Chapter 54: Give up

103 8 0
                                    

"Daddy, aalis ka po ba ulit? Iiwan mo po ba ulit kami?" tanong ni Riane sa ama nya.

Nasa mahabang sofa sila habang ako naman ay kaharap sila at nakaupo lang. Hindi na nakapasok sa trabaho. Hinaplos ko ang buhok ni Jander na nakaunan sa hita ko at natutulog. Tumingin sa akin si Luke bago umiling.

"No. I'm not leaving. I will stay with you, forever," he said.

"Talaga po, daddy? Hindi na po ikaw aalis? Promise po, daddy?"

"Promise, baby. Hindi na si daddy aalis. Hindi ko na kayo... iiwan."

"I love you po, daddy. Sobrang saya ko po na kasama ka na po namin nina mommy at Kuya Jander. Kasi po sabi po ni mommy na nagtatrabaho ka po sa malayong lugar. Sa picture ka lang po namin nakikita. Sad po ako kasi si Papa Bryce may trabaho rin naman po pero kasama namin tapos ikaw, hindi po..."

Hinaplos ni Luke ang pisngi ni Riane bago hinalikan sa noo.

"Shh, I'm sorry. I'm sorry. Babawi si daddy. Babawi ako sa inyo."

Maraming sinabi si Riane kay Luke na hinayaan ko naman. Kaming apat na lang ang nandito. Kanina pa nakaalis si Kendra para mabalikan si Ishi sa bahay nila. Hapon na rin naman kaya baka gising na si Ishi. Gusto ko nga ring pumunta roon para makausap si Ishi pero hindi ko naman maiwanan ang mag-aama ko rito.

"Gutom na ba kayo?" tanong ko sa kambal. Hindi ko binalingan si Luke.

"Opo, mommy! Gusto ko po ng cake ni tita ninang!" si Riane.

Ngumiti ako. "Okay, bibili ako. Madali lang ako."

"Ako na lang ang bibili, Zelle," si Luke.

Nilingon ko sya. "Dito ka lang, ako ang bibili. Bantayan mo nang maayos ang kambal."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot at nagpaalam na sa dalawa. Kinausap pa ako ni Leo at si Kendra ay wala.

"Hi." Tumingin si Kuya Bryce sa kapatid nya. He smiled apologetically at me. I just rolled my eyes at him. Naupo ako at tumingin sa cellphone.

Kendra: Ayaw magsabi ni Hara, haha. Halatang nag-usap sila ni Vein kagabi, eh. Naghanap ng dahilan. Matalino yata ako. Walang nakakaligtas sa akin, di ba? Di ba? Enjoy kayo diyan! Finally, comeplete family na kayo! Magpapahanda ako bukas! Need yang i-celebrate.

Natawa ako sa nabasa. Kanina pa iyon at ngayon ko lang naman binuksan ang phone ko. Sira ulo talaga.

Ako: Ang dami mong alam. Ikaw na matalino.

Agad syang nag-reply.

Kendra: Wow, sobrang tagal ng reply! In-enjoy talaga, eh. Happy na? Happy na? Matalino talaga ako. Mayabang na ba ako nito?

Tumawa ulit ako.

Ako: Wala ka namang boyfriend. Tsaka mo na ako yabangan kapag may boyfriend ka na.

Kendra: Edi ikinabawas ng kaastigan ko 'yan? Huwag na lang.

Natawa ulit ako. Wala talaga 'tong kaano-anong kausap.

Ako: Huwag mo munang sabihin kay Ishi 'yung kay Luke. Ayaw kong dumagdag sa stress nya.

Kendra: Siyempre! Ikaw dapat magsabi. Ipanalangin mo na tumahimik itong bunganga ko dahil baka madulas bigla.

Ako: Oo na lang. Bantayan mo si Ishi diyan.

"Wala pa si Doctor Sarmiento," rinig kong sabi ng isang doktor.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon