot ang mata.

"Hindi pa po kayo tutulog? Magpahinga ka na po," sabi ko.

"Naku, ayus lang? Na miss na kita, eh! Hindi ka naman busy, 'di ba? At dalawang buwan na tayong hindi nakakapag-usap, Janine..."

Tumawa ako dahil totoo naman iyon. Marami ang palaging ginagawa sa school. Kahit nga si Luke ay hindi ko na rin madalas makausap dahil pareho kaming busy. Napangiti ako sa naisip. Ilang taon na rin ang nagdaan pero patuloy pa rin ang aming relasyon.

"Na miss din po kita! Kamusta na po kayo? Umuuwi pa po ba diyan si Ate Meira?"

Tumawa sya.

"Hay, naku! Maayos lang naman kami. Sa awa ng Diyos ay umuwi sya noong kabilang linggo pero tatlong araw lang ay bumalik din sa inyo!"

"Miss lang po ako ni Ate Meira kaya gusto nya palagi sa bahay kahit wala na ako roon!" natatawa kong sabi.

"Oo nga, eh. Ilang taon na rin noong umalis kayo," may lungkot sa boses nya.

Ngumuso ako at tumayo habang nakaipit sa gitna ng tainga at balikat ko ang cellphone ay inayos ko ang higaan.

"Hindi ko pa po alam kung kailan kami makakabalik. Baka abutin pa po ng ilang taon ulit."

"Ayos lang iyan! Pag umuwi ka ay makakaya mo nang mag-isa. Iyon naman ang gusto mo dati, eh!"

Ngumiti ako. Hindi nya pa rin pala nakakalimutan ang mga nakwento ko noon. Talagang gusto ko nang maging independent noon para makalayo kay mommy.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon