Hindi mawala ang kaba kong nararamdaman habang nag-aayos ng mga gamit ko. Si Ishi at Kendra ay nakaupo sa kama ko at pinapanood ako.
Excited ako na kinakabahan. Sa ilang taong dumaan, heto at ilang oras na lang ang bibilangin, muli ko nang mapagmamasdan ang aking minamahal.
January na at katatapos lang ng pasko at bagong taon kaya nandito si Kuya Ashi na babalik na rin ngayon kaya sasabay na ako.
"Huwag mong kalilimutang tumawag sa amin kapag may oras ka, Janine. Lalong lalo na huwag mong kalilimutan na magsumbong sa amin kapag sinaktan ka ulit ng mommy mo, uuwi talaga ako!" si Kendra na tumalim ang tingin.
I chuckled and continue preparing my clothes.
"Opo, Master. Ingat kayo rito."
"Mag-ingat ka rin."
Ngumiti ako.
"Sunod kayo sa akin, huh? Mamimiss ko kayo," I said to them.
Niyakap nila ako. "Oo naman! I love you!"
"I love you, both! Bye!"
Sunod na nagpaalam sila kay Kuya Ashi.
"Finally, you'll be back," sabi ni kuya Ashi.
Ngumiti ako.
"Yeah... Ka-miss sa bahay nyo."
He chuckled.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Mga ulap.
"Bahay lang namin? Walang iba?"
I smirked and closed my eyes. I miss Luke.
"Marami akong na-miss."
Nang inantok ay natulog ako at kung minsan ay nakikipag kwentuhan kay Kuya Ashi. Malakas ang tibok ng puso ko nang makalabas kami sa eroplano.
Hawak ni Kuya Ashi ang dalawang maleta ko at may duffel bag pa habang ang hawak ko ay isang maleta.
Nilipad ng hangin ang nakalugay kong buhok. Inangat ko sa ulo ang suot na shades. A smile formed on my lips. Finally, after five years... muli akong nakabalik.
Nag taxi kami ni kuya Ashi hanggang sa makauwi. Sinalubong ako ni Ate Meira ng mahigpit na yakap. Binitawan ko muna ang mga bitbit at niyakap sya pabalik.
"Sobra kitang na-miss!"
Ngumiti ako at ramdam ang pangingilid ng luha.
"Na-miss din kita, ate!"
Umakyat kami sa kwarto ko at sya ay agad na inayos ang mga gamit ko habang ako naman ay naglinis. Gabi na rin pala.
Wala si mommy at mabuti nga dahil kung nandito iyon ay paniguradong bwisit na agad ang una kong gabi rito. Si daddy ay wala rin.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Agad akong naligo at nag-ayos. Ang dami ko pang kailangan ayusin.
Agad akong umalis nang makapagpaalam kay Ate Meira. Pumunta ako kina Ishi. Si Kuya Ashi ay tulog pa raw. Nakausap ko rin si Manang Tess.
Ngumiti ako kay Tita Janice na nabitawan ang mga hawak na damit. Mukhang kakukuha lang galing sa sampayan. Ilang beses syang kumurap.
"Hi, Nanay."
Nagtuluan ang mga luha nya. "Janine!"
Tinakbo nya ang distansya namin para mayakap ako. Tumawa ako at niyakap sya pabalik.
Mas inuna kong puntahan si tita at saka ko kakausapin si Luke. I want to surprise him. Kung sya ang inuna kong pinuntahan, baka hindi agad ako makauwi.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka na pala? Hindi rin nagsabi sa akin si Meira Cane! Sana ay nakapaghanda man lang ako!"
![](https://img.wattpad.com/cover/283157542-288-k253846.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
RomanceJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...